Hawak-hawak ang puting plastik na parihaba. Nanginginig ang kamay habang nakapako ang tingin sa dalawang pulang linyang naka marka sa gitna. Tumingin ang dalagita sa binata. Napaluha. “Bibili pa ako ng isa,” wika ng binatang puno nang pagdududa at takot ang mukha. Nagmamadali itong lumabas ng bahay. Sumakay ng motor. Iyon ang huling tagpo sa gunita ng dalagita, humagibis papalayo sa kanilang mag-ina. Madalas na napapabalikwas, baka sakaling magbalik. Bigo.
Masikip. Madilim. Nababalutan ng tubig ang lugar ngunit sapat naman ang init para hindi ginawin ang hubad kong kabuuan. Halatang hindi pa ganap na handa ang katawan para dalhin ang isang tulad ko. Hindi rin ako sigurado kung handa na ang puso’t isipan. Kahit tahimik dito sa loob alam ko – ramdam ko , produkto lamang ako nang mapangahas na pagnanasa. Nararamdaman ko ang iyong nararamdaman. Kasiyahan. Galit. Takot. Lungkot. Tila ba ang pising nakakabit sa aking tiyan patungo sa kung saan ang may dahilan para maintindihan kita. Para maramdaman kita. Minsan nga sinabi mo “ Walang bayag ang tatay mo. Iniwan ako.” May bigat ang bawat kataga. May pinanggagalingan ang bawat luha. Dagli akong napatingin sa pagitan ng aking mga hita , mayroon ako, hindi kalakihan pero sapat na siguro para hindi ka iwanan.
Ang iyong sinapupunan ang aking naging pansamantalang tahanan. Madalas hindi sapat ang nutrisyong ating pinaghahatian. Pero ewan ko ba. Pakiramdam ko ito pa rin ang pinakaligtas na lugar sa mundo. Ang kalingang binibigay nito ang nagsilbi kong nutrisyon. Ang proteksiyong pinagkakaloob nito ang nagsilbing dahilan para maramdaman ko ang iyong pagmamahal.Bagay na akala ko ay totoo.
Lumipas ang mga araw , unti-unti kong nararamdaman ang pagsikip ng lugar. Siguro kasi lumalaki na ‘ko. O siguro kasi nararamdaman ko na hindi mo gustong nandito pa ako. Imbis na bitamina ay puting tableta ang iniinom mo araw-araw. Ang bawat lagok ng isang piraso nito ang nangusap sa akin ng iyong pagkamuhi. Nang iyong galit at pighati. Ilang oras matapos mong inumin ang mga maliliit na puting tableta ay unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit. Parang pinupunit ang aking balat. Parang sinusunog ang aking mga buto ,parang iniipit ang aking mga laman, parang sinasakal ang aking leeg. Bumibilis ang aking paghinga. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Masakit. Sobrang sakit. Pero wala na palang mas sasakit pa noong malaman ko na pinagsisihan mo na nabuo ang isang tulad ko. Sakit na hindi kayang ilarawan ng salita. Sakit na walang katulad. Sakit na kumikitil sa pag-asa kong maging kabalikat mo. Sana. Sakit na tanging luha na lamang ang kaya kong itugon. Sa akin ka sana huhugot ng lakas at pag-asa para makabangon.
Gusto kong malaman mo na pinilit kong lumaban para mabuhay — kahit ayaw mo. Matigas ang ulo ko. Masisisi mo ba ako kung gusto kong makita ang mukha mo , ang mga mata mong nakatingin sa akin, ang matatamis mong ngiti. Masisisi mo ba ako kung gusto ko lamang maramdaman ang mga labi mong dumadampi sa aking noo bago matulog sa gabi. Pangarap kong matawag kang “inay” , pangarap kong marinig iyon ng dalawa mong tainga. Pangarap kong maramdaman na bukod sa loob ng iyong tiyan mayroon pang ligtas na lugar sa mundo – sa bisig mo. Pinilit kong lumaban para mahalin ka. Gusto kong maramdaman mo iyon. Sana binigyan mo ako ng pagkakataon.
