Tinuruan ako ng mga luntiang damo

Minsan gusto kong takasan ang mundo at humanap ng lugar na matataguan. Lugar kung saan maaari akong maging ako ng walang pagaalinlangan. Lugar kung saan lahat ng problema’y maaring takbuhan. At sa aking paghahanap natagpuan ko ang isang damuhan. Umupo ako dito , nag-isip ,nagbulaybulay habang nakatulala sa kawalan. Naalala ko noong ang mga pangarap ko ay kasing taas pa ng lipad ng saranggola sa kalangitan. Malaya. Matayog. Walang takot. Ngunit habang ito’y bumubulusok paitaas ay nararamdaman kong ang lubid na nagdurugtong sa aking mga pangarap ay nababanat at ang bawat hibla ay patuloy na rumurupok. Pinilit ko itong isalba ngunit sa aking hinuha ay huli na. Napatid ang lubid bago ko pa ito bitawan.

Nilapat ko ang aking likod sa damuhan. Humiga at pinakiramdaman ang kapaligiran.  Tahimik. Payapa . Tila bang  ako ay nasa silid-aklatan na may mahigpit na laybraryan. Sa gitna ng nakabibinging katahimikan ay lalo kong narinig ang boses ng aking puso. Malakas ang bawat panaghoy na ako bilang tao ay napapagod din at nasasaktan. Pakiwari ko’y kahit pa ang buong panitikan ay hindi kayang ipaliwanag ang bigat ng aking nararamdaman. Para akong galunggong na iniahon mula sa karagatan. Pumipiglas , nahihirapan at pinipilit na lumaban. Ngunit sa  huli wala ring kahahantungan kundi kamatayan. Kamatayan ng pangarap .Kamatayan ng pag-asa.

 Kasabay ng pagpikit ng aking mata ay ang pagpatak ng luhang dahan-dahang dumudulas sa aking pisngi. Gusto kong sumigaw ng mas malakas pa sa tinig ng mga kulisap. Gusto kong umiyak at sabihing hindi totoo ang bawat ngiting nasisilayan nila sa aking mga labi. Pagod na akong magpanggap na bayani na kailangang laging malakas at matapang. Pagod na akong mabuhay sa kasinungalingan.

Habang ang luha sa mata ay pinupunasan ay napansin ko ang paggalaw ng mga damo sa di kalayuan. Aking napuna kung papaanong ang bawat isa ay sumasabay sa direksiyon ng hanging dulot ng amihan. Isang larawan na ang buhay ay hindi dapat laging nilalabanan bagkus ay dapat ding sakyan at sabayan. Ayoko nang isipin ang maligno ng nakaraan. Ayoko nang isipin ang aking mga kabiguan. Ang tanging nais ko lamang ay ang kagawaran ng kapayapaan . Kapayapaang walang ibang makapagbibigay kundi tanging sarili ko lamang.

Sa saglit kong pananatili sa luntiang damuhan ay binigyan ako nito ng pagkakataon upang makita ang mga bagay na nilagpasan ng aking paningin.Hayaan mong tangayin ka ng buhay kung saan ka nito gustong dalhin. Hayaang mong masaktan ka sa mga bagay na minsang nakapagpasaya sa iyo sapagkat isa itong patunay na kung gaano ka kalalim masaktan ay ganun ka kalalim magpahalaga. Hayaan mong turuan ka ng mundo na umiyak kung kinakailangan. Hayaan mong turuan ka ng buhay sa bawat paraang alam nito dahil ang bawat aral at karanasang ipapatikim sa iyo ng mundo maging masarap man ito o mahirap ay ang huhulma ng iyong pagkatao. Para sa huli hindi ka magsisi na ang taong nabuo sa iyong mga pinagdaanan ay ang parehong tao na gusto mong maging ikaw.

*end*

ang akdang ito ay nagkamit ng ikalawang karangalan sa Bagsik ng panitik ng Damuhan.

84 thoughts on “Tinuruan ako ng mga luntiang damo

  1. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

  2. May BIGAT at Umpisa pa lng ng kwento ay tinamaan agad ako, buti na lamang at napigilan ko ang maluha sa dalang mensahe ng pagbibigay laya sa sarili sa mga nais na marating sa buhay!… Malago!…

  3. ello, bagotilyo,

    ayon, i published my entry na. kaya lang, di ako makapag-iwan ng comment sa damuhan dot com. di ko makita sa page kung paano… paano ba, turuan mo me, pls. teynks.

    ei, good luck pala sa atin… bet ko ang pyesa mo, ha. 10 pitik ang taya, hwag masyadong malakas ^_^

  4. hello, bagotilyo,

    salamat sa dalaw, err, pang-aalaska, hehe ^^

    pangatlong beses ko na yatang binasa itong komposisyon mong napakadamdamin at napakaganda. ahaha, ito ang totoong coming of age na plot, haha. ^^

    alin nga ba ang mas nakakapagod, ang pagkukunwaring nasusundan natin ang papel na itinakda sa atin ng lipunan at ng mundo o ang pagkatanto ng ating mga limitasyon bilang tao? napapagod, mapagkunwari at kung minsan, duwag at mahina.

    may naisulat ang playwright na si george bernard show ukol dito – superman ang pamagat. ukol ito sa pagnanais ng taong lampasan ang pagiging karaniwan. basahin mo minsan, pag may time ka…

    iniisip kong sumali rin dito sa patimpalak. pero ang naisulat ko so far ay mahaba, kopya-kopya lang sa theme mo (hehe) and nowhere half as good. pag-iisipan ko kung ilalahok ko pa. Saan Napunta Ang Mga Pangarap? ang title, hihi… warmest regards!🙂

    • “alin nga ba ang mas nakakapagod, ang pagkukunwaring nasusundan natin ang papel na itinakda sa atin ng lipunan at ng mundo o ang pagkatanto ng ating mga limitasyon bilang tao? napapagod, mapagkunwari at kung minsan, duwag at mahina.”

      pang akda na tong litanya mong to ah. hahaha

      isali mo na ang akda mo .. excited n kong mabasa🙂 im sure maganda yan . kaw pa.

      san ko mababasa yung superman?

