
Magic mirror ni tito Boy Abunda: “BAKIT KA NAGBA-BLOG?
Uy! Parang ambush question ‘to , parang one million dollar question. Ganyan. Napakagandang tanong para paganahin ang matagal nang natutulog kong utak . Isang tanong mula sa magandang babae sa blogworld (oo , umaasa talaga ako na may plus point ang pagbigay ko nang compliment sa’yo hehe.)
Hindi ako maituturing beterano sa pagbablog pero hindi rin naman ako ganun ka bagito para malaman na sa bawat sinusulat ko hindi maiiwasang magkaroon ng mali. Mga maling pagamit paggamit ng salita , maling bantas , mga nonsense na talata , mga error sa bararila ( na pwedeng ipalusot na typo error lang) mga walang kwentang kuro-kuro , at mga paligoy-ligoy na punto (gaya nito) . Naging requirement na yata na ‘pag blogger ka kailangan mong matuto. Hindi lang para sa sarili kundi para na din sa nakararami, para sa mga mambabasa. O kung ako lang ang nagbabasa ng blog ko. Ok lang natuto pa rin ako. Oo malabo talaga ako kausap madalas minsan.
(1) Nagbablog ako kasi gusto kong matuto.: Para saan pa ang buhay kung hindi ka natututo . Para saan pa ang mga mali kung hindi mo ito itatama. The essence of life is learning. Isang katotohanang paulit-ulit na ipinapaalala sa akin ng pagbablog.
(2) Nagbablog ako kasi gusto kong maging inspirasyon: Gusto kong may mapulot na aral sa akin ang mambabasa sa parehong paraan na gusto kong may mapulot na aral sa kanila.
(3) Self expression: Gusto kong sabihin sa mundo na walang limitasyon ang imahinasyon ng tao. Na mayroong matatapang na nilalang sa ibang mundo (hindi sa outer space) na walang habas na nagbibigay ng opinyon , nagbibigay ng impormasyon, nagsisiwalat ng mali sa lipunan , nagbubulgar ng katotohanan , nagkekwento ng istorya nila sa buhay nakakatawa man ito , nakakaiyak, nakakabagot o nakakainis. Matatapang kasi bukas sa panghuhusga . Isang katangiang lahat tayo ay pinagkalooban pero hindi lahat ay ginagamit.
(4) Self Discovery : Sa pagsusulat mas nakikilala ko pa ang aking sarili. Yung natatagong “ako” , Yung mababaw na “ako” , at yung mas may sense na “ako”. Kadalasan kasi nakakalimutan ko kung sino yung nahulmang tao sa mga pinagdaanan ko sa buhay (lakas maka MMK). Oo ate charo makakalimutin na po ang lolo niyo. Wish ko lang maalala ko magpakailanman. Tapos nagbackread ulit ako ayun maaalala ko na yun pala ang “alamat ni bagotilyo”. Ang mga blog entry ang reminder at ako ang buhay na patotoo na ako ay natuto kahit papaano.
Gusto ko sana lima ang reasons ko. Teka wait lang.
(a moment of silence)
Pinatahimik ang utak para mas marinig ang puso.
Wala pa rin..
Pinatahimik ang puso para mas marinig ang utak.
Lalong wala.
Pinatahimik ng sabay.
Nakakabinging katahimikan.
<insert cricket sound>
Siguro kung ilang buwan pa lang ako nagbablog kung saan mas may dahilan ,at mas may direksiyon pa ang pagsusulat mas marami siguro akong mabibigay na dahilan. Pero sa puntong ito na halos dumadaloy na sa dugo ko ang pagbablog ( OA lang) masasabi kong ang tanong na “bakit ka nagba-blog?” ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal?”
Walang dahilan o kung mayroon man , hindi ko na alam.
