Moving on stage 1 – REMINISCE

Isa sa pinakamahirap na prosesong kailangan mong pagdaanan ay ang magmahal ng todo at masaktan ng “mas” todo kapag dumating na ang araw na kayo’y kailangan ng maghiwalay. Minsan akala mo na kaya mong mag move on ng overnight na sasabihin mo pa “Isang iyakang malupit lang to” tapos kinabukasan gigising ka na lang na parang walang nangyari. Then you’ll find out MALI KA PALA kasi lahat ng bagay dumadaan sa proseso. Walang instant sa mundo – kahit ang paglimot.

I made this for her — cheesy ko ..wahhaha

.

Kapag  tambay ka o ikaw ay yung taong walang ginagawa sa buhay kundi gumising ,mag FB , Kumain , mag text, matulog – hindi ka talaga makakapag move on. Kasi sa buong maghapon na hindi masyadong nagfufunction ang utak mo kaya ang puso mo ang mas gumagana.

.

Mas madalas ngayon ang pagreREMINISCE ng happy moments nyo. Ang ending??  Manunumbalik ang sakit.

.

Kung may pinagkakaabalahan ka man o busy sa work tapos may maririnig kang senti songs sa bus , sa trabaho o kahit sa bahay  mo pag-uwi mo, biglang magsisink-in sa’yo ang lyrics ng kanta akala mo ginawa yun para lang sayo at sa nararamdaman mo ( OA ka lang)  bigla kang mapapatigil ,mapapatulala  saglit. Hindi mo napapansin na ang itsura at ginagawa mo ay pang music video na ang drama. Ganun pag nasaktan ka minsan wala ka ng pakialam sa sasabihin ng iba. Una lagi ang emosyon.

.

Minsan pa hindi mo alam kung sadyang mapagbiro ang tadhana kasi may makikita ka o makikilala kang tao na may isang katangian ng EX mo . Pwedeng boses,ugali, paboritong ulam , itsura ng pananamit , pagkilos , nunal sa labi , stretchmark sa kili-kili , pimple mark sa muka o kung papano siya magreply sa mga text messages mo ( oo maniwala ka pati yun mapapansin mo). Tapos ayun mapapatigil ka ulit ng sandali , maalala siya at muling mararamdaman ang sakit.

.

May ginagawa o wala???? Wala kang kawala!!!

.

 

Ito yung panahong gusto mo ng magkaroon ng amnesia para lang hindi mo na maalala ang paghaharutan niyo sa park , ang init ng bisig niya , ang tamis ng halik niya ,ang pag hampas niya sa iyo pag napipikon siya, ang killer smile niya kapag nagbibiro ka , ang pag tsansing niya sa iyo pag nanonood kayo ng sine (na gustong gusto mo naman); basta lahat ng makapagpapaalala kung paanong minsan ka niyang minahal ng wagas. Nung minsan ang lahat ay umaayon pa sa agos ng inyong relasyon. awts

.

alam kong hindi mo din naman gustong kalimutan lahat ng iyon ngayon. O0 hindi pa ngayon.

.

Darating ka din dun .  Sa ngayon pulutin mo muna ang mga aral na itinuturo nito sayo.

.

“May isang bagay kang dapat mamaster through out the process of moving on

——– > ANG MASAKTAN.”  </3

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

hayyyysssss….

.

Bakit mo ba ako ginaganito ANNE CURTIS . Alam mo namang mahal pa din kita hanggang ngayon. Alam mo nagseselos ako pag naghaharutan kayo ni vhong sa showtime . Alam mo namang crush ko siya eh diba? haha

.

63 thoughts on “Moving on stage 1 – REMINISCE

  1. yung music video moment ang sa tingin kong naranasan ko dito, nung napakinggan ko ang bagong release ng kamikazee na Ikaw, shocks, parang music video ang moment sa MRT habang nakatayo😄, ganda ng post sir, super relate ^_^

  2. “…gusto mo ng magkaroon ng amnesia para lang hindi mo na maalala ang paghaharutan niyo sa park , ang init ng bisig niya , ang tamis ng halik niya…”
    -eto talaga yun eh. hahahaha.😀

  3. sabi nga sa akin ng isang matalik na kaibigan.. damhin ko ang sakit.. namnaming maigi, kasi nakakapagod din ang laging me pain na nararamdaman hangang sa magsawa na at magkusa nang lumimot… Ang luffet ng GF mo…at emote na emote na ako tapos me stretchmark sa kilikili ang nagpapigil ng luha sa left eye ko🙂

  4. Pingback: Moving On Series | Bagotilyo

  5. kung alam ko lang na ito ang mababasa ko sa araw na ito, hndi sana ko naglagay ng mascarra sa eye lashes! panira ng muk-ap to eh… hahha.. but every thing here is true. every single bit of it.

  6. Pingback: Moving on — Stage Zero : The Great Pain « Bagotilyo

  7. Ngayon ko lang napansin na may Part 1 pala yung part 2 na nabasa ko dati, At oo, may parts 3 and 4 na pala! Sorry naman -.-

    Natawa naman ako dun sa eksena sa bus. Eksaktong eksakto eh HAHA! Emote kung emote.

    Namamasyal lang :))

  8. “…o kung papano siya magreply sa mga text messages mo (oo maniwala ka pati yun mapapansin mo.”

    Tsk. Nakakatext mo pala si Anne Curtis, Bagotilyo. Di ka man lang nagsi-share ng kanyang number. Gel kras ko pa naman siya, haha. Bulong mo sa ‘kin, dali.😛

    Anyway, aabangan ko kung anong stage 2 ng moving on.

  9. sa panahon na gusto ko mag-move on isa sa isinisiksik ko sa kokote ko ay mawawala rin ito. kahit mabagal pero basta mawawala rin. hehehe

    pinakagusto kong moving on line ay yung sinabi ng kaklase ko noong college

    nabuhay nga ako ng 17 years ng wala sya, kakayanin ko yung times na lagpasan yung taon na naging kami. masasanay din ako.

    • hahaha..

      hay naalala ko bigla siya .. inaawat ko na siyang sagutin yan kasi sayang nga sa catsup. sinagutan pa din niya.

      oops .. no more emo na dapat🙂

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s