      • ahaha, ang munti kong akda ay hango lamang sa madamdaming mong panulat kaya? naman…^^

        di ko nga matapos ang last two paragraphs dahil humihina na ang loob ko pag naalala ko kung gaano kaswak ‘tong komposisyon mo, pramis. ^^

        at any rate, kung isasali ko man o hindi, mas malamang sa ipa-publish ko pa rin as post, ahaha. ilalagay kong bunga ‘yon ng pangongopya sa ‘yo, haha!🙂

        • tigil n ang pambobola sa sulat ko at baka maniwala nga akong maganda to .haha

          anot ano man excited na si bagotilyo basahin yan :))

          as inspired by: ? yung may mga ganun.

          tapos

          in memories of: hahaha parang yumao lang . lol

          pagpasensiyahan mo na nag comment ko ang gulo lang diba?

          hayaan mo babawasan ko na ang pagdadgrugs. :p

          • hey, salamat, ha. ipapa-lbc ko ang bente, hehe.😉

            man and superman yata ang title ng GB Shaw na sulatin, paki-check mo na lang sa Google. baka may downloadable copy rin no’n. btw, medyo acquired taste ang sulatin ni Shaw, ha. at serious ang marami. ang peyborit ko sa naisulat nya ay Arms and the Man – comedy’to. ang ganda…

            sa maganda ang naisulat mo, what to do, eh? at kopya lang yong sa ‘kin, haha. ise-send ko ba sa ‘yo? isip-isip… lols! wala akong maisip, haha.:)

          • andami ko ng librong gustong basahin.

            dapat pla nililista ko nakalimutan ko na halos lahat. hahaha

            isend mo na . karangalan kong makauna sa pagbasa nun. hehehe
            🙂

  5. hello, bagotilyo,

    am typing this as i listen to your cover. you can sing as well! ikaw na ang marunong umawit… ^^

    yes, it does happen, there comes a point when we stop and wonder about things that could have been, people we’ve lost and dreams faded or forgotten. and we stare and ask if we could have made better choices in life, if we could have made it easier or less painful.

    and in the end, we come to the realization of our humanity – our strengths and our weaknesses – and resolve that we cannot change things as they fared but we could be less bitter about our circumstances. after all, those events and choices led us here, in the present. well, we may be less cute, less adorable and less of everything but fats. but hey, even fats are hard to come by these days. so, what the hey! ^^

    sana manalo ka sa patimpalak ng damuhan! cheers!🙂

  6. bagotilyo medyo seryoso yata ang timpla natin ngayon ah? but it is good every once in awhile diba? dalin ka sana sa yong tadhana ng mga realizations mo!

  7. teka, asan ang like button? pambihira, di ko makita… :)may nagmumuni-muni? hayaang saktan ng buhay para matutong magpahalaga, gano’n? may gano’n talaga? shaks lang! ahaha, babalik ako pag di na ako emote. happy weekend!

  8. NAPAKAGANDA! Punong puno ng puso ang panulat mo na ito. Isang akdang titimo sa puso ng nakakarami.Ang ganda nf mensahe.Maganda!Basta maganda!

  9. Bagotilyo, lubos akong nasiyahan,
    ika’y nagawi sa aking tahanan.
    Alam mo binaybay ko mula sa iyong pangalan,
    patungo dito sa iyong tirahan.
    Sa bungad pa lamang,
    pangalan mo na ang nakaabang
    tila nanghihikayat,
    “halika’t basahin ang aking mga sulat”.

    Ang buong akala ko’y hindi na ako muling hahanga pa,
    Iilan lang ang aking nabasang akda ngunit ito’y diko mapigilang mamangha.
    Bukod sa naipamalas na galing sa pagbibigay ng mga hinihinging salita,
    Ito’y nakapagbigay katarungan ng aking mga nahihinuha.

    Natangay ako sa agos ng istorya,
    Banayad ang daloy ngunit hindi malamya.
    Bagkus ito’y kumukurot at pumipiga,
    sa aking puso at pigil ang aking hininga.

    Nakatayo akong pumapalakpak,
    sapagkat isa na namang obra ang aking nakalap
    Napakahusay..
    Mabuhay!

    • ito ang tinatawag ng quality comment.. hehehe … pwede ng pang post ito.

      isa kang tao na may natural na talento.

      kudos sa iyo isa kang inspirasyon.

      salamat🙂

  10. hello bagotilyo!

    nabasa ko na kanina tong gawa mo.. nagbabalik lang ako upang magkomento.. ahihih
    nalaman kong ganun ako kalalim magpahalaga kasi ganun ako nasasaktan.. ahekz.. charot lang..

    i like your blog..
    it’s nice.

    Godbless
    ^__^

  11. Isinama mo ako sa iyong takot at kawalan ng pag-asa. Isinama mo ako sa pagtanggap na ang buhay ay may kaniya-kaniyang direksiyon kahit na mangyari pa sa magkakaibang panahon. Na ang buhay ay mahalaga, pinapahalagahan at isinasabuhay. Dahil ang mga ganitong lathalain ay pampukaw para sa iba. Gaya ko.

    Magandang piyesa ito Sir.

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s