Kasabay ng paglaki ng iyong tiyan ay ang paglaki ng galit sa iyong puso. Gayunpaman , pinili ko pa ring pakinggan ang bawat tibok nito kahit nakabibinging galit lamang ang aking naririnig. Ang sarap kasing malaman na minsan nagsasabay ang pintig ng mga puso natin kahit magkaiba ang sinasabi. Isang araw habang tahimik kong binibilang ang tibok ng puso nating dalawa ay biglang may kung anong sumakit sa aking dibdib. Hindi ko alam na umiinom ka na naman pala ng puting tableta. Bumilis ang tibok ng aking puso. Sobrang bilis. Dahan-dahang bumabagal. Uminom ka pa ng dalawa. Lalong bumabagal. Bahagyang tumitigil. Tinungga ang ilang pirasong tableta kahit walang tubig. Mahal kita. Ako’y napaiyak sa sakit. Kulay pula ang luhang lumabas sa aking mata. Humihina na ang kaninang mabilis na tibok. Lalong bumabagal. Nawawala. Nawala.
Nasaan ba talaga ang langit inay?
Sabi nila ang mga sanggol daw ay mga anghel na galing sa langit. Hindi ko naman akalaing babalik pala agad ako ‘don.
Magkikita pa kaya tayo?
Sana.
Ang maikling kwentong ito ay aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 2013 .
P.S. Salamat kay tay J.kulisap sa pag-iisip ng magandang title at pag proofread ng aking akda sa loob lamang ng 3 minutes and 35.67 seconds. lol
Maari po bang malaman ang name ng author nito? Kung pwede mo sana gagawin ko itong piyesa sa aki g pagtatanghal, salamat po
ako po nagsulat nito 🙂 Moises John Bilang AKA bagotilyo
galeng ! Heard the pice on TAMBALAN’s :pve Radio! Clap Clap tlaga.
*piece *Love (Grabe sabaw yung comment ko)
haha Thanks. Sulat ka na ulit 🙂
Pwede po bang gawin ‘tong project sa Fil.? Wag po kayong mag-alalala ang project namin mag-search ng maikling kwento hindi gumawa. Hindi ko po gustong mag-plagiarize, kaya pwede po bang gamitin ‘to?
Sure. Ok lang po. Salamat 🙂
Ang ganda ng pagkakasulat, feel na feel ko 😦
Binasa ko nga ulit ngayon, masakit pa rin sa dibdib T_T
Ang galing naman… ramdam na ramdam yung gusto iparating…
salamat po. Buwan na kasi ng wika! ano daw?? hahaha :p
hahahahaha ay yun pala! akala ko kasi dahil 2016 na po.
ang galing mo maggawa ng blog na kagaya nito:) kung ano ung ganda ng blog na ito eh sya namng sakit sa pakiramdam habang binabasa ito kase sobrang laki ng kasalanan na ginawa ng mga taong gumawa nito sa sarili nilang anak:( wala silang puso at kaluluwa:( palibhasa hindi nila nararamdamn yung sakit habang unti unti nilang pinapatay yung sarili nilang anak:(
Salamat po sa pagbasa. Dinudurog din ang puso ko habang sinusulat ‘yan. </3
kung ano yung iginanda ng blog na ito sya namang sakit sa pakiramdam na nabasa mo ko ito kasi hindi ko akalain na talagang may mga taong kayang *pumatay*ng sarili nyang anak at ng isang sanggol na walang kamuang muang…..ang ganda ng blog na ginawa nya …
Salamat po sa pagdaan. Masakit ang katotohanan. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magbabago ang mundo. 🙂
may kurot sa puso…. ayos… ^^
sana makapag update ka ulit…. ^^ Happy New Year!
oo nga eh .. sana ngayong january.
sana saniban ulit ako ng kasipagan. hahaha 🙂
Happy new year din.