“Ang post na ito ay nagkamit ng ikalawang karangalan sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com
ang hirap n tanong …. bakit nga ba …. basta ako sulat kung sulat
nahirapan nga rin ako sgutin yan… pero tama ka dahil tayo eh sualt lang ng sulat kaya cguro may nasagot din ako kahit sabaw :p
Wow ang daming comments! Bigtime! Good luck! Kelan ba malalaman kung sino ang panalo?
may result na… pangalawa po ang entry ko :p
Wow congratumulations!!! Sino first place?
idol.. congrats…
salamat idol 🙂
kung ako tatanongin .. kaya ako nag blog para umepal sa mga post ng mga blogero at blogera na me post na gaya nito hahahaha at saka para ma ilabas ang nakikimkim na damdamin kahit mali mali ang aking pagkasulat…
“masasabi kong ang tanong na “bakit ka nagba-blog?” ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal?” – Isang malaking check 🙂
yan isa rin pla yan sa mga dahilan ko. mahilig akong umepal sa post ng may post . wahhaha 🙂
Ang huhusay ng sagot at ang titino. Ako siguro ang isasagot ko, nagbablog ako kasi gusto kong maraming ma-touch sa kasingit-singitan ng kanilang pagkatao LOLjk.
Minsan nasa katinuan din naman ako . Madalas nga alng wala sa hulog ang mga sagot natsambahan ko to. whaaha
mas epic ang sagot mo. memorable. lol
congrats parekoy! keep it up! mwah mwah! lols!
salamat parekoy! tsup!tsup! hahaha
Congrats Bagotilyo at natuwa ako na sila Grace at Neneng gala na mismo ang nag-comment dito to congratulate you. Parang bangag nga lang ata si Neneng Gala sa paraan niya ng pag-comment kaka-laser kili-kili siguro. joke!
Mabuhay and Happy Blogging!
wala nga pala ako badge for my pa-contest ano. dito ko lang narealize sa side bar ng blog mo.
Nakakaoverwhelm nga at dito pa sila nagcomment. Ang saya lang. 🙂
Happy blogging sating lahat.
ok lng kahit walang badge. Masaya n kong nakasali at nanalo sa pacontest mo. hehehe…
Salamat.
Hey Congrats! Sobrang natuwa ako nung nakita ko ang pangalan mo sa mga winners. Isa talaga itong entry mo na nakikinikinita ko noong mananalo. At nanalo nga. Congrats ulit. 🙂
salamat salamt pare. Natuwa naman akong natuwa ka nung nakita mo yung pangalan ko sa list of winners. Di ko rin ‘to inasahan. wheee..
Thanks ulit 🙂
Congrats congrats! Ikaw ay kabilang sa mga nagwagi sa patimpalak ni Madam Hoshi. Yipee! 🙂
By the way, makabuluhan ang mga dahilan na iyong ibinahagi kung bakit ka nagbblog. at tunay na nakakainspire naman ang iyong mga kwento at kahit kaming mga mambabasa, ay nagagawa naming madiskubre ang sarili namin sa pagkakarelate namin sa mga karanasan mo sa buhay na binabahagi mo dito.
binsa ko tuloy ulit yung post ko at napatanong: ” paano kayang nanalo ‘to?” hahaha
Pero seryoso ? Sa comment mo pa lng pakiramdam ko panalo na ko. salamt ng madami sa mga kapwa kong blogero na pa2loy na nagbbigay sakin ng motivation pra magsulat at para matuto. 🙂
powtek, 80 pa lang naman ang comments, 80 pa lang, hihi. may premyo ang pang-81, kapatid? oy, sabi pala, di raw pisbol ang ililibre mo – dalawang barbeque raw at 12 ounce na coke. iba pa raw yong libre pag nanalo ka sa contest ni hoshi – pinakamarap na siomai daw, in the event… ahaha. two orders, hakhak. hullow! 😉 🙂
hahaha … pag may trabaho n kong matino ayan kahit di ako manalo sa contest. lol
dumami tong comments kakareply ko :p
Cheers!
e, paano ba ‘yan, nanalo ka? ay, sows, dalawang libre na ang due sa ‘kin, yehey! congrats, kapatid 🙂 huwat, panalo na naman? anlagay, walang-wala, hakhak… 😉 o, ano, ahanong masasabi mo? speech, speech! 😉 🙂
ang totoo? Speechless ako. As in. Di ko na talaga inexpect . hahahha
Eh yang mga libre libreng yan. ilista mo muna ah 🙂
Matutupad din yan. Tiwala lang.
