Moving On Stage 4 – Exhaustion

Kagaya ng Isang Construction Worker na magdamag naghalo ng semento at nag-inom pagkatapos ng trabaho darating ka rin sa puntong mapapagod ka. Mapapagod sa pag-eeffort , mapapagod maghintay, mapapagod umasa , at mapapagod masaktan.  Ito yung oras na mararamdaman mo napapagod ka na rin mahalin siya.

.

Sobrang pagod nakatulog na si sara…

.

Para sa iba dito pa lang nagsisimula ang totoong pag momove-on. Ngunit gaya nga ng sinabi ko walang instant sa mundo – lahat dumadaan sa proseso. Lahat ng pinagdaanan mo , ang magREMINISCE, ang maDEPRESS , ang maging BITTER at ang MAPAGOD ay parte pa rin ng proseso.

.

Ang bawat oras na hindi nyo pagkikita o pagtetext ay makakatulong din pala para makapagmove-on ka. Importante rin ang pag-iisa (minsan) sa mga oras na nag-eemote ka. Kasi maiisip mo na ang dating kaagapay mong una tuwing malungkot ka at may problema sa buhay ay wala na ngayon. Kaya wala kang choice kundi bumangon mag-isa. Taas noo , stomach in;chest out. Totoo din pala yung kowts na “time heals”— Oo maniwala ka proven na yan ni albert  aynstayn  icetine   Einstein  at ni tito boy abunda . Oo tito ko siya.

.

Magiging OK na sana ang lahat , tuluyan ka na sanang makakawala sa matagal mong pagkakabilanggo sa iyong nararamdaman sa kanya hanggang isang araw nag tex siya sayo : “musztah pfoewhz??” agad-agad kang magrereply. Ayun back to start na naman ang eksena. Ito yung snake and ladder stage kung tawagin . Gustong gusto mo na makarating ng finishline pero pag natapat ang pamato mo sa snake katulad ng text message na ‘yan mahihila ka na naman pabalik. Kasama yan sa rules kaya wala kang magagawa , dapat kasi hindi ka  nagpatukso sa ahas para kagatin ang mansanas. Swerte mo pag natapat ka sa ladder aangat ka ng ilang bloke . Salamat sa iyong mga kaibigan at kapamilyang handang makinig sa paulit-ulit na pag-eemote mo. Hagis lang ng hagis ng dice pasasaan ba at makakarating ka din sa finishline at mahahawakan mo ang trophy kagaya nung picture sa baba.

.

NO CHEATING!!!

.

TIP: Pag hindi nakatingin ang kalaban mo sa nasabing board game pwede mong iurong ng konti yung pamato mo pa-forward. Hindi mo man naranasan maging cheater sa love story nyo atleast naranasan mong maging cheater sa pagmomove on. Lokohin ang sarili–Madalas mo namang ginagawa yan. Wala naman ibang makakaalam ikaw lang .  :p

.

83 thoughts on “Moving On Stage 4 – Exhaustion

  1. Exhaustion pala ang tawag dun, yung moment na di mo na talaga sya naaalala tapos biglang magtetext sya sayo, sabay back to the old stage na naman =))

  2. kainis yang snake ladder na yan.. lalo na pag natukso ka sa ahas… ang sakit lumagapak at back to Zero.. ulit ulit til mamanhid..

  3. Pingback: Moving On Series | Bagotilyo

  4. Mahirap talaga ang moving on pero hindi sagot ang paghahanap ng ibang babae lalo’t alam mong may pagmamahal ka pa sa ex mo. Masasaktan mo lamang ang bagong mamahalin at hindi cool ‘yun. Total closure talaga muna, then pagtanggap, then moving on, yan pwede nang mag clubbing diyan at makipaghuthutang dila sa iba😀

  5. Pingback: Moving on — Stage Zero : The Great Pain « Bagotilyo

  6. Snakes and Ladders ang analogy! nakanaks. Pang Albert Icetine (correct spelling ng Einstein,ginogoogle ko yan) ang talino. Hands down talaga ko sa mga payo mo sa buhay pag-ibig. Ikaw na ang Dr. Love ng Makabagong Panahon. nyihihihihi

  7. ano to lovestory mo? at si sara este sarah gee ang gee-eef mo? ehem seriously, natawa ako sa “musztah pfoewhz?” kinailangan ko pa talagang i-copy then paste kasi nahilo ako sa spellilings. congrats tito mo pala si tito boy abunda at nakitito na rin ako, pwede namang tita. oo tita naman talaga sya, proven yan ni albert canesten. basta ang stage na to ay stage ng kalowkaness! move on. wag ng initin ang left overs ipaubaya nalang yan sa mga aso at memeng.

    • masama bang initin minsan ang leftovers?? haha ..

      ngayon alam ko na hindi ko na uulting initin pa ..

      hindi si sarah ang GF ko .. andun sa “stage 1 -Reminisce” kung sino tlga ang Gf ko🙂

  8. “Mapapagod sa pag-eeffort , mapapagod maghintay, mapapagod umasa , at mapapagod masaktan. Ito yung oras na mararamdaman mo napapagod ka na din mahalin siya.” Pero magparamdam lang siya, nawawala ang mga kapagurang ito. Ang gulo.

  9. napaka Agreesive nman hehe; “pag ibig madaling sbhin pero mahirap gawin tama po ba;)
    have a nice day eveRyone:)

  10. kung matumal ang snake and ladder. ibang laro ang laruin mo at ung magaling ka para makuha mo agad ang trophy na hinahangad mo😀

  11. Ay naku. Ang span ng moving on ay maximum ng 3months. After ng tatlong buwan at di pa din nakakamove on, kailangan na nya ng tulong.

  12. “oh natouch nman aq n2 subrang ganda ng pag kaStory ni saRa;)gnun pla un pag pagod kna tlaga 2log n 2log ka hehe;)

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s