Nanalo ba ‘to? Wala pa kasi akong balita sa kung sinu-sino ‘yung mga nanalo.
hindi po ito pinalad manalo. hehehe
Dropping by to say Hi! and THANK YOU for being a part of my fruitful two years!
Cheers!
hi Ms. B . Merry christmas. Nabasa ko yung post mo , di alng ako makapagcomment. mobile kasi yung gamit ko nun.
wish you many many years to come.
🙂
..Such a sad story..touching story…:’(..
….galing nung gumawa..
salamat po sa pagbabasa 🙂
nakakaiyak naman ang kwentong to parekoy! galing mo!
kudos! winning entry yan
Salamat Mecoy. at hindi pa rin ako nakakamoveon sa “baby bus” moment na yun . .sorry talaga. hahaha 🙂
Ang lungkot neto Ninong… 😦
Ang ganda ng kwento! The Best ka talaga!
ninong napadaan ka ^__^
salamat..
nalungkot din ako habang ginagawa yan.
good luck sa entry mo bagotilyo.
Salamat eli 😀
naluha ako dito 🙂 ang ganda po. sobrang nakakadala at damang dama ko. Congrats sir
Thanks po at na aprreciate niyo ang sinulat ko ^^
grabe ka! kalalaki kong tao nanikip ang dibdib ko sa kalungkutan sa ginawa mong ito. well done. 🙂 good luck.
ang tunay na lalaki may puso .. Ano daw?? hahha
salamat.
hahahaha! so tunay na lalaki nga ako wahahahaha!
Well done! 😉
Thanks June! 😀
Oh my God! I’m speechless! Good luck!
Salamat… Salamat :DDD
ayon, kumakatha na muli si bagotilyo. pambihira, sabi nang sulat lang lagi… goodluck sa entry mo, kapatid…
ah, walang langit. di nya na makikita… wait, akda mo me sabi, ha… 😉
natagalan bago ulit kumatha. baka matagalan pa lalo sa kasunod. hahaha
kaway ate san 🙂
musta na?
“ Walang bayag ang tatay mo. Iniwan ako.” May bigat ang bawat kataga. May pinanggagalingan ang bawat luha. Dagli akong napatingin sa pagitan ng aking mga hita , mayroon ako, hindi kalakihan pero sapat na siguro para hindi ka iwanan.”
-best line for me. 🙂 Galing Ser!
favorite line ko din to sa kwentong to 😀
Ang kyut ng blogname mo. ahhaa
badtrip ka, nasa office pa naman ako..eto naiiyak, kanina pa ako lumuluha…..but seriously thank you sa post, it meant a lot. sana maraming makabasa…lalo na ung may mga balak gawin yan.
kahinaan ko to pre..you got me. kung hindi ka man manalo sa patimpalak na yan, ung nagawa mo yang post/short story na yan, para sa akin, panalo ka na 🙂
Good luck pre! I’m a fan 🙂
Sana nga makapagligtas ng buhay tong sinulat kong ‘to bro.
Kahit isa lang …
at dahil para sayo panalo na ko.
hindi lang unli lomi ang utang mo sakin.
pati unli sopdrinks na din. hahhaha
Five stars!
gudjab! =))
thanks bro.
Sayang di ka nakasali :3
next year.
tagalog ah.. hehhe
HAHA.
Kakahiya nga eh. Nagpasa ako ng poem, English.
Ang husay mo ng maglapat ng mga angkop na salita. iba! Dati naman talaga iba ka na!Magaling at tunay na kahanganga! Ikaw na! 🙂
Goodluck!
Xjayrulez!
maka “kahanga-hanga” ka naman jay harot. hahahah
magbalik ka na daw :p
nicely done! 🙂
Thansk par! Godbless .
kakatats naman… da best…
salamat sa pagdalaw senyor! 😀
sabi nila dugo pa lang naman kaya di pa tao…. di ba nila alam na ang unang nabubuo ay ang puso…at ang puso ang unang nakakaramdam ng lahat… ang sakit ng naramdaman nyang sakit.. nakakaiyak…
Iba talaga ang talent mo, sinapupunan ang unang tahanan nating lahat.. pag natatakot tayo or malungkot, we curle into ball like we use to be when where still fetus… kasi sinapupunan ang pinaka safe place na pinangalingan natin.. dun natin naramdaman ang unang pagmamahal.
we curl into ball like we use to be when where still fetus <– totoo to teacher zen.
