Sampung dahilan kung bakit masarap mahalin ang isang certified commuter sa Pilipinas

Magmahal ka ng commuter kasi:

1. Alam at sinasabuhay niya ang salitang paghihintay. Sa pila ng FX, bus, LRT o MRT. Kahit nahihirapan, kahit naiinitan. Maghihintay yan kasi alam niyang may darating.

2. Kaya niyang iwan ang dignidad makasakay lang sa puso mo. Ibababa ang pride . Ipagsisiksikan ang sarili kung kinakailangan makasama ka lang sa biyahe ng buhay. Kahit nakatayo. Kahit naiipit. Kahit magpigil ng ihi.

3. Kahit nakatayo at wala ng nahahawakang rails, TV sa harapan ng bus, o poste sa MRT – hinding hindi siya bibitiw. Tatapusin niya ang biyahe. Endurance . Walang duda , marami siya nun.

4. Alerto yan kapag may aali-aligid na snatcher. Gagawa ng paraan para protektahan ka at hindi ka makuha ng iba. Kahit natatakot , itataya niya ang buhay wag lang makinabang ang taong hindi naman deserving makakuha ng kahit na ano sa kahit na sino. Ang lalaki ng muscle, ayaw magtrabaho. Mga Parasite! Bitter lang?

5. Certified sundalo yan lalo na pag rush hour. Kung kaya niyang makipaglaban makarating lang sa opis o school, ano pa kaya kung ang relasyon niyo na ang kanyang ipaglalaban?

6. Namaster niya ang quote na “Patience is a virtue”. Sana’y sa traffic sa Coastal, sa Edsa, sa Eastwood, sa Makati, sa Taft at sa kung saan pa man. Pasensiya level: 100.

7. Boyscout/Girlscout siya na madalas may handang eksaktong pambayad at barya sa wallet. Ibig sabihin lang na marunong siyang magplano para sa mga gagawin niya sa isang buong araw. Tanda na isa siyang responsableng tao at partner. Kung walang barya, matatanggap niya na minsan hindi na nasusuklian ng tama ang buong buong atensiyong este bayad na ibinigay niya.

8. Hindi ka mahihirapang pasayahin kasi sanay siya sa simpleng pamumuhay. Headset lang, music sa mp3 o radio , solb na solb na siya. Minsan nga scenery lang ng mga taong naghahagaran sa sasakyan, hindi na niya alintana ang mahabang biyahe

9. Resourceful. Magpuputol-putol na biyahe makarating lang sa paroroonan at makamit lang ang matamis mong “oo”. Magtatanong kada kanto at kada minuto sa kundoktor o driver ng “kuya, malapit na ba sa <insert lugar>?”

10. Sanay masaktan at magtiis. Nasiko, naapakan, nakalmot, nabatukan, at natamaan ng bag sa maselang bahagi. Hindi yun dahilan para awayin ka niya. Maliit na bagay sa kanya ang may makatabing hindi na baby pero amoy baby you’re a firework, o yung may hiningang amoy 5 days inimbak ang kaning lamig sa bibig, o kahit yung amoy solar scent (google translate: amoy araw) na bumbunan ng copassenger niya.

Ang mga commuter ang tunay na bayani ng bagong henerasyon. Tularan sila. Mahalin sila.

14 thoughts on “Sampung dahilan kung bakit masarap mahalin ang isang certified commuter sa Pilipinas

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s