OY! touch move

 

*Sinulat ko ito noong kasikatan pa ng friendster siguro year 2008 yun — young mind🙂 *

 

Ang buhay ay parang  Chess

Simple lang ang rules:

 

TOUCH MOVE – Hindi mo na pwedeng ibalik ang mga nagawa mo na.

Isa lang ang goal mo at yun ay ang manalo .

 

Ang bawat piyesa ay may kanya-kanyang gamit. Pawn , Bishop , Knight , Rook , Queen at King. Ito ay representasyon ng isang parte sa iyong buhay. Maaring tao , karanasan o pangarap.

 

Sa una mahira magamay ang larong ito…

 

MAGULO….

 

Andaming pagpipiliang tira…

 

Ang hirap magplano….

 

Pero habang tumatagal ang tila mala-“maze” na laro ay nagkakaroon na ng direksyon. Matapos mong mag-isip ay matuto kang gumawa ng desisyon. Minsan tama , kadalasan mali. Ano’t ano pa man, ang mahalaga ay mapanindigan mo ang mga ginawa mo. Maari ka ring makinig sa mga nanonood kung anong tira ang magpapaganda ng posisyon mo sa laro. Pero sa huli desisyon mo pa rin ang masusunod kaya wala kang dahilan para isisi sa kanila kung bakit nakain ang knight mo. Tapos maiisip mo mahalaga pala siya, sana iningatan mo. May mga bagay kang dapat isakripsyo para makamtan ang mga minimithi mo. May mga bagay kang dapat bitawan , may mga bagay na dapat ingatan , at mga bagay kang dapat pahalagahan. Hindi perpekto ang buhay at hindi matatapos ang laro ng walang nababawas sa  mga piyesa mo.

 

Darating sa puntong parang wala ka nang gustong itira . Yung gusto mo na lang matapos at manalo ng wala kang ginagawa. Hindi sa tinatamad ka lang tumira kundi dahil takot kang magkamali nanaman at lalo ka lang mawalan. Nakakapanlumong isipin na sa dinami dami ng desiyong ginawa mo, iilan lang ang tumama.. Pero hindi pa huli ang lahat para makabawi . Wala naman sa rules na pag “Queenless” ka na ay talo ka na.

 

Sa ngayon ikaw ay nasa kalagitnaan pa din ng nasabing laro. May mga nawala na , nabawasan na ang iyong piyesa at tanging diskarte na lang ang iyong pag-asa. Wala kang ibang pwedeng asahan kundi sarili mo lang dahil kagaya mo mayroon din silang kani-kaniyang laro, kaya wag kang umasa na lagi kang may masasandalan. Buhay mo yan kaya laruin mo yan ng maayos. Matuto kung kailangang matuto , Bumangon kung kailangang bumangon , harapin ang dapat harapin kasi kahit tumigil ka sa pagtira magpapatuloy ang iyong laro —- tatakbo ang iyong buhay. Kaya wag mong hayaang wala kang gawin kung mayroon ka namang pwedeng gawin.

Isa lang ang payo ko sa iyo . Huwag mong hayaang marinig sa iba ang salitang:

 

“CHECKMATE”

 

*gameover*

 

Checkmate

 

 

49 thoughts on “OY! touch move

  1. Pingback: A Letter to my Future Self | Bagotilyo

  2. “Life is like a game if chess. You don’t need someone to play it for you, you need someone to play it with you.” ~The Young Victoria

    Nakakatamad manuod ng chess kung hindi ka maunong.🙂

  3. HAHAHA!!^^ BOOM^^ sapul ako kuya! haha.. tama! “Wala kang ibang pwedeng asahan kundi sarili mo lang dahil kagaya mo mayroon din silang kanikaniyang laro kaya wag kang umasa na lagi kang may masasandalan. Buhay mo yan kaya laruin mo yan ng maayos. Matuto kung kailangang matuto , Bumangon kung kailangang bumangon , harapin ang dapat harapin kasi kahit tumigil ka sa pagtira magpapatuloy ang iyong laro —- tatakbo ang iyong buhay. Kaya wag mong hayaang wala kang gawin kung mayroon ka namang pwedeng gawin.” haaysss!!! ang sakit! hahaha ang lalim m0 mag bitaw sa salita., tag0s hanggang buto. wahaha..

  4. aray ko! sermon ba ‘to para sa ‘kin, kapatid? ahaha. ang saya at naibalik na ang site ng isang bata ryan. ^^

    oo, tanggap ko na ang mga tinuran mo, oo na. pero, ang husay mo pa ring magsulat! ahaha. o, touch move!😉

  5. Ang mahalaga importante.

    Que porque, que sera sera…sira ang tuktok ko.

    Ang ganda ng analohiya mo. Checkmate!

    Parang dama lang alam kong laro, ang pamato ko pa maliliit na bato.🙂

  6. i agree sa sinabi mo sa taas.

    pwede pong magdagdag ng payo? kung sa tingin mo, malapit ka nang macheckmate, itumba mo na ang chessboard. mas okay nang draw kesa talo. lols!

  7. Galing. Very uplifting. Magandang ipabasa lalo na sa mga taong ayaw nang kumilos dahil sa pag-aakalang wala na silang magawang tama sa buhay.

    Dahil dyan, add na kita sa blogroll ko kung ok lang sa yo Bagotilyo.🙂

  8. I gave up maglaro ng chess kasi tinamad akong mag-isip at dumiskarte. kasi tama ka sa bawat maling diskarte minsan nakakafrustrate…

    O sadyang mahina lang ako dumiskarte… Games of the General na lang next game. hehehe!

  9. ang ganda naman ng post na to… mababaw ngunit kung iyong iintindihin ay malalim ang kahulugan sa tunay na buhay.
    ika nga nila bawat sa bawat pag galaw mo dapat ay sigurado ka o kung di naman dapat tangapin mo ang mga pagsubok mo maze sa buhay mo.
    di ba? kung magpagkakataon go lang ng go.
    tira lang ng tira. basta ba di ka papahuli o macheckmate o magame over.

    sabi nga ni kaibigang Albert Einstein “You have to learn the rules of the game. And then you have to play better than anyone else.”

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s