Cheers! 🙂
haha, congrats! 🙂
eh, ang lame, sa totoo lang. hihihi. anu-ano ang napanalunan mo, kapatid? naknang, wala pang masyadong effort yan, anlagay… 😉
ahihi, para kanino ang second to the last sentence? happy weekend! 🙂
maraming prizes . nakakatuwa pero peyborit ko yung undergarment para di n bumakat nipples ko. lol
yung second to the last line… iiihhh… wag mo n ngang itanong kinikilig ako. joke. hahaha
Nakakatuwa, kung ikukumpara ang post ko dito eh maiisip na napakaseryoso kong tao! Hahaha. I enjoyed this. Simple pero maganda! 🙂
Salamat naman at naenjoy mo ang post ko na’to. hahaha
seryoso din naman ako. pramis.! lolz 🙂
Yan ba ang galing sa pagkasabaw? -_- Ang galing talaga! 🙂 Good luck!
Parang alam ko meron pa e, pang number 5! hahaha!
yun oh! may piktyur ka na! hahahha…
yung number 5? yun yung pinaka peyborit ko sa lahat . hahaha 🙂
You got one interesting and humorous post here. 🙂
thanks po . napangiti ako dun 🙂
tingnan mo nga naman judges na ang nagko-comment sa iyo. ikaw na Bagotilyo!
nakakaoverwhelm . Lakas maka Goodvibes 🙂
Katuwa ka naman mag sulat… mjoshi bet ko to
Katuwa ka naman mag sulat… mjoshi bet ko to
salamat po 🙂
hoy neneng gala, hindi ito ang blog ko. kay bagotilyo to. nalaman tuloy nya ang comment mo sa kanya. hohoho!
hahaha … ang ngiti ko ^_____^
Kapag ako ang tinatanong kung bakit ako nagboblog, naiisip ko kaagad ay makainspire kaso hindi ko naman magawa. Lol. Sabawing mga post lang ang alam kong gawin pero kung makatsamba man, sana ay hiling ko sa Langit na may mainspire din akong tao, kahit isa lang sa aking mga gawa.
Gusto ko ring matuto, kahit mga kalokohan pa 😀
At Sir, isang pagbati sa iyong pagkamit ng ika-siyam na pwesto sa Bagsik ng Panitik :)))
salamat sir. Im rooting for your entry 🙂
mas marami rin ang aking sabaw na post kesa sa may laman. hehehe
pag totoong mahal mo ang isang bagay, walang dahi-dahilan 🙂 nice!!!
bigla ko rin tuloy naiisip bakit ako nagbblog..hmmm….
tama tama. nadali mo brader! 🙂
Ako nalang kausapin mo kesa sarili mo para di mukha tanga. Charrr.o nak
cge cge … hahaha … baka naman di k mgreply :p
in twenty years mababasa itong blog post na ito ng mga anak mo, anong mensahe mo sa kanila? hahaha. parang narinig ko tuloy sa background ang boses ni boy abunda! susunod!
Ang drama ng mga pamngbitaw mong linya idol. Shaks. Kagaya ng rason ng nagmamahal! Lalim! idol talaga kita kahit kailan!
Isa dapat kaming mga 80000 fans mo sa mga rason mo sa pagboblog! solid Bagotilyans kami! haha (imbentong pangalan ng fans club)
bagotilyans . parang ang naughty pakinggan or is it just me? hahaha
walo lang ang pans ko. 5 dun family at relatives. hahahah
ako kaya ang fan mo :p
haha. di kaya. mga 10 naman siguro kami. hihi.
asus. walang returning the favor. mas idol na idol ka namin.hihi.
Hahaha. Oo nga ano? Bagotilyans! haha
I blog because I want to be famous. lol. Seriously, outlet ko ‘to. Dito ko nasasabi yung mga bagay na di kaya at di kasya sa facebook at twitter.
mas malawak nga ang blogworld sa maraming kadahilanan 🙂
Definitely true. Nakikilala mo ang iyong sarili sa pag iimahinasyon 🙂
indeed 🙂
Self Discovery : Panget ka pla? nyahaha
Ako nag bablog kasi required dati sa work tas ayun kinagiliwan ko na. Ansarap kasi na may online diary ka kesa na pwede mong maishare sa ibang panget.. tas pag nag back read ka (totoo yun) nakakatuwa lang kung panu ka na nag grow as a person
oo at ikaw ang nagpamuka sakin niyan! hahaha
yung sa back read back read ang sarap minsan ikahiya ang sarili sa mga pinagsusulat. hahaha 🙂
hmmm napa isip tuloy ako bakit ako nagbablog. 🙂 marahil para ma express lang ung sarili ko.
one good reason na yan bro 🙂
Goodluck sa pacontest ni hoshi… Lumiliit talaga chance ko sa palaser ng kili-kili.. Tsk.. Ehehehehe
tiwala lang . makakamit mo rin ang tagumpay. wahhaha
laser sword nga ni voltes V gagamitin dun , gusto mo pa rin? lolz
Basta mawawala buhok sa kili-kili, why not… Sasabay pa ako sa chant nila voltes v…
Ahoy parekoy!
