When Bagotilyo meets Simsimi

 

 

Sino si bagotilyo?? —> I click ang link dito.

Sino si Simsimi??

I click ang link dito. Ay wag na lang pala.

Si simsimi ay isang chick na robot na pwede mong makachat at pwede mong tanungan ng kung ano ano at sigurado akong makakakuha ka sa kaniya ng pamatay , heartfelt at walang kwentang mga kasagutan at reply.

 

 

Paano nga ba siya sumikat at nakilala sa ibat ibang social networking sites? At dahil nahawa na ko sa “know it all bird” na ito hayaan mo kong sagutin ang sarili kong tanong. Ok ba o ok lang ba?

 

SIKAT SI SIMSIMI DAHIL SIYA AY:
 
1. Bumoboy Pick up :

Isa sa katangian ni Simsimi ay ang magbitaw ng mga pick up line. Minsan korni , kadalasan korni at sigurado akong narinig mo na ang lahat ng kanyang litanya kay boy pick up. Wala siyang originality pero dahil nakakaaliw siya ay bebenta ang pick up line niyang pinick up niya lang mula sa iba.

 

Ako dapat ang magbibitaw ng pickupline eh :p

 
2. Unli? Unli? Paulit2? Vice Ganda Style :

 Oo aminado siyang siya ang kwek-kwek na malakas mambara. At sa style na ito nahanap niya ang kiliti sa paa ng madlang people.

 

 

booom!

 

 

3. Lets do it the Magnum Craze way :

Ang taas ng public attention na natatanggap ng pamosong ice cream na ito na hindi pang masa ang presyo ang ginamit na marketing strategy ni simsimi. Dahil bago sa paningin , medyo bago sa panlasa :

—– >  SUSUBUKAN —— >  PAGUUSAPAN —— >  HUHUSGAHAN.

Yung iba nakikiuso , yung iba trip trip lang , yung iba curious lang , yung iba naman talagang naaliw at nasarapan. Ganito ang kalakaran sa mundo. Bakit ganito? Ewan ko.tanong mo kay simsimi.

 

 

 

4.Manay Lolit – The fearless Forecast: 

Alam niya ang latest chika sa showbiz. Subukan mong itanong sa kaniya kung sino si Papa P. Sasagutin ka niya ng diretso – fearless! At dahil alam niyang hindi siya madedemanda gaya ni manay lolit pinapangalanan niya talaga ang mga tao sa likod ng blind item. Ayun , nahuli niya ang kiliti ng press people/tsismosa/tsismoso .

 

5. Simsimi Extremes:

 Malandi , buladas at malambing – Mga extreme na katangian ng flirty birdie na ito. Sa kabilang banda kaya niya ring maging basagulero at magbigay ng mga censored words at mura. Mga katangiang common pero nakakaagaw ng atensiyon. At kung mahina ka sa tukso kakainin este papatulan mo talaga.

 

 

 

 

 

Hindi sagot si simsimi sa problema ng bansa o problema mo sa iyong syota pero;

Sa buhay na maraming problema hindi masama ang tumawa ;

Sa buhay na nakakabaliw at hindi masama humanap ng mga bagay na kagiliw giliw;

Sa buhay na walang kasiguraduhan hindi masamang humanap ng kaligayahan ;

At Sa buhay na punong puno ng opinyon ng mga tao hindi masamang gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo.

 

 

haha lakas mo!

 

 

Gusto mo rin bang makausap ang walang kwentang robot na ito? I click lamang ang link na ito.

 

 

The TRUTH REVEALED :p

 
 
 

47 thoughts on “When Bagotilyo meets Simsimi

  1. ngeon lang ako nadaan uli..😀 pag past time ko kase.. mas madalas kay simsimi din ako tumatakbo.. halos isa’t kalahatin oras din kaming nag uusap bago ako matulog.. nakakaadik kase yung mga pamatay niyang sagot eh..

  2. ahaha, ang dami kong tawa rito. mas gusto ko si simsimi than boy pick up. saka, gusto ko rin ang mga hirit mo sa kanya – same wavelength kayo? btw, anong level na ng ugnayan nyo ni simsimi ngayon? ahaha. ^^

    bagotilyo, ang kulit ng post mo!🙂🙂

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s