Moving on Stage 5 – Letting Go

Lahat ng bagay may katapusan , kumbaga sa stories- ending, sa pag-aaral- graduation , sa laro- gameover , sa load – *checkop* , sa magsyota -break-up , sa trabaho -resignation o kaya termination ( you’re fired! Kuha mo?)  at sa buhay kamatayan. Tapos na ang climax ng iyong pelikula , tapos na ang senti mode na nakakaumay , tapos na ang pagpapanggap na ok ka kasi ngayon ok ka na talaga. Sa pelikulang ikaw ang nag produce at ikaw din ang bida – tapos na ang heavy drama , you have done your part . At dahil ikaw din ang namili ng nominees sa mga awards na lahat ay winner by default, ikaw ang napili at nanalo bilang best actor.

Its time to give your speech yey! :

“Unang una gusto kong magpasalamat sa lahat ng umunawa habang ako’y kawawa. Da bes kayo. Para sa atin ang tagumpay na ito ,sa inyo ang tropeo akin ang cash prize.”

and the winner is…..

Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay isa ito sa mga humubog ng aking pagkatao, andaming iyak , andaming neurons ang nalagas kakaisip , andaming puyat sa taping , andaming eyebags pero lahat ay sulit naman kasi andami ko ding natutunan.

May mga tanong na nabigyan kasagutan at isa ito sa mga iyon:

Bakit nga ba “EX” ang tawag sa mga dating karelasyon mo?

Dahil ba isa silang MALAKING pagkakamali sa buhay mo? Isipin mo na lang ang resulta ng test paper mo noong nag-aaral ka pa.Matapos mong sagutan ang eksaminasyon at iparotate ng titser mo ang paper ng counter clockwise ( hindi mo naman alam kung pano yung counter clockwise nakikisabay ka lang kung saaan inaabot ng katabi mo ang papel) upang tsekan makikita mo na may markang tsek at ekis ang bawat item. Ang daming “X” –Madidisappoint ka sa score mo kasi alam mong mas may maibubuga ka pa. Yun ang purpose nila sa buhay natin , upang ipaalala na dapat tayong magpursigi pa para mas maging mabuting tayo. Binawasan man nila ang puntos mo sa exam dinagdagan naman nila ang karanasan mo sa buhay. At ang karanasang iyon ay ang isa sa mga buo kung sino ka ngayon.

Maiisip mo na hindi sapat ang umasa lang sa matatalino tuwing exam , dapat magreview ka pa rin kasi sa huli hindi naman sila ang magsusulat ng sagot mo sa iyong papel; ikaw pa rin.  Isa lang ang dapat mong asahan at iyon ay ang iyong sarili kasi hindi sa lahat ng oras andiyan ang katabi mo para magpakopya sa’yo. May kanya-kanya rin silang lovelife , may kanya-kanya rin silang pagsusulit na pinagdadaanan. Mangodigo kung kinakailangan. Sa puntong ito its better to cheat than to repeat.

 

Matapos mong pagdaanan ang prosesong dumurog hindi lang ng puso mo kundi  ng iyong buong pagkatao. Matapos mong mabusog sa dami ng pride na nalunok mo. Darating ka pa rin sa puntong masasabi mong kaya mo nang gumising ng hindi siya ang unang naaalala mo , na sa bawat ginagawa mo hindi na siya ang nasa isip mo at sa bawat pagtulog mo hindi na siya ang napapanaginipan mo . (its time to say good bye to your wetdreams). Na finally kaya mo nang sabihin sa kanya na :

“ Mahal kita noon- maglaway ka ngayon”

Tapos matatawa ka na lang bakit nagpakatanga ka sa kanya nang ganun katagal. Buti na lang at nabasag na ang helmet mo.

CONGRATULATIONS!!! Pwede ka nang humada at lumandi muli. Its flirting time …

 

 

 

 

 

P.S. Pagnagkasalubong tayong muli kaya na kitang titigan sa mata ng walang halong pagkukunwari malinaw na sa’kin na tapos na ang love team natin ANNE CURTIS SMITH.

77 thoughts on “Moving on Stage 5 – Letting Go

  1. Wow ! I didn’t know men could feel this way too. I thought only women did. That’s , uhm, nice. See, it’s only women who end up holding thhe short end of the stick.