Mostly eh ganyan din ang mga reasons ko why I was engaged into blogging. Masarap kase yung may outlet ka para maibahagi mo ang mga saloobin mo na hindi mo kayang sabihin ng personal sa totoong buhay.
Masarap din mag blog kase marami kang nami-meet na mga tao at kaibigan online. Though yung iba, they already set it up to the new level by meeting in real life (EB) and setting up a charity 🙂
Masarap din sa feelings pag alam mong maraming online friends/blogger friends mo ang laging nagbibigay ng kanilang kuro-kuro at komento sa iyong mga naisusulat sa blog.
Muli, maraming salamat sa pagbisita at kumento sa aking blog.
Babalik ulit ako dito 🙂
Since wordpress pala itong blog mo, add na lang kita sa blogroll ko.
parekoy! salamat sa pgdaan sa aking munting blogsite 🙂
MAraming dahilan kung bakit tayo nagbablog. MAraming motivation para magsulat. Plus bonus pa yung mga kaibigang nakikilala natin .
apir!
Self discovery at self experssion talaga kung bakit ako nag-babablog. Gusto ko maging magaling na psychologist kaya first step to do that is understand myself better. Pag nag back read ka sa mga sinulat mo, unti unti mong makikita kung anong klase ka talagang tao. Blogging is cathartic ikanga..may word ba na ganun? hahaha
good luck sa entry mo!
nagnosebleed ako sa cathartic. ginoogle ko tlga ang meaning.lol
gusto ko yung entry mo napaka honest , brave and tagos sa puso 🙂
thanks bro! it wasn’t easy pero I felt it was worth it. Blog ko naman yun so wapakels! 🙂
NIce one. isa ito sa mga pinaka komprehsibong entry na nabasa ko..Keep it up..;-)
comprehensive tlga? hahha… natawa ako dun sa “keep it up” wala alng may naalala lang ako.
Salamat parekoi 🙂
ahahaha..at sino kaya ang naalala? sumasomething…;-)
Lahat ng bagay may dahilan, kahit pa ang blogging. Nagbablog ako kasi gusto kong magsulat pangit man o maganda ang kalalabasan. May magbasa man o wala.
yun yown oh! bat di ka nasasabaw bino? anong sikreto mo? :p
Is it just me or talagang kamukha ni John Prats yung pic^?. 🙂 I guess number 5 is passion. Yung basta wala lang, nakakabit na sa puso ko ang pagb’blog. Minsan kasi hindi lang dapat utak ang nag-iisip ng mga dahilan, meron ding puso na nagsasabing, “ito ang gusto ko; ito ang ikaliligaya ko.”
Oha. Ganun kasi ako eh, wala lang, share. Malay ba natin kung pareho tayo. yieee! 😀 God bless, kuyaaa!
parehas tayo .Passion nga. hindi ko lang siya naisip kasi sa ngayon mejo nwwla siya. (yung passion)
Pero babalik din to.
Godbless din ate 🙂
Aww Ate. bata pa ako. </3 nyahaha oo nga. siguro mas may passion when it comes to writing and lit. talaga. 🙂
Simple ang tanong, gasgas na nga kung tutuusin, pero ang apat na tugon ay punong puno ng aral tungkol sa pag ba blog!
Ang tanong na “bakit ka nagba-blog ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal” Salamat dito Papa Jack hahaha kala mo ha!
bumabawi? -_-
ikaw ang totoong papajack. poser lang ako :p
Question lang pogi – bakit mo kinakausap sarili mo? pa check up ka na lumalala na yan..bwahahahahaha
well kidding aside, napaka life changing naman ng tanong pero infairness tumpak yung mga sagot mo pogi, points!!! 😀
favorite hobby ko yan . hahaha Secret lang natin yown ah. ayan apat na tayong nakakaalam. Me,myself and I. pati ikaw. wahhaha
three point ba seksi? 🙂
Itigil na kasi yang sabaw-sabaw mode na yan… hindi naman totoo… iniisip mo lang… overused na… galing mo eh… pag contest nabubuhay dugo? hehehe
sabaw is only a state of mind? hahaha…
natawa ako dun ah. pag contest nabubuhay ang dugo? gipit na gipit? lol
pareparehas tayo ng mga iniisip bukod sa it’s more fun 🙂
btw, pano mo po na hide yung like?
