Moving on Stage 3 – Bitterness

Walang oras na hindi siya sumasagi sa isip mo. Minsan ikaw na lang ang gumagawa ng dahilan para maisip siya kasi alam mong yun na lang yung meron ka na hindi kailanman mawawala – yung alaala habang  kasama mo siya.

 

Pano ka makaka move on kung ikaw mismo ayaw mong bumitiw. (Reality check: binitiwan ka na niya matagal na ,siguro panahon na para ikaw naman yung bumitaw).Para kang martilyo at yung nararamdaman mo ay yung pako . Gaano man katalas at kainam yung pako hinding hindi ito lulubog sa kahoy kung hindi ka kikilos para pukpukin ito. You have to do something for what you feel. ( uy umeenglish ang lolo mo)

.

poser nga sabi eh.

.

Malalaman mong nasa stage ka ng bitterness (minsan anger) kung ginagawa mo ang isa , dalawa o lahat sa mga sumusunod:

.

1.        Naglalaan ka ng oras para maghanap ng kowts na patama sa kanya , kowts na halos eksakto sa nararamdaman mo , tapos ipoporward mo sa  kanya. Sa ganung paraan may palusot kang kowts lang yun . Bato bato sa   langit alibi ang tawag dun.

.

2.      Wala kang ibang post sa Facebook kundi puro ka-emohan with sad face sa hulihan ng post .

.

3.    Kabaligtaran to nung number two . Ito yung mga post sa facebook na : “ Im happy and Contented being single” , “ what a day ang saya saya ko salamat kay (insert name)” . Counterpart ng bitterness ang denial. Halatang halata naman na gusto mo lang mabasa niya ang post mo , na Masaya ka( kuno) kahit wala na siya sa buhay mo.

.

.

4.         Sa sobrang sidhi ng nararamdaman mo naiisipan mong gumawa ng kowts especially made para sa kanya .Halatang halata naman na ikaw lang ang gumawa nun kulang na lang lagyan mo ng pirma at p*kyu sa dulo ang text message mo. Tapos ipoporward mo sa kanya. As usual wala ka na namang matatanggap na reply. Hahaha . 

.

5.         Hindi mo naman dating ginagawa pero ngayon instant stalker ka na. Iniimbestigahan mo ang profile nya sa facebook . Mga added friends , comments , relationship status , bagong pix na inupload nya , yung katabi niya sa isang picture at kung ano-ano pa. Kung may twitter ka bibisitahin mo rin ang page niya titignan ang mga mention at conversations.

.

may lumalandi na agad..tsk tsk…

.

6.         Papasok sa isip mo ang mamisikal. Yung tipong sasabihin mo sa sarili mo na “pag nakita ko yung bago niya yari sakin yun at sisiguraduhin kong bangs nya lang ang walang latay”.” Sasabunutan ko at iwawasiwas sa ere yung talanding pantal na makating higad na yun”. Pero sa huli mamamayani sa iyo ang pagiging edukado hindi ang pagiging barumbado.

.
7.         Kunwari maro-wrong send ka pero ang totoo gusto mo lang malaman ang magiging reaksyon nya kapag pinagpalit mo na siya. Walang reply kahit blank message kang mahihita , sayang lang ang pisong load na nilaan mo para sa kanya. Singilin mo na lang pag nagkabalikan na kayo (ASA!!!)

.

Masakit isipin na ang pagmamahalan na akala mong pangmatagalan ay matatapos ng ganun-ganun na lamang. Pero gaano ka man ka bitter ngayon darating ang araw na aabot ka din sa terminal phase nang iyong pinagdadaanan. Wag pwersahin , wag ding madaliin sapagkat darating ang tamang panahon para sa paghilom ng bawat sugat. Kung may peklat mang itong maiwan isa iyong paalala na : ikaw ay nadapa , nasugatan , naging bitter at muling bumangon. I got stinky , I got dirty but see? , I learned.

83 thoughts on “Moving on Stage 3 – Bitterness

  1. Wahhhh. . Sapul ako dito! !
    pare parehas pala tau ng plagi ginagawa at nararamdmn. . Bakit kaya paulit ulit dim tayo nasasaktan….

