Dear School – I Miss you Not?

Tunay ngang memorable ride ang buong experience natin sa pagpasok sa eskwela. Pero sa bawat saya ay may pagdurusa , sa bawat kaligayahan ay may kalungkutan , sa bawat pagsusulit ay may katabing nangungulit at sa bawat ating pinagdadaanan ay may mga bagay tayong hindi natin masyadong nagugustuhan.

Ang post na ito ay kabaligtaran nung huli kong sinulat .

Dear School , I miss you not;

Let me count the ways : hahaha

1.          Yung pakiramdam na uwing uwi ka na tapos maaalala mong cleaner ka pala.

2.         Yung pagpanggap na tahimik kapag umalis si mam

at inutusan niya ang hindi mo ka close para magsulat ng noisy.

3.          Ang paghihintay sa tira-tirang pagkain sa bilao kapag nasa row 4 ka.

4.         Ang pagtutuck-in ng tshirt para magmuka kang tanga.

5.         Ang paggamit ng deadly Scientific calculator at pagsagot sa mga pakshet na math problems.

6.         Ang pagBasted ni CRUSH ( awts)

7.        Ang mala – Cleancut na gupit at kung ano ano pang kaartihan sa uniform.

8.        Ang pagkolekta ng Current Events Digest (CED) sa subject na Araling Panlipunan.

9.        Ang pagsusulat ng Do’s and Dont’s sa Library at ang garapal na hindi mo pagsunod dito.

10.     Ang paggawa ng Thesis at ang paghahanap sa tila poreber “working” Title nito.

11.      Ang paggising ng maaga para hindi malate sa second first subject.

12.      Ang pagpasok ng may hangover.

13.     Ang nakakaumay na muka ng iyong terror titser.

14.     Ang pakiramdam na natatae ka sa gitna ng klase.

15.     Ang pakikipaglaban sa kaantukan sa super lively na discussion.

16.      Ang pagpapaxerox sa mga hindi mo sinulat na lecturessssssss.

17.     Ang pagbibitbit araw-araw sa mala hallowblocks na libro.

18.     Ang pagkacramming sa paggawa ng case pre at ang kakaibang kaba

kapag binabasa este nagrereport ka sa harap ng lahat.

19.     Ang pagsusunog ng kilay (KUNO) tuwing return demo , oral/written exam at recitation.

20.     Ang paghahanap sa mga nawawalang yamashita treasures

a.k.a prof/titser tuwing pirmahan ng clearance.

Ito ay ilan lamang sa mga hindi ko masyadong namimiss noong ako ay napasok pa. Pero kagaya ng iba pang karanasan sa buhay alam kong hindi magiging ganoon kasaya at kumpleto ang pagiging estudyante ko kung wala ang mga ito.

“Tayo ay produkto ng ating karanasan kung saan ang bawat ating pinagdadaanan maging mahirap man o magaan ay may kadahilanan.”

 

 

Hindi ko alam kung bakit di ko natapos to. Malamang nakatulog na ako ng tuluyan. haha

 ETO PA! Ambait-bait ko talagang estudyante😀

ayan ang ginagawa ko habang ang iba ay pandalas sa pagsulat. boom!

Sige na nga: Dear School , I Miss you STILL😀

39 thoughts on “Dear School – I Miss you Not?

  1. may listahan ka rin ba nung makasaysayang “noh” sa dulo ng mga pangungusap nina titser? tsaka yung gagawa ng essay na “My Summer Vacation” pagbalik galing sa bakasyon? hehe (shepaks, late ko na to nabasa pero astigin pa rin.)🙂

  2. hello, bagotilyo,

    ba’t ngayon ko lang nakita ‘tong kabaligtaran? ang kulit… antukin rin ako noong nag-aaral pa. pagkakatapos ng class, titingnan ko ang notes na isinulat ko, wala sa loob ng lines – marong ascending ang pagkakasulat at may descending,parang lasing lang, ahaha.

    saka ‘yong malapit na ang submission, di pa sure sa title ng paper, haha. halatang di naiintindihan ang pinagsusulat. tapos, ‘yong paghahanap sa professors na nawawala kung kelan sila kailangan, ang kulit lang. ^^

    hey, bruho, kung di mo man balak mag-tag, will really appreciate it if you’ll answer my questions and do a post about it. if no pwede, maski sagutan mo na lang sa comment section no’ng post. ^^

    o, sya, good luck sa tag-ulan ngayong summer. ciao! regards,

    • nakakamiss din ang mga araw na yun:/

      at dahil malakas ka sakin kahit tinawag mo kong bruho ay sasagutin ko ang mga tanong mo sa comment box mo kahit sabaw pa ang utak ko.hahaha

      punta ako sa site mo ngayun na🙂

  3. hahaha natawa ako sa number 4. ang dami ko kasing kaklase na lalake na inaasar dyan. pero meron namang iba na mahusay magmukhang tanga este mag-tuck in. poging-pogi nga e.

    ako rin, pinapakurot ko pa yung kamay ko sa katabi ko para lang wag antukin. tas minsan naman pinapadugo ko kakagat yung labi ko. medyo kita kasi ako palagi ng mga teacher. huhuhu

  4. another travel to the memory lane…

    hahay kay simple lang ng problema noon kung ekukumpara sa nagtatrabaho na…putek!!

    sana may time machine para pwedeng ulitin..hehehe

  5. I miss going to school seriously. Gusto ko ayusin o itama ung mga mali ko nun… hay… marami rin akong koleksyon dati ng papel at notebook since grade 3..hehehe…kaso 2 years ago sinunog ni mama, ang kalat daw kasi..😀

    anyways, nice post😉

  6. wala na akong natirang mga papel na ganyan…nilamon na ng apoy….ginamit upang malagyan ng laman ang aking sikmura…hehehe
    in short,pinamparikit o ipinang-amak

  7. ang notebook ko noon, puros drawing. tas there was a phase in college na puros kabastusan dinodrawing ko.

    tinigil ko lang nung tinawag akong sexually repressed ng kaklase ko..

    i don’t miss school talaga. hahaha

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s