nahide ko pala… hahaha.. Ayun nabalik ko na. Sa ratings i uncheck mo lang yung box dun 🙂
panu? para kasing gusto ko nga ihide e haha. at least alam ko din 🙂
kita ko na 🙂
sometimes, you just love a thing for no reason…
like blogging.
hey, goodluck 😉
Thanks po. 🙂
tama ka jan. minsan din hindi na kailangan ng dahilan para mahalin ang isang bagay ..
Dati dami kong shit kung bakit ako nagbablog, ngayon hindi ko na alam ang sagot dyan.
akoni! natutuwa ako sa pangalan mo iba-iba ginagamit. hahaha
ang taray naman ng linyang ito ” tanong na “bakit ka nagba-blog?” ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal?””
tinalo ang bigat ng katagang ito “Isang tanong mula sa magandang babae sa blogworld”
hehehehe
salamat sa pagsali sa contest and mabuhay!
tingin ko magkalevel lang sila. whahaha 🙂
syempre, award na naman 🙂 masaya ko maging blog reader… hahaha…. isa kang malaking CHECK dito bagots..
masaya ako kahit wala ng award at least nakapagsualt na ulit. hahaha
nag skipread ka ba? may CCTV ang blog ko :p
nag-skip ako ng spaces… anlawak eh.. ok lang ba?
oh sige pwede na rin yun. hahahha
K. grabe kasi sa space.. napagod ako mag-scroll..lols… hahaha
ahaha naku di ko ata masasagot ang tanung na yan haha di ko din kasi alam ang rason basta masaya ako sa pag bloblog ko hahah
anyways nice and mga rason mo
pwede ba pakopya na lang ng answer haha
hindi pwede pare koi. Pass your papers. whahaha
basta masaya ka sa ginagawa mo di na kailangan ng dahilan 🙂
noon, naghahanap ako ng venue para mai-share kung anong meron ako. makakilala ng mga bagong kaibigan at maging inspirasyon sa mga taong handang pulutin ang pirapirasong kwento ko. kagaya mo, nahanap ko ang mga ito sa blogging.
Maswerte tayong nahanap ang mundong ito sir 🙂
kita kits sa finals! hehe ^_^ nice post ser!
keep on blogging!
lakas makabasketball nun ah. Cge sir kitakits sa finals. Bilog ang bola. ^^
ahaha, ba’t di nag-aapir ang like button? pambihira…pakisabi, like ko. teka, di ba ang point ng post e, mahilig kang manalamin? di ba? di ba? 😉 o, ganto, isasama kita dpsa, marami pa ro’ng cricket – para magkatotoo naman ang sound effect-effect mo ryan, nyahaha. at sumali ang bruho sa patimpalak ng last minute. hoy, hwag tamad. hwag tamad magsulat, naman… eniwey, good luck sa entry mo. pag nanalo ka, twice mo na akong ililibre, hihihi. 😉 🙂
merong like button yan. bat pag sayo laging nawawala.??
na decipher mo ang hidden meaning ng post ko. (vain pala?) hahaha
oh my! may utang pa nga pla ako sayon tusok-tusok pisbol-pisbol. hayaan mo pag nanalo ako dito sasamahn ko na rin ng sakto. hahaha
Dear self,
Sana sipagin ka pa magsulat. Keep it up. XD
Very well said! Pakisabi kay tito Boy mag-cue muna ng commercial para makapag touch up ka nyahaha.
oo nga . C tito boy panay ang tanong wala man lang commercial break. hahahha 🙂
magdemand ka din pag may time sabihin mo pati water break bigyan ka din hahaha
natawa ako dun sa water break , eh tong muka kong to mas muka pang water boy. ako pa magdedemand. hahaha
nyahaha ikaw nga ang guess nila kaya pwede ka magdemand. so lubos lubusin na…
tito boy pakuha ako ng tubig? hahaha XD
ang hirap naman ng tanong….pang beauty contest lang ang peg.. har har har…
Gudlack sa iyong gawa!!! 😀
karen! hirap na hirap kaya akong sagutin yan. ambush! hahhaha 🙂
Salamat.