Ang hacker at ako

May 02 , 2012

8:20 pm

Simula nung na hack yung site ko na http://www.bagotilyo.com ay lalong tinamad ang tamad kong utak para mag-isip ng mga isusulat. Kung ito yung tinatawag na writer’s block – ewan ko lang hindi naman ako writer sadyang mahilig lang akong magsulat. Basta wala akong gana ngayon . Google mo na lang kung bakit.  At dahil ninenok niya nga ang site ko ay agad agad akong bumalik kung saan ako nagsimula ; sa wordpress.com

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang site ko pa ang pinagdiskitahan ng walang taste na hacker na yun . Gusto ko siyang konyatan at ibigti gamit ang nagbabagang wire pero sa halip ay pinili ko na lamang na manahimik . Oo ate charo nanahimik ako kasi alam kong wala naman akong magagawa. Isa lang naman akong simpleng gwapong binata at bukod dun wala na kong kaya pang ibang gawin. Wala akong ibang talent kundi ang magpacute.

Dahil kay boy pickup hindi na napigilan ang pagusbong ng isang bagong nilalang . Si bagotilyo bilang si Boy backup. Buti na lang at totoo ang kasabihan na daig ng maagap ang masikap (mema sabi lang na salawikain) . Nagawa kong isalba ang ilan sa aking mga sulatin At dahil hindi ko narecover lahat maumay ka sa series of repost ko sa mga susunod na araw.

Salamat na din sa hacker na yun . Dahil sa kanya napatunayan kong totoo nga ang litanya sa movie ng ex kong si anne curtis na no other woman.

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo _____________.”

Choose all that applies:

  • a . Magulo , maingay , masarap  ang bawal.
  • b.May simbahan , magsimba ka  kahit paminsan minsan.
  • c. Maraming dvd vendors . bili na!
  • d. Maraming snatcher. Maagawan ka! Lumaban ka! (with feelings)
.

Totoo nga na sa mundo ay  may taong maaring kumuha hindi lang ng mga materyal na bagay sa iyo kundi pati ang mga bagay na makapagsasaya sa iyo . Mga pangarap , pag-asa , syota , kalandian at load (l*ntik kinain na naman ang load ko.). Marami sila at hindi sila nagpapahinga kaya wala kang karapatan para magpabaya sa mga bagay na ayaw mong mawala sa buhay mo. Kung talagang importante sila hawakan mo , ingatan mo , alagaan mo. Dahil hindi kailanman magiging sapat kapag sinabi mong ikaw ay nanghihinayang at nagsisisi para bigyang pabor ka ng mundo at maibalik pa ang mga bagay na nawala na sa iyo.

.

.

.

.

.

.

.

.

alam kong hindi kita fan pero trip kong gawan ka ng fansign . Sana ma touch ka sa heartfelt messages ko .hehe

75 thoughts on “Ang hacker at ako

  1. Dapat eto palang dhlan mo para suportahn ang CyberCrime Law. hehe😀 Anyway, its better to still free when it comes to the cyber world. dapat lang talagng pinaparusahan eh ang mga hacker na wala nmng magandang motibo😀

  2. Ah kaya pala… Yun pala ang nangyari! Kamusta Bagotilyo, matagal-tagal akong hindi napapayal dito may mga panha-hack pa palang nangyari, pansin ko nga agad na wala ka na sa dotcom. Yaan mo, masaya na dito. Hahaha!

    At least napatunayan mong artista ka, hinahack ang blog mo! Nice!🙂

    /akda/

  3. Isa lang ibig sabhin nyan sikat ka na at marami ka ng fans! Baka kasi napasama ka sa websites n tinarget ihack ng China! hehehe! Ok lang yan to start again… nakakapagod nga lang. =)

    • uy don’t get me wrong pre ha, i feel for you naman, alam ko pakiramdam ng na-hack…taena lang nila. di ko makuha sense bakit nila ginagawa un..well for one reason bakit ikaw ang target, maybe because malakas ang impact mo sa blogsphere

  4. napagtripan ko talagang basahin ang blog MO..
    at ayun isa lang napagtanto ko ..

    ANG DALDAL MO PALA TALAGA ..

    madaldal pa sakin ?..
    ahahahahahahah

  5. ang saklap naman nun!😐 sayang domain at effort in keeping that site. anyway, shit really happens sometimes. at dahil ikaw ang napili niyang i-hack, i’m pretty sure crush ka nya at mababasa niya ito…so if you are reading this, sana maenjoy mo ang fan sign dear hacker! chos!

  6. ibig sabihin nung na hack ang site mo hindi mo na ulit nakuha yung domain mo? ganun na yun? at bakit nga kaya ikaw pa ang napili nyang i-hack ano? at least may back-up ka. ako kasi walang back-up, bawat post ko diretso sa blog. hala, kailangan ko ng gawan ng paraan at baka ma-zero din ako.

    at least nagkaron ka ulit ng sipag na bumalik sa WP!

    • ewan ko nga ba .. wala talagang taste ang hacker na yun at ako pa ang pinaginteresan . kung sana katawan ko na lang ang inangkin niya mas ok pa. lol

      hindi na ko makalogin sa site ko .. tapos yun nga its more fun in the philippines n nalabas.

      oo salamat sa import-export tools ng wordpress.🙂

  7. Dahil sa naligaw ako sa blog mo, napaalalahanan akong mag backup… isipin mo na lang sikat ka na kaya may nagha-hack ng blog mo hehe

  8. waah nakakatakot naman di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag yung akin ang nahack. OMG!wag naman sana.

    anyway..nakakatuwa yung fansign mo haha

  9. hello, bagotilyo,

    ahaha, kahit masaklap na karanasan, funny pa rin kung ikwento mo. ikaw na… tingnan mo kaya no’ng ako ang nagkwento, drama me much, kainis lang. ^^

    anyway, talaga namang nakakagalit, nakakagulo ng isip at damdamin at pati ng pagdumi (haha) ang mawalan ng site. ng wala man lamang pasintabi, as in…

    pag-igihan mo muna rito, kapatid. and, ask the help of other hackers, naman…😉

  10. Bad, very bad! Tsk..tsk..tsk
    kaya pala nag direct sa ibang site yung link mo.

    anyways, let’s raise a middle finger to that hacker!!

    yaan mo mas pogi ka naman sa kanya! chos! ^___________________^

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s