Para Sa’yo

    

Isa raw sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay ang (una) magmahal at (pangalawa) mahalin. Mapalad ka kung nararanasan mo yung una at mas mapalad ka kung natagpuan mo na yung pangalawa. Pero ang pinakamapalad talaga ay yung nakaka-experience niyan ng sabay (ang magmahal at mahalin) sa isang tao. Sa nag-iisa at tamang tao.

    

Ang pag-ibig ay hindi yamashita treasure na kailangang hanapin . Hindi ito Marathon na kailangang mong takbuhin ng matulin para makita agad ang finish line. Darating ang taong para sa iyo sa tamang panahon at minsan pa sa pinaka hindi mo inaasahang pagkakataon. Hayaan mong ang destiny ang gumawa ng paraan para magtagpo ang inyong landas. Kung naniwala ka sa mga sinabi ko malamang sa malamang 45 ka na wala ka pang asawa o 35 ka na wala ka pang girl/boyfriend. Nalito ka ba? Ang gulo ko no? Siguro isa ito sa mga misteryo ng pag-ibig. Walang clue. Walang formula.Walang kasiguraduhan. Isang Maze. Isang Puzzle. Isang palaisipan na mas madalas gamitan ng puso kaysa isip.

    

Naalala mo yung kakilala mong magkasintahan? Yung wagas kung makapagsubuan ng pagkain sa harap mo. Inam kung makapaglingkisan sa tabi mo. Yung kala mo nakita mo na ang “poreber after” sa kanilang mga mata. Tapos one day isang araw (redundant?) nabalitaan mong BREAK na sila. Bakit? Huwag mo sakin itanong dahil hindi ako yung third party sa kanilang relasyon. May isang libo at isang daang dahilan kung bakit natatapos ang isang relasyon. Ngayon kung gusto mo talaga magtagal kayo kailangang doblehin mo ang mga dahilan kung bakit hindi mo siya dapat iwan . Triplehin mo pa kung mahal mo talaga. Basta wag kang bibitiw . Basta hindi lang ikaw yung lumalaban. Basta mahal mo. Basta mahal ka. Basta sa tingin niyo kaya niyo pa.

    

Hindi ko masisi yung mga taong takot ng magmahal ulit. Nasaktan sila noon. Nahirapan mag MOVE ON. Napako sa pangako ng kanilang mga minamahal. Pero sana maisip din nila na ang pakikipaglaban sa kanilang nararamdaman ay ang laban na kailanman ay hindi nila mapagtatagumpayan. Mahirap intindihin ang pag-ibig at mahirap labanan ang isang bagay na hindi mo lubusang naiintindihan. Marami itong misteryo at mas masarap tuklasin ang mga misteryong ito kung kasama mo ang dahilan sa pag-usbong nito. Wag kang matakot magmahal at higit sa lahat wag kang matakot masaktan (Magkasama talaga yang dalawa – Buy one take one – No return No Exchange) Kaya kung sakaling dumating muli yung taong magpaparamdam sayo na mahal ka nila (hindi sa salita pero sa gawa) Bakit hindi mo subukan? Wala namang mawawala.    

Kaya isuot na ang twopiece/trunks . Huwag kang magtampisaw lang sa dalampasigan. Lumangoy ka at damhin ang alon nito. Pakiramdaman ang katamtamang lamig na dumidikit sa iyong balat. Hayaan mong patayin ng tubig ang apoy ng iyong mga pagdududa. Sulitin ang mga sandaling inilalagi mo dito. Gayunpaman ihanda din ang sariling malunod sa sakit na maaaring idulot nito.

        

Langoy lang nang langoy.

        

Happy summer sa inyo🙂

        

Ha?

        

Tapos na ba ang summer?

        

Anong buwan na ba?

        

Anong araw?

        

Anong oras?        

                
                            

        Oras na ba para mahalin kita??

Salamat kay pareng Lester na minadali ko sa pagdrawing para lang sa blogpost na ito. Ikaw na ang tunay na talented Idol🙂

P.S. Maaring bisitahin ang blog ng aking kaibigan dito www.lapiskamay.wordpress.com

112 thoughts on “Para Sa’yo

  1. ang sarap naman basahin nakaka gaang ng feeling..
    tapos yung sa languyan gumana imagination ko.. yun nga lang akin na lang yun :p
    nice post bagotilyo.

  2. Pingback: Para Sa’yo – Level 2 | Bagotilyo

  3. “Pero ang pinakamapalad talaga ay yung nakakaexperience niyan ng sabay (ang magmahal at mahalin) sa isang tao. Sa nag-iisa at tamang tao.”😉 bakit lagi kang nanakit sa iyong mga salita, kapatid? bakit lagi kang nagpapaalala ng mga bagay na ganyan? higit sa lahat, bakit lagi mong pinapaalalahanan ang sarili ng mga bagay na wala? joke… ^^

    ahaha, magpapasko – karaming pag-ibig sa paligid, kapatid. sahod na lang tayo, parang patak lang ng ulan, hihihi…😉 namamasko po…

      • ahaha, gano’n? sa ssa ‘yon, sa dpsa e, pure and unadulterated romance ang matatagpuan mo, hehe.