  2. “Tapos matatawa ka na lang bakit nagpakatanga ka sa kanya nang ganun katagal. Buti na lang at nabasag na ang helmet mo.”
    -eto na talaga yun.🙂 Great series! iba talaga pag own experience, ang sarap basahin.🙂

  3. eto yung time na tatawanan mo na lang lahat ng kaemohan mo ng walang iba nararamdaman kundi inis or tawa sa kaekekang pinaggagawa mo.

  4. Pingback: Moving On Series | Bagotilyo

  5. let go? wait, let me check…. hahaha.. kung san sya masaya dun xa, peste wag lang sila magpapakita sakin…. oopps… back to bittermode… hihihi…anyare?

  6. Pingback: Moving on — Stage Zero : The Great Pain « Bagotilyo

  7. madali lng makipaghiwalay mahirap lng mag move on pwera lng kung sya ayy ng loko madali lng palitan and love ng hatred at epektive un para sa step one ung mawala ung love peo dpt eventualy mawala din ung hatred di ka pa totally moved on kung indi hehe
    nkita ko fb mo taga cavite city ka pla at ka birthday pa kita haha

  8. sana ay makamove on na rin si Anne. para kasing siya yung nahihirapan sa ngayon eh. nagtext nga sa kin kagabi, na-wrong send. tingin ko para sa yo talaga yun. sabi niya sa message eh… ay di ko na pala dapat sinabi, nakamove on ka na pala. lol

  9. Tama un dapat mong tangapin ang ending nang season 1 ng buhay mo kasi madami pang story ang sinulat ng script writer(God) at madami pang season ang kailangan makita. Isa lang ang dapat isipin mo kong hindi ka maka pg move on sa season 1,un ay kong gaano ka haba ang season 1 ganon din kadami ang mawawala na viewers sa show mo(in short madami kang mapapalampas na tao na dapat maging bagong leading man/leading lady).

  10. “andaming iyak , andaming neurons ang nalagas kakaisip , andaming puyat sa taping , andaming eyebags pero lahat ay sulit naman” – yan naman, nalinis ang kanyang tear glands, makakakita na sya ng maayos, hihi. no more red eyes, time to have a fresh look at the world. scan the landscape muna, kapatid…😉

  11. ah ex mo si anne? current ko siya e! hahaha…lols! Nice post. sana nabasa ko to 10 years ago..hahahahaha…seriously nga.. pag nakipagbreak, forgive, forget, but learn from it. If it wasn’t with my failed relationships i would’ve not learned and happy right now with my wife🙂

  12. Ang pinakamahalaga para sa akin during the moving-on process ay yung I was able to HONOR my sorrow, reflect on it, and convince myself na it’s not worth dwelling on it.

    Pinakapaborito ko dito yung part about bakit nga ba tinawag na ex ang mga ex. Malaman.🙂

  13. mabuti naman at narating mo na ang ending ng isang pelikula sa buhay mo. asahan mong marami pa darating na “offer” pero sa palagay ko ay kaya mo na i-handle. after all, isa ka ng ganap na aktor dahil sa award na natanggap mo.

    ganyan lang talaga ang buhay, pero dapat matuto tayong tanggapin kung ano ang ibigay sa atin.

  14. bakit ka may sore eyes pogi? dahil ba yan sa pakikipagtitigan mo kay ekis?😀 LOL

    henyways ayush yung analogy mo sa pag-ibig ah, school…

    sa lahat ng umibig at nasawi ito yung pinaka redemption, at tama ka pwede ka nang lumandi ng iba ng bonggang bongga!!!

  15. Pero sa eksam, kaming mga titser, kahit andaming ekis ng papel mo, yung tama pa rin ang binibilang. Kahit gaanong karami ang mga pagkakamaling nagawa mo, ang mahalaga pa rin sa huli ay kung may napulot kang “tama” sa lahat ng yong mga karanasan.

    Husay mo talaga master idol boss!

    P.S. Tutal tapos na kayo ni Anne, balato mo na sya samin.

    Tenks!

  16. Grieving Process… para din sa mga gustong mag move on ^_^

    D – Denial
    A- Anger
    B – Bargaining
    D – Depression
    A – Acceptance

    Saang Stage ka na kapatid? hihihi

    Nakikiraan lang po!

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s