Posted on Oktubre 15, 2016

Panalangin

Panalangin

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang huling imaheng natatandaan ko ay ang pagiging balisa ni papa. Malakas ang sigaw niyang umaalingawngaw sa apat na sulok ng bahay. Kasunod noon ay ang tunog ng nababasag na pinggan at baso sa kusina. Halos madapa si mama sa pagmamadaling puntahan si papa upang yakapin at awatin sa pagwawala. Matapos ang ingay ay napalitan iyon ng nakabibinging pigil na iyak at hikbi mula sa aking mga magulang. Anim na taong gulang ako noon at sa edad kong iyon, wala akong lakas ng loob para tanungin kung ano ba talaga ang nangyayari. Magpatuloy sa pagbasa