        sa maybahay, ang aming bati…. jingam bells, jingam bells… silent night – a, isang buong repertoire ‘yan, hihi.😉

        tagal pa new year, dami pa akong backlogs, hehe.🙂

  4. hahaha.. pn0 kung lun0d n lun0d kna? tp0s d naman pla mrun0ng sumagip ung ta0ng dahilan ng pag ka lun0d m0?? pn0 na yun?? hehe.. ANG GANDAAAAAAA nito! pr0mise! haha tag0s n2man gang but0! ikaw na! hehe. :))

  5. Quotable quotes:
    Huwag kang magtampisaw lang sa dalampasigan. Lumangoy ka at damhin ang alon nito. Pakiramdaman ang katamtamang lamig na dumidikit sa iyong balat. Hayaan mong patayin ng tubig ang apoy ng iyong mga pagdududa. Sulitin ang mga sandaling inilalagi mo dito. Gayunpaman ihanda din ang sariling malunod sa sakit na maaaring idulot nito.

    =))))

  6. Pingback: Lapiskamay Project Week #03: Let’s Fall In Love « Lester Pencilhands

  7. hahaha…pwede naman sigurong magdala ng salbabida sa ocean diba? hahaha… Ang mahalaga, wag matatakot i try.😀

    Maganda ito. Sobrang like!!

  8. Ay taray lang nung ‘oras na ba para mahaling kita?’! Hahaha! Ang tuwa ko lang sa post na ito! Hindi pa ako 45, hindi pa rin ako 35, pero naniniwala ako sa sinabi mo. Mapalad na rin ako kasi naranasa ko yung una, saka na yung iba, madami pa namang oras. Hehehe. Good morning!

  9. hindi laging masarap ang mahalin lalo na kung hinding hindi mo siya pwede i-love back..hay…………..lapit na anniv ng pagkamatay nya.

    anyway, all that you’ve said is 100% true. You will know that you really love someone if you never stop loving and you never give up no matter what and believe that it’s all worth it…ahem…kasal na kami, un ang price ko sa hindi pagsuko🙂

  10. hello, bagotilyo… eto ang pamatay dito – “Sa nag-iisa at tamang tao.” hihi….😉

    tapos, ang conclusion – “Kaya isuot na ang twopiece/trunks.” true, swim on! on to the deep blue and beyond… experience life and what joys and pains it has to offer, ahaha naman. ikaw na ang paham, as in… ^^

    ba’t pala may feeling akong parang sa sarili mo sinasabi ang mga ito? ahaha, kapatid, nag-intrude ba kami sa inner thoughts mo? joke, move on ka na…😉

  11. trial and error ika nga.. try en try until u die este succeed.. kya dpt d nag sstop at nttkot magmahal ulit after mabigo kc baka ang isang tinanggihan mo ay yun na pala sya. ahihihi.

  12. ayos ang post mo….magmahal at mahalin…..puwede ba tayo mag exchange link…add mo ako sa blog list mo…add din kita..thanks..tell me if you add me na..

  13. hay naku, basta ang alam ko, dapat, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. tingnan mo ko, sobrang mahal ko ang sarili ko. wala tuloy ako’ng lovelife hahahahaha

    • ganyan pa din ang pananaw ko hanggang ngayon.

      sabi ko sa kanya : napapalibutan ako ng pader ” Will you dare to break the walls?” hahaha ang arte lang :p

  14. ayeeee!! pee bee bee tins na nomon…wehehe

    kung hindi pa handa eh wag na munang pilitin, kasi baka pumukaw lang ng sugat dumugo uli…mahal pa naman ang dugo ngayon! LOL

    enlab ba si pogi?😀

  15. di ako masyadong makarelate, parang di ko naranasan ang alinman sa dalawa e, hehehe, biro lang,,,biro lang ba talaga? hehehe

  16. tama naman, hindi talaga masasabi kung kelan dumadating ang tunay na pagibig. pero di lang yan dumadating, dapat ay sinasalubong din natin. kasi pag hindi, baka makalampas. Yihiii! nice post mang bagotilyo! idol! hehehehe😀

  17. haha, superlike! panalo, basta ang bumwelo ay si bagotilyo, as in… may ryhme ba? pasensya naman, naapektuhan lang ng iyong sulatin, kapatid na bigatin, bwahaha. ulit – mwahaha. hello!😉

  18. asus,asus,asus, bitter ka na naman sa mga nagmamahalan.. sumama ka sakin, makakahanap ka ng madaming madaming madaming babae na rumarampa sa stage at sa ledge… hahahahahaha

  19. ang daming quotable quotes pero ito ang favorite ko..

    “Marami itong misteryo at mas masarap tuklasin ang mga misteryo nito kung kasama mo ang dahilan sa pag usbong nito.”

    nakakatakot talagang magmahal..pero pano mo malalaman kung sino ang taong talagang para sayo kung sa twing masasaktan ka ay susuko ka..at kung hindi mo susubukan wala pa man talo ka na agad..

  20. “Mahirap intindihin ang pagibig at mahirap labanan ang isang bagay na hindi mo lubusang naiintindihan.” tinamaan ako dito. hehe
    Maraming salamat sa oportunidad na makacollaborate kita kaibigan! sa maraming uulitin uli.🙂
    (yoko pa mainlab hhaahaha)

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s