Salamat.
Sana maisip muna nila yung hirap na maaring danasin nung baby bago sila mag pa abort. T_T
Nice! The best of luck to you. =>
Many thanks.. Godbless.
kainis ha…kakaiyak! God bless you!
Salamat ate Beth. nex tym papatawanin naman kita. hahah
Godbless you more.
ano pa ba ang dapat kong sabihin? Speechless ako…. wala ka pa rin talagang kupas. Ang bawat salita at pangungusap na nabuo’y sadyang isiniksik sa aking puso at isipan.
Gudlack sa iyong gawa!!!! yey!!! 😀
Nakahabol ka ba gina??
salamat po! yey!
speechless ka jan. haha
This. Wala akong masabi. Bow ako sa emosyong hinatid ng akdang ito. Good Luck po!
Yung malamang umabot sa mambabasa yung emosyon na gusto mong ipahatid. ^____^
Salamat po.
ang sakit sa puso 😦
naiimagine ko ang baby habang unti-unti syang nawawala. Pwede na tong narration para sa isang videoclip about abortion. Goodluck!
Salamat kat!
sana may gumawa nung videoclip. hehe 😀
Ilang henerasyon rin ako naghintay ng panibago mong akda, 🙂
Mahusay, inspirasyon ko kung paano ka sumulat.
Di man ganun ka propesyunal, ay talagang humahanga ako sa iyong talento.
Mananalo ito ! Goodluck ! patuloy lang sa pagsulat!
napangiti ako dun sa ilang henerasyon.hahaha..
talagang sabaw lang ako.
may napipiga lang minsan.
Salamat sa suporta at pagtangkilik. hahha
🙂
Kapag mga kuwento na dumadaplis sa puso at kamalayan, laging tumutusok sa dapat mabahiran hanggang sa ikulong ang diwa ng isang mambabasa sa mundo ng mga titik.
Ang kuwento’y totoo, pangalanan man o hindi pero nandito lamang sa ating kapaligiran. Nagbabago ng lugar, ng pangalan, ng mga saksi, pero ‘yon nga’t totoo.
Nasaan nga ba ang langit inay?
Sa bawat desisyon may bunga, mapait man o matamis. Sa bawat desisyon, may panalo meron ding talo.
Hinog na si Bagotilyo. Ako po ay tagahanga ninyo
Hindi pa ko hinog tay. Alam mo yan.. XD
ayoko din mahinog pa . kasi pag nahinog na ko baka mabilis mapunta sa pagkabulok.
Eh kamusta naman yung mas maganda pa ang comment mo kesa sa entry ko. hahaha
Kamustasa?
Nasaan ba talaga ang langit inay?
— nasa puso mo anak… 2nd floor nagkakape sa west wing… nyaruts!
good luck sa entry mo bagong bagong bagotilyo ahahaha 😀
ahha .. taena natawa ako dun…
hindi kaya siya nagkakape.
nag sosoftdrinks lang :p
ang tagal naming hinintay ang entry na ito sir!
inaabangan ang kwentong bagotilyo na tatatak at magpapahirap sa SBA.
Good luck dito sir!
Kuya Ramil salamat sa matiyagang pagbabasa.
Hindi pa ko nakakapagbasa ng SBA entries. hahhaha
Goodluck satin! 🙂
Nakakaiyak, but ang ganda ng kuwento ay may lesson lalo don sa mga mag take ng abortion.good luck!
mommy joy Thanks po.
Godbless..
sana mabawasan ang abortion cases sa buong mundo. 😦
What does it mean, Bagotilyo?
Its all about abortion.
The story tells how a baby/fetus feel during the said process. Pain . Love. Hurt . Hope. 😦