May 02 , 2012
8:20 pm
Simula nung na hack yung site ko na http://www.bagotilyo.com ay lalong tinamad ang tamad kong utak para mag-isip ng mga isusulat. Kung ito yung tinatawag na writer’s block – ewan ko lang hindi naman ako writer sadyang mahilig lang akong magsulat. Basta wala akong gana ngayon . Google mo na lang kung bakit. At dahil ninenok niya nga ang site ko ay agad agad akong bumalik kung saan ako nagsimula ; sa wordpress.com
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang site ko pa ang pinagdiskitahan ng walang taste na hacker na yun . Gusto ko siyang konyatan at ibigti gamit ang nagbabagang wire pero sa halip ay pinili ko na lamang na manahimik . Oo ate charo nanahimik ako kasi alam kong wala naman akong magagawa. Isa lang naman akong simpleng gwapong binata at bukod dun wala na kong kaya pang ibang gawin. Wala akong ibang talent kundi ang magpacute.
Dahil kay boy pickup hindi na napigilan ang pagusbong ng isang bagong nilalang . Si bagotilyo bilang si Boy backup. Buti na lang at totoo ang kasabihan na daig ng maagap ang masikap (mema sabi lang na salawikain) . Nagawa kong isalba ang ilan sa aking mga sulatin At dahil hindi ko narecover lahat maumay ka sa series of repost ko sa mga susunod na araw.
Salamat na din sa hacker na yun . Dahil sa kanya napatunayan kong totoo nga ang litanya sa movie ng ex kong si anne curtis na no other woman.
“Ang mundo ay isang malaking Quiapo _____________.”
Choose all that applies:
- a . Magulo , maingay , masarap ang bawal.
- b.May simbahan , magsimba ka kahit paminsan minsan.
- c. Maraming dvd vendors . bili na!
- d. Maraming snatcher. Maagawan ka! Lumaban ka! (with feelings)
Totoo nga na sa mundo ay may taong maaring kumuha hindi lang ng mga materyal na bagay sa iyo kundi pati ang mga bagay na makapagsasaya sa iyo . Mga pangarap , pag-asa , syota , kalandian at load (l*ntik kinain na naman ang load ko.). Marami sila at hindi sila nagpapahinga kaya wala kang karapatan para magpabaya sa mga bagay na ayaw mong mawala sa buhay mo. Kung talagang importante sila hawakan mo , ingatan mo , alagaan mo. Dahil hindi kailanman magiging sapat kapag sinabi mong ikaw ay nanghihinayang at nagsisisi para bigyang pabor ka ng mundo at maibalik pa ang mga bagay na nawala na sa iyo.
.
.
.
.
.
.
.
.

Dapat eto palang dhlan mo para suportahn ang CyberCrime Law. hehe 😀 Anyway, its better to still free when it comes to the cyber world. dapat lang talagng pinaparusahan eh ang mga hacker na wala nmng magandang motibo 😀
isang malaking tsek para jan .. late ang reply ko .. sorry naman.. hehehe :)))
Siguro may nakapagbigay na sa iyo nito… pandagdag na rin sa listahan. 😀
http://realdale.wordpress.com/2012/10/01/liebster-blog-award/
Congrats!
thanks pare :))
wala ng way para ma-retrieve access mo? sayang naman yun domain, badtrip na hacker yan!
wala na ginawa ko na lahat … deym it! hahaha
naku nahack pala ang site mo! gosh. sorry ngayon lang ako nakadalaw 😦 atleast nakuha mo pa ibang posts mo. sana sunugin siya sa impyerno! grrr.
badtrip tlga yung hacker n yun.. .wlang puso
bago-tilyo, may idea ka ba kung paano na hack? anu un bigla na lang nawala? hmmm, nakakatakot naman…
wala akong idea
hindi po siya totally nawala ..
ginamit niya ang domain name ko na bagotilyo.com
at ginawa niyang its more fun in the philippines ang content. hahaa
badtrip lang
mahirap pala maging sikat. hihi
ahhaha …. di naman ako sikat. napagkamalan niya lang akong artista siguro.
boom!
