Dear School — I miss you?

Sa tagal tagal ng panahong nilagi natin sa paaralan ay  naging malaking parte ito sa paghubog ng ating pagkatao . Dito tayo nabuo , natuto sa mga pagkakamali , gumawa ng katangahan , nainlab , nasawi , natutong makihalubilo , natutong mangopya , natutong magpakopya , magkunwaring nakikinig habang nagtetext , magsulat , magdrawing sa likod ng notebook at kung ano-ano pa.

At  sa mahabang panahong akoy nagaaral pumapasok ay may mga bagay at tao akong namimiss ngayong ako’y graduate na at tambay pa din.

Ito ang ilan sa kanila :

1.   Siyempre ang BAON!!! Who0o00..

2.   Yung Crush ko sa kabilang section at yung crush ko sa aming section (salawahan?)

3.  Yung pag-iingay sa library at pagsaway ng mataray na librarian na imbis na tumahimik ay lalo pang napupunta sa walang humpay   na tawanan ang eksena.

4.   Ang pangongopya ng assignments 3 minutes bago ang klase.

5.   Ang Pagsusuot ng footsack noong elementary.

6.   Ang pagiging cleaners of the day at ang pagmamadali mong pagtakas kapag uwian.

7.   Ang pag cucutting classes at pag gawa ng pekeng excuse letter.

8.   Ang cheating arrangement tuwing examination day.

9.   Ang pagbabayad sa jeep / bus sabay sabi ng “manong estudyante ho”.

10.   Ang pagtambay sa canteen/ grandstand especially during class hours.hahaha😄

11.   Ang pagpanggap na nagsusulat kapag nagtatawag na ng random na pangalan ang titser para sagutin ang kanyang deadly question.

12.   Ang mga inuman session after examination o kahit normal na araw lang.

13.   Ang pagsita ng guard na isuot ang id at ang pagpanggap na susuotin ito sabay lagay sa bag paglampas sa guard.

14.    Ang pagaabang sa TV/ Radyo kung may pasok kasi signal number zero ang bagyo.

15.   Ang kaligayahan pag absent at maaga nagpauwi si mam.

16.   Ang pagdodrawing sa likod ng notebook during lecture.

17.   Ang pakikipaglaro ng X-O-X at SOS sa katabi pag discussion

18.   Ang kakaibang ligaya kapag alam mong tama ang sagot na isusulat mo sa exam paper.

19.   Ang pagsulat ng corrected by sabay bara-barang pirma after tsekan ang test paper ng katabi.

20.   At higit sa lahat ay “Ang kasimplehan ng buhay estudyante.”

Naisip ko ang kasimplehan ng buhay noong bago ko mahawakan ang diploma. Na ang pinaka problema ko lang ay mangopya magaral pag-exam , maghabol ng lecture , gumawa ng assignments , project , special project , magwalis para makapagpapirma ng clearance sa nstp at  ang malagpasan ang stress na dulot ng thesis.

 Ngayon , ako ay nagaaral pa din at ang buong mundo na ang aking paaralan.  Kung dati sinusubo sa bibig ko ang dapat kong matutunan ngayon  kailangan ko ng hanapin, piliin at pagsumikapan ang mga aral ng buhay. Ang bawat taong nakikilala ko ay ang mga nagsisilbing guro sa kani-kanilang paraan. May mabait at may terror. Pero ang mahalaga ay ituturo nila sa akin kung paano ang totoong kalakaran ng mundo; Hindi mo na kailangan ng ID dahil ang pagkatao mo na ang magsasabi kung sino ka at hindi mo na kailangan ng bolpen sapagkat ang mga natutunan ay hindi na sa papel nakasulat kundi sa puso  at isipan mo na.

57 thoughts on “Dear School — I miss you?

  1. nakakamiss rin ang mag-schooling pero cguro ang gusto kong balikan yung mga maling nagawa ko para maitama o yung mga bagay na hindi ko nagawa na sana ginawa ko.

  2. very nostalgic. pero alam mo tama ka mas simple pag nagaaral pag gising mo alam mo na yung gagawin mo di tulad ngayon medyo kumplikado. nga pala tinag kita sa blog meme nasa blog ko tingnan mo tapos gawin mo kung gusto mo nyahaha

  3. parang nakapag flashback ako sa post mo, nangiti at namiss ang estudyante times!!! ^______^

    muntik me maluha ng popcorn sa huling paragraph…

    asan ba ang LIKE button ditey?

  4. woot!!! nakakatuwa yung mga pointers mo… masaya talaga ang school days!!! lalo na highschool life..

    back in highschool days.. kasama ako sa mga geek squad.. hahaha!! kaya medyo me mga bagay na namiss ako nung high school…😀

  5. waahh! anu ba yan napakaostalgic naman ng post nato.🙂
    nakarelate ako dun sa crush. haha
    kasi pumapasok lang din ako dati para makita at magpacute sa crush ko😛
    nakakakilig balikan hahaha.parang tanga lang😛

  6. Awww.. namiss ko tuloy ang gradeschool at highschool ko. Yung BAON! Syempre! hahahahaa! Tapos yung mga laro tsaka mga fun activities sa school. Nung highschool naman, mga kilig moments dahil ke crush. ayiii! Tapos, mga pag-eskapo sa klase. haha! Kalokohan talaga.. Ang saya.. sarap sariwain ang mga alaala..😄

  7. Cool post ! ! And I understood the whole thing ! ^.^ #

    My brother and sister went to high school there, and they said schools in the Philippines were totally different from HSs here in the US. Well, even college. They went to college here in the US. Over here, students don’t hang out. They all have part time jobs to go to.

    They say it was really more fun for Philippine students.

    Anyways, greetings from California.

    And thank you for liking my post ! Cheers !

    • Im glad that you understand the whole thing.

      I really admire students from US . They are very responsible .

      Life is short and we should enjoy every minute of it😀

      keepsafe.

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s