  2. Nakakatuwa lang ma-imagine mo ang ganyang gawain dati, nung mga panahong Bitter ka pa sa ex mo. Yung mga wrong send wrong send kuno, hahahaha. Tsaka status status, naabutan ko pa nung Friendster days ko yang ganyang bitterness =)) – …. after a couple of years past, gaya nga ng sinabi mo “I got stinky, I got Dirty, BUT SEE, I LEARNED!” \m/

  3. Magkasing tindi ang ka emohan ng super inlove at super broken hearted….magkaiba nga lang ng theme ang mga quote pero parang non stop na lightbulb ang laging nasa toktok sa pag gawa ng mga quotes.

    • ayun. super agree ako dito. parehas sila matindi ang epekto sa isipan at puso. kahit nga ang hindi makata nagiging makata. Kahjit ang pinaka seryosong tao nagiging korni at cheesy din.😄

  4. “Pano ka makaka move on kung ikaw mismo ayaw mong bumitiw.” – ang award-winning na quotable quote na pinanrerebutt ko sa mga emo-emohan kong friends.

  5. Pingback: Moving On Series | Bagotilyo

  6. Pingback: Moving on — Stage Zero : The Great Pain « Bagotilyo

  7. WAHHAHAHAHA! Korek! Nagiging instant makata talaga kapag broken hearted eh. Kulang na lang makabuo ka ng isang libro na puro quotes mo.. Nakakatawa>:D

  8. hihiramin ko ang expression nyo na “kill me now”. hahaha!

    ito kase ang post na instead makisimpatya ako mas andun ang pakiramdam na mangiti at mapapailing. Parang ginawa kong checklist. Number 1 check, no. 2 hindi ko ginawa mga ganung reality check. hahaha!

    malapit na, malapit ka nang maging ok.🙂

  9. Ayos lang yan. After ng Bitterness… Betterness…. mas bubuti ang kalagayan mo sa lahat ng mga nangyari. Lilipas din yan.

    Me nasabi na rin dati, “Don’t cry because it is over, Smile because it happened.”

  10. hindi ako bitter! masaya na nga ako eh… hindi ko naman ginawa yang mga yan eh.. umiyak lang ako ah.. sige ipopost ko sa fb ko “im single and im flirting”

      • Well, men can go forward again and court some girls, immediately… whereas women go to a corner and cry, …. in other words we can’t move on that quick. I wish we could go and woo guys, too, without being called a ” bold” girl, whatever that means. … worse, a slut. So, no, not equal at all.

  11. speaking of moving on,
    tamang tama ito sa friend ko. ahahahah
    hindi ako apektado kasi hindi pa ko nakakaramdam nyan. wahahah
    pero masarap ang ampalaya. pati ang peanut bitter. ahihih.

    timplahin na yang kape na yan..😛

  12. sabi nila pag nadapa ka/or nabigo mas matototo ka or titibay, but when it comes to love paulit ulit lang, kahit ilang experience, breakup pa ang napagdaanan mo……..

  13. “showbizz tlaga nakakaloka hehe;)
    buti pa mga inrelationship naka moving na hehe;)hindi na nila kelangan maghnap na;)

  14. “ikaw ay nadapa , nasugatan , naging bitter at muling bumangon. I got stinky , I got dirty but see?, I learned.” Tomo, na-master mo na ang art ng pag-quote? Sabi ko na nga ba, maraming advantages ang masugatan ang puso, mwahaha!😉

    Dyok lang, kapatid. Hugs na lang muna, ha. Hinay-hinay sa pag -i-inflict ng sakit sa sarili, manipis pa ‘yan. ^^ Pag mga three times ka nang na-broken-hearted, makikita mo, toughened na ang iyong hide, ahaha. Btw, sana, hindi na umabot do’n at matagpuan ka na agad ng iyong katiyap sa buhay. ^^

    Well, well… gotta be movin’, the show must go on. Ei, ganyan talaga sa showbiz…😉

    • ito yung side ng pain na maganda. nagiging malalim at nakakagawa ng kowts na walang kwenta. hahah

      nasanay na ako sa ganitong kalakaran sa showbiz. wahhaha feeler?🙂

  15. “Hindi lahat ng bagay minamadali” – Pong Pagong

    masaklap man aminin pero lahat ng umiibig at nasawi dumadaan sa ganitong phase, hindi man tugma sa lahat ng nakasaad dito pero pain is still inevitable… hihilom at hihilom din ang sugat in due time…ang ampalaya ay masustansya kahit gaano man ito ka pakla!

    (yes, abnoy mode na naman ang comment ko)

    Hello pogi!!!😀

  16. “hmmp bitterNes tlaga”
    im happy to be single but rutherly naiisip ko hrap pla ang nag iisa heh:)
    once again i like this:

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s