WAHHAHAHA
Ah kaya pala… Yun pala ang nangyari! Kamusta Bagotilyo, matagal-tagal akong hindi napapayal dito may mga panha-hack pa palang nangyari, pansin ko nga agad na wala ka na sa dotcom. Yaan mo, masaya na dito. Hahaha!
At least napatunayan mong artista ka, hinahack ang blog mo! Nice! 🙂
/akda/
oo yan ang buong istorya ..wahhaha
akala niya artista ako .. shet . nagkamali siya .lol
salamat at natunton mo muli ang site ko 🙂
Isa lang ibig sabhin nyan sikat ka na at marami ka ng fans! Baka kasi napasama ka sa websites n tinarget ihack ng China! hehehe! Ok lang yan to start again… nakakapagod nga lang. =)
haha lintik na china yan.
hindi ako sikat. nagkamali ang china ng napiling site,
oo nga eto nakakabawi din naman 🙂
natawa naman ako dito..bakit ba nalampasan ko to basahin dati? hahahahaha… dapat wala ng censor 😀
uy don’t get me wrong pre ha, i feel for you naman, alam ko pakiramdam ng na-hack…taena lang nila. di ko makuha sense bakit nila ginagawa un..well for one reason bakit ikaw ang target, maybe because malakas ang impact mo sa blogsphere
dun tlaga siya nagkamali… isa lamang akong normal na blogero ..
haha
disappointed siguro yun ngaun at nagkamali siya ng hinack 🙂
sikat ka na kasi tol, hehe. ngayon lang yata ako naligaw dito ano? pucha makapag-backup nga din.
dun ka nagkamali hindi ako sikat ..wahahah
oo nga salamat naman at naligaw ka .
back up back up din 😀
ay ang sad naman , sorry to hear that.
ok lng .. ganyan tlga ang life bro.
marahas! hehe
napagtripan ko talagang basahin ang blog MO..
at ayun isa lang napagtanto ko ..
ANG DALDAL MO PALA TALAGA ..
madaldal pa sakin ?..
ahahahahahahah
salamat at pinagtiyagaan mo..
mauumay ka sa kadaldalan ko .. madami pa yan.
pero hindi ako papayag na mas madaldal ako sayo.
alam mo yan.haha
hoy ! alam mong mas madaldal ka sakin .. dhil meron kapang BLOGSPACE ! wag mukong linlangin ! wag kang mgpanggap ! ahahah
eh di ikaw na ang malinis ..wahahhaha. daldal.
wow kakatouch nman mga coments na nabasa ko i really like them hehe!!
“Ang Hacker at ako/bagotilyo”
hahaha .. salamat babyvel 🙂
ang saklap naman nun! 😐 sayang domain at effort in keeping that site. anyway, shit really happens sometimes. at dahil ikaw ang napili niyang i-hack, i’m pretty sure crush ka nya at mababasa niya ito…so if you are reading this, sana maenjoy mo ang fan sign dear hacker! chos!
tama shit happens …
sana wag niya ng ihack ang site ko ulit .. im vulnerable..
mahina ako..
mahina ako sa tukso..wahhahah
hahaha. yun yung banat e!
boom! hehehe
ibig sabihin nung na hack ang site mo hindi mo na ulit nakuha yung domain mo? ganun na yun? at bakit nga kaya ikaw pa ang napili nyang i-hack ano? at least may back-up ka. ako kasi walang back-up, bawat post ko diretso sa blog. hala, kailangan ko ng gawan ng paraan at baka ma-zero din ako.
at least nagkaron ka ulit ng sipag na bumalik sa WP!
ewan ko nga ba .. wala talagang taste ang hacker na yun at ako pa ang pinaginteresan . kung sana katawan ko na lang ang inangkin niya mas ok pa. lol
hindi na ko makalogin sa site ko .. tapos yun nga its more fun in the philippines n nalabas.
oo salamat sa import-export tools ng wordpress. 🙂
hahaha astig 🙂
gusto mo din ng fansign dre??? hahaha
Ganyan talaga ang buhay. pero sana hindi ka lng nagpa-cute. wala ba paraan para mabawi mo site mo?
