Flames Hope Vs. Love Calculator

Dahil sabaw pa ang utak ko at dahil balentayms naman naisip kong gumawa ng post para sa mga inlab.  Para sa inyo hindi para sakin.

 

Naaalala mo pa ba yung FLAMES- HOPE nung elementaryslashhighschoolslashcollege days mo?

F- Friends                              H- Hinde

L- Love                                   O- Oo

A- Angry birds                        P – Pwede

M- Marriage                           E- Ewan

E- Engage

S- Sweet

(hindi ko alam kung tama yan kinopya ko lang yan sa isang page sa FB)

Nalimutan ko na din ang process niyan kung pano ba kinocompute or pano nakukuha yung sagot.

Maraming may ayaw sa math pero kahit hindi obligado ay makikita mo sa  likod ng notebook ng mga estudyanteng hindi naglelecture ang pangalan niya at pangalan ng crush niya na may mga numbers at kakaibang formula para makuha ang gusto nilang  sagot.

At dahil hindi na mapigilan ang pag angat ng teknolohiya ay  pinapakilala ko sa inyo ang makabagong anyo ng FLAMES-HOPE.

PRESENTING:

LOVE CALCULATOR  (iclick ang link sa baba)

[calculatornet_love_calculator]

Happy Valentines day pala sa lahat!❤

At para sa mga single na gaya ko

.

.

Happy independence day sa atin :p

P.S. Maari mong ipost ang score sa comment box sa baba o kung matapang ka talaga icomment mo ang pangalan niyong dalawa at compatibility score niyo.  Hindi niya to mababasa pramis :p

50 thoughts on “Flames Hope Vs. Love Calculator

  1. first and last name 14% lang. kaya ayun, nilagyan ko ng middle initial naging 73%. ano pa kayang pgagawin ko para maging 101% compatible?? isama ko kaya ang middle name, ano sa palagay mo? ehehehehe… (hindi ako marunong mandaya, maparaan lang🙂 at hindi ko ito pinatulan, testing lang!)

  2. hindi ako ganun katapang e, pero sasabihin ko yahooo! 84% ang compatibility namin.

    ginawa ko rin yang flames na yan nung high school. sayang hindi ko alam yung hope kaya, wala na. huhuhehehe.
    pampasaya lang din at pampalipas ng oras na may baha-bahagyang pagkilig.

  3. Dami ko tawa sa calculator na to. Hindi ko tinry sa ispesyal someone ko ngayon, natakot ako sa magiging result. baka mababa! hahahhaa! pero tinry ko sa ex ko. 40% lang. Ayun! Kaya pala FAIL.. hindi pala kaming talaga compatibel. hehehe..

    Tinry ko sa ibang kakilala ko.. nyahahaha! Dami palang pwedeng jowain! lol.. joke. :p

  4. hahah very highschool ang love calculator. Lahat na yata ng pangalan nailagay ko dyan pati artista. LOL

    At dahil ate patol ako, nag-try ako ng tatlong tao. Guy1- 76%, Guy2- 78% Guy3- 29% ..hahaha dami kong tawa nung sa huli😛

  5. Bagotilyo kahit naman mataas ,,, in reality that 98 % not existing,, hay!! anong HAPPy Valentines?…it must be SAD VALENTINES for me.. hehehehehe

  6. natawa ako kasi naaalala ko yung flames nyahaha kapanahunan eh😛 hindi ako single pero hindi ko din gagamitin ang love calculator. alam ko na ang sagot kahit hindi ko pa icalculate😀

  7. Nagsample ako
    Bagotilyo and Monik- 40% compatible
    Batolilyo and Nag-interview= 80% (lels)
    Bagotilyo and Essa- 60%
    Bagotilyo and Maharuth-60%

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s