Love Horoscope ni Bagotilyo

Isang walang kwentang gabay para sa ibat- ibang “relationship status” sa araw ng mga puso :

SINGLE:

  • Boy :  Isang taon ka nang torpe . Huwag kang matakot na tanggihan. Kung gusto mo talaga ng ka date magyaya ka. Hindi ka si Lee Min Ho para pilahan ng chikas sa bahay nyo.
  • Girl: Maging Maria Clara ka at hintaying mamuti ang mata sa paghihintay ng iyong Crisostomo Ibarra. Tandaan na ang kayang gawin ng lalake ay kaya ding gawin ng babae. Lumandi minsan. Lumandi kahit ngayon lang.

NSSB ( No Syota Since Birth)

  • Boy: Idol kita . Keep it up.
  • Girl: Hindi ka panget sadyang hindi lang appreciative sa tunay na kagandahan ang mga kalalakihan ngayon. Maghintay , baka hindi pa pinapanganak ang prince charming mo o baka hindi pa nagkakakilala ang mga magulang niya. Patience is a virtue.

Its Complicated:

  • Boy : Wag kang magpanggap. Iba ang komplikado sa ilusyunado.
  • Girl: Hindi Relasyon ninyo ang komplikado kundi ikaw mismo. Compromise ; yan ang kailangan mo.

In a Relationship:

  • Boy : Ito na ang pagkakataon mong magpasikat. (Its showtime man!) Ipakita ang iyong asset. Hindi matutumbasan ng magagastos mo sa pagbili ng roses , chocolates o teddy bears ang kaligayahang maidudulot nito sa iyong kasintahan. Matutong mag invest sa inyong relasyon. Kung walang pera maari kang gumawa ng tula o kanta o pumitas ng gumamela. Ang mahalaga ay maramdaman niyang siya ay prinsesa. Prinsesa ng gumamela .
  • Girl:  Maging sweet sa mga kasintahan at ibigay ang kanilang pangangailangan. Parehas naman kayong mag-eenjoy kaya wag kang mangamba —– sapagkat sa TRUST sigurado ka.  (wag berde ang isipan) ang ibig kong sabihin ay minsan kailangan namin ng inyong 100% trust . Ang relasyong puno ng pagdududa ay parang langgam na nakapila. Mukang payapa pero madaling guluhin , mukang matibay pero madaling sirain.

 

Married:

  • Boy: Hindi dapat natatapos sa “ I Do” ang courting stage ng inyong relasyon. Iligaw Ligawan siya ng ligawan araw araw. Patunayan mong hindi lang katawan ang habol mo sa kaniya kundi pati ang laman ng kanyang bulsa pati ang puso niya. Bukod sa anniversary ito ang araw na maari kang maging extra sweet. Wag kang mahiya. Alam kong wala ka naman nun.
  • Girl: Matuto kang ipaalala ang dahilan kung bakit ka niya niligawan. Hindi masamang mag-ayos. Hindi porket nanay ka na ay dapat magmuka ka ng ina.

 

Sa may ka “FRIENDS WITH BENEFITS”

  • Boy : Hindi mo na kailangan ng payong haliparot ka. Iyo lang sanang tandaan na huwag  palobohin ang  tiyan kung wala kang planong pakasalan.
  • Girl:  Hi! Aahm. Heres my number 0919358240 Text me ASAP. PLS.
  • Would you be my valentine? :p

Ang araw na ito ay simbolo ng pagmamahalan. Hindi ito araw para maghanap lang ng kalandian o ng relasyong madalian. Wag hanapin ang perfect date para lamang sa araw na ito. Hanapin mo ay iyong tao na hindi man perpekto pero handang makipag date sa’yo sa bawat araw ng buhay mo.

63 thoughts on “Love Horoscope ni Bagotilyo

  1. Galing mong magpayo ah.timely post for the youth, pero sa mag asawa din:)
    Salamat sa pag join sa ” Letter to God Contest.”. I will be looking forward sa entry mo:)

  2. pwede mag-react sa Compromise?! Eh bat si girlie lang dapat ang magcompromise?! Wait, depende pala yun sa magiging arrangement. Anyway, pag sinabi kasing compromise, it would something had to be sacrificed or to that effect..

    kung maka-react naman ako..laslas-pulso na nga! haha

  3. SANA PWEDE KO E POST TO SA FB LALO NA REMINDER SA BOY NA ME ASAWA NA… KASO WA EPEK KAYA MATUTO NA LANG NA WAG MAG EXPECT PARA WALANG SAKIT