tama life sucks ..
hindi ko n tlga ma-access eh .. 😦
awwts! pag sikat daw kase hina hack! hehe!
hindi ako sikat .. nagkamali siya dun..
walang taste na hacker ..hahaha
Dahil sa naligaw ako sa blog mo, napaalalahanan akong mag backup… isipin mo na lang sikat ka na kaya may nagha-hack ng blog mo hehe
salamat at naligaw ka.. hahaha.
hindi ako sikat… nagkamali siya dun 🙂
papalitan ko na ang url mo sa blogroll ko ah, sorry for wht happened in ur blog..
cge2 pare salamat .. hehe
hays hacker ..
kaya pala nung bumisita ako sa crib mo, it’s more fun in the philippines ang nakalagay. sus!
oo nga pare…
hacking = its more fun in the philippines.
hahaha…
Oo nga! Nagulat din ako, eh. Hehe!
ako din nagulat …
at nabadtrip ..wahhaha
sorry aboutsa nangyari sa website mo.. Empee… yaan mo.. gagawan ko ng maraming hatemail yung kumuha ng page mo…
anong empee??
haha sige padalan mo siya ng madaming hatemails…
madaming madami .. hehehe 🙂
Salbaheng hacker.
sinabi mo pa hays 😦
Oh, relax-relax lang. Breathe in, breathe out. Ang gawaing masama ay gawaing masagwa.
ahahha .. ok sige pare … kalma lang ako.
waah nakakatakot naman di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag yung akin ang nahack. OMG!wag naman sana.
anyway..nakakatuwa yung fansign mo haha
ahahha .. backup backup din …
salamat, gusto mo din ng ganyang fansign?? lolz
hello, bagotilyo,
ahaha, kahit masaklap na karanasan, funny pa rin kung ikwento mo. ikaw na… tingnan mo kaya no’ng ako ang nagkwento, drama me much, kainis lang. ^^
anyway, talaga namang nakakagalit, nakakagulo ng isip at damdamin at pati ng pagdumi (haha) ang mawalan ng site. ng wala man lamang pasintabi, as in…
pag-igihan mo muna rito, kapatid. and, ask the help of other hackers, naman… 😉
nung unang sinulat ko to andrama . ayun ginusot ko ang papel sabay three points sa trash can . di ako sanay pag sobrang drama ang mga sulatin ko.
alan kong naiintindihan mo ko .. oo alam kong alam mo din ang pkiramdam :p
magaral kya ako kung pano maghack tapos i hack-back ko yung site ko? hahaha ok yun db? cheers 🙂
oo, okey yon, the best! alalahanin mong Pinoy ang gumawa ng I love you virus at nasa maayos na syang kalagayan ngayon. may future dyan sa iniisip mo pero mas efficient yata kung bihasang hacker na’ng pagagawin mo, ahaha. 😉
genius yan … hahaha .. i will hire a hacker para mabawi ang dating akin.
goowww! 😉
Bad, very bad! Tsk..tsk..tsk
kaya pala nag direct sa ibang site yung link mo.
anyways, let’s raise a middle finger to that hacker!!
yaan mo mas pogi ka naman sa kanya! chos! ^___________________^
hahaha .. natawa naman ako dun sa mas pogi .. lol
sana nga para kahit papano may lamang ako sa hacker n un . 🙂
sayang yung domain! parang ung nangyari kay kurog, hinack pero ibinalik din nya. naku wag sanang mangyari pa sa iba
sana ibalik din yun sakin sir ..hahaha *asa*
0o nga sana wag na mabiktima ang iba
walang kupas talaga….galing!
wow .. salamat po .. 🙂
walang anuman po…
Kasaklap. Life is ampeyr..alam mo ‘yan.
oop nga tay … hays ..
hahaha
sayang yun mga ibang file dun buti nag back up ka sir…
oo nga eh kahit papano hindi na masyadong masaklap sir.
Follow me .
followed you 🙂