KM3 : Nasa Kulungan Ang Aking Kalayaan

Hulyo 6, 1892

Maliit lamang ang silid na pinaglagakan nila sa akin. Madilim ang bawat sulok at tanging liwanag  mula sa buwan ang nagsilbi kong ilaw sa gabing mapanglaw. Malungkot ang lugar. Mabigat. Tahimik ngunit hindi payapa. Ramdam ko pa ang hinagpis ng mga taong tumigil dito bago sa akin at ang kalawang na nagmarka sa bawat rehas ay ang parang mantsang naiwan kasama ng kanilang pighati at kalungkutan. Dinakip nila ako . Pinarusahan. Hinusgahan. Ipiniit dito sa kulungan.

Magulo ang mundong aking kinagisnan. Marami akong naririnig na tinig mula sa iba kung saan ang bawat sabihin nila ay nagiging batas at ang mga hinahain nilang alituntunin ay pilit na pinapakain sa amin. Nalilito ako kung ano at sino ba ang dapat sundin. Sa kabila nito naisip ko na tayo ay binigyan ng dalawang tenga para marinig ng isa yung tama at marinig ng isa yung mali. Ngayon , para hindi ka malito binigyan ka ng Diyos ng utak para piliin ang tama at puso para unawain naman ang mali. Sa bawat salitang isisigaw sa iyo ng mundo ay mabubuo ang  iyong mga paniniwala at ang  iyong mga prinsipyo. Dito magsisimulang mabuo at mag-alab ang iyong pagkatao at ang usok nito ay ang magsisilbing tinig na handang lumipad sa kawalan nang malaya. Nakulong ako sa kadahilanang pinaglaban ko ang sa tingin ko ay tama at kailanman hindi ko iyon pinagsisihan dahil naniniwala akong wala nang mas kawawa pa sa taong walang sariling paniniwala at wala nang mas hangal pa sa taong hindi tinatayuan at pinaglalaban ito. Hindi ang rehas ang magdidikta ng aking kalayaan.

Siguro maraming henerasyon na ang lumipas bago pa may makabasa ng sulatin kong ito. Sana umabot pa ito sa henerasyong malaya , may paniniwala , makatao at may pagkatao. Sana din ay iyong nabatid na hindi ang boses na galing sa bibig ang higit na pinakikinggan ng mundo kundi ang boses na galing sa puso. Tinig na aalingaw-ngaw at mananatili sa pandinig ng bawat isa kahit ikaw ay wala na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

—————————————————————————————-

Ang mapangahas na akdang ito’y kathang isip lamang nang tamad kong utak at sinulat nang mas tamad ko pang mga kamay.

100 thoughts on “KM3 : Nasa Kulungan Ang Aking Kalayaan

  1. hello, bagotilyo… yan kasi, merong masyadong na-excite… ba’t kaya di pinalad sa top 10 itong post mo? for me, kagandahan pa rin ‘to… ako na ang loyal pero pan-top 10 ‘to! 🙂 pero hamo na nga, mahirap ngang mag-expect. buti na lang akoang nag-expect for you, ako ang mamatay, haha. 😉 hey, salamat sa dalaw, kapatid.

      1. hindi kahit paano, i appreciate it a whole lot. it’s original, something like, ano kaya ang last thoughts ni rizal about the language and about telling the truth noong gabi bago siya barilin…. i mean, it never occured to me. i doubt if sa iba, mag-o-occur din ang gano’n. see? … 😉

  2. Ito ba ang nawawalang pahina ng ” Me Ultimo Adios” ni Rizal? Tnt.

    Anu’t anuman, kahit na baligtarin ang kasaysayan ng Pilipinas, laging lumulutang ang pangalan ni Rizal. Siya ang tinig na nagpalaya sa atin, kahit pansamantala upang magkaroon tayo ng sariling atin. May sarili tayo at hindi basta umusbong na lamang mula sa mga dayuhan.

    Ang tinig na ito ay magpapaalala kung ano ang ipinaglalaban ni Rizal.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3. 🙂

    1. haha di ko p ata nababasa yang me ultimo adios ..lol

      Tinig niya ang isa sa mga importanteng tinig sa buong history ..
      Salamat sa kanya 🙂

      may story pa dapat yang post ko kya lang sagad na 350 words haha..

      yang date na yan ay yung nakulong si rizal sa fort santiago ..

      Salamat sa pagdalaw perstaym ko to sa Kamalayang malaya.

      Isang karangalan 🙂

    1. Sang-ayon din ako din dito sa kumento ni PP. Okay na sana, nagmukha lang text message dahil sa mga tuldok sa dulo.

      Ngayon ko lang napansin ‘yung “Fuck Sign” mo. Tarantadong hacker. Haha!

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p