      • tenku happy valentines din..
        di ko na e popost dapat marunong syang makiramdam..
        pero sabi nga sa bible LOVE IS PATIENT, LOVE IS KIND

        at nung kinasal ako nagsumpaan kami for better or for worst.. and i have to accept that he is worst when it comes to this.. what matter is i know na he can’t live with out me sapat na yun .🙂

  4. ei, akala ko, bagong post, kapatid. hala, gawa ka ng sequel nito, dali. pambihira, 2013 na, inaamag na ang bahay mo. may cobwebs din, hehe. pagbalik ko rito, may bagong entry na, ha… otherwise, ikaw ay mapapalo, whehehe. happy weekend!🙂😉

  5. “Boy : Wag kang magpanggap. Iba ang komplikado sa ilusyunado.”

    Lakas ng tawa ko dun…ambisosyo pala!

    “Girl: Hindi ka panget sadyang hindi lang appreciative sa tunay na kagandahan ang mga kalalakihan ngayon. Maghintay , baka hindi pa pinapanganak ang prince charming mo o baka hindi pa nagkakakilala ang mga magulang niya. Patience is a virtue.”

    alam ko naman hindi ako panget..pero 22 na ako hindi parin pinapanganak prince harming ko?hahahah!

  6. hehehe…ayos tong love horoscope mo…*^▁^*
    bigla ko lang naalala ang sabi ng prof ko tungkol kay Maria Clara. Siya raw ang unang humalik kay Crisostomo Ibarra. Aggressive daw at maikokompara kay Magdalena. hehehe…bka NBSB kasi naghihintay lang ng spark.🙂

  7. Kala ko bagong post, 2012 pala to! (pero di ibig sabihin di na applicable, applicable pa rin!)

    Natawa ako dun SINGLE! Nyahaha, magawa nga yan, kahit “ngayon lang”. :b

  8. “Ang relasyong puno ng pagdududa ay parang langgam na nakapila. Mukang payapa pero madaling guluhin , mukang matibay pero madaling sirain.” – Ang husay talaga ni pilosopong bagotilyo. Ikaw na…😉 Have a happy week, hey!

  9. ang dami kong tawa rito. ang kulit mo, bagotilyo. btw, gusto ko yong pumitas ng gumamela, haha. ba’t wala yata akong naranasang pumitas ng gumamela para sa ‘kin? shaks na ‘yan… ^^

    ang galing ng panghuli, pramis. btw, hindi madaling mahanap ‘yon. but what the hey, keep looking!🙂

  10. Ang problema ko lang talaga tungkol sa pakikipagrelasyon ay kung paano patatagalin ‘yun at magiging matibay.

    Nga pala, pasensya na ‘tol pero wala akong plano na i-beat ang record mo sa pagiging tambay! LOL

      • sori at ngayon lang uli ako napadalaw bro. ngayon lang uli me nagkarun ng maraming time para magnet. tas wala me internet connection, yung pangnet sa labas eh iniipon ko na lang para pandagdag pambili ng dslr. subrang pagtitipid na tong ginagawa ko para lang sa magandang kamera. hehehe. anu, kelan ka papasyal ng baguio? sabihan mo lang ako ha. bakit mo naman nasabing di ka masyadong hapi? dahil ba sa wala kang ka date? ok lang yan bro kasi di ka nagiisa. parehas lang tayo! hehe

        • ok lang pre naiintindihan kita..

          mabibili mo din yun🙂

          matatagalan pa cguro ang pagpunta ko ng baguio.

          natawa naman ako dun sa marami naman tayo..wahahaha

          ako na selfish😄

  11. natawa naman ako sa dulo. anyway..ako inggit sa mga nbsb na babae. =D

    “..Hanapin mo ay iyong tao na hindi man perpekto pero handang makipag date sa’yo sa bawat araw ng buhay mo.” – super like.

  12. hehe.. kulit ng “It’s Complicated” saka “FwB” … Parang makatotohanan!!! ahahaha!!!😀

    Nakakatakot naman ung na post mo na number mo… Pede bang isulat ko sa dingding ng isetann mall yan?…
    😀 juk!!!

    • wag kang magalala sadyang kinulangan ko ng isa ang number ko…

      hulaan mo na lang kung sa huli sa gitna sa bandang unahan isisingit ang missing number..hahaha
      🙂

  13. lakas ng tawa ko dun sa It’s Complicated!!! so true. LOL

    advanced happy balentayms post na ba ito?

    although maganda ang iyong mga payo sa may mga kasintahan/asawa.

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s