Ang Superman ng Manila

Dahil bagot na bagot na ako sa bahay at napagtanto ko na sobra na pala ang pag-eemote ko. Naisipan pero hindi ko pinagplanuhan na mag JOB HUNT. Hinanda  ang materyales (earphone , Cellphone, Resume , Bolpen, tubig , Biskwit , Kendi, Panyo , at ilang gamot. ) nilisan ko ang kabundukan , tinawid ang karagatan at sinuong ko ang siyudad ng mag-isa.

Dumating ako ng 9:00 am sa kabila ng aking appointment na 8:30am . Ayos lang madaming aplikante kaya hindi pansin ang pagka “PUNCTUAL” ko ..hahaha. Ano ba yung Punctual?

Konting kaba, maraming gutom. Konting kaba maraming inip. Yan ang nararamdaman ko hanggang sa tawagin na ako upang kapanayamin (oha! Tagalog na tagalog)


Kapanayaman Interview Portion:


Interviewer:  Tell me something about yourself that is not written in your resume?

.                          (At dahil alam kong hindi niya pa nabobrowse ang resume ko

.                          sinabi ko pa rin ang mga nakasulat doon. )

Bagotilyo:       I am bagotilyo , bente dos , pogi , tamad , pogi ulit , graduate na at tambay pa rin

I:                        Why do you decided to apply with us?

B:                       Nakakatamad na po sa bahay , mukang ok naman ang pasweldo niyo

.                          at mapagtiyatiyagaan  kaya pinatos ko na din.

I:                        Why should we hire you?

B:                        I am vacant you know , I am hirable and free like Dora .

I:                        What would you do if we hire you today and other company will offer you

.                         50 thousand as your basic salary?

B:                       Hello? Tinatanong pa ba yan? Duh!

I:                        What are your strengths ?

B:                        I am strong like superman. I can do almost anything.

.                           I am also good at multitasking

.                           I can answer  questions in an interview while texting.

.                           ( tunog ng pinipindot na keypad)

I:                        What are your weaknesses?

B:                        Baby its you , You are my kryptonite .

I:                        Are you willing to catch a bullet for the company?

B:                       Ilalagay ba sa baril yung bullet tapos ipuputok o

.                          ihahagis lang sakin parang fetching ?

.                           pls make your questions clear!

                                                                                                     *background music*

 (bruno mars: I Would catch a grenade for yah! You know I do anything for yah!)

I:                             How do you see yourself 5 years from now?

B:                            Wag po kayo magalala ano man po ang marating ko

.                               hinding hindi po ako magbabago😀

I:                             What is your expected salary?

B:                            Basta mas malaki lang dun sa offer ng isang company na 50K .

.                              kahit wala na pong maternity leave.

At dahil 1 day process application lang ito nalaman ko na agad kung pasado ako o bagsak.

Hulaan mo?

Tama ka!

Bagsak ako.

Ok lang kasi andami kong natutunan.

Tip: Iparinig mo sa interviewer ang gusto nilang marinig. You cannot be 100% you in a job interview. ( magsinungaling kung kinakailangan)

Kinabukasan inadd ako sa facebook ng aking interviewer at niyaya niya akong makipagmeet bibigyan niya daw ako ng mga tips. Sisiputin ko ba siya? Naniwala ata na ako si superman at siya ang kryptonite ko.

bagotilyoslashsuperman

P.S. Lalaki din ang aking interviewer . (ewan ko lang kung lalaki nga siya hehhe)

57 thoughts on “Ang Superman ng Manila

  1. For reals ba tong interview mo? Parang bob ong ang dating! Hahaha! Oo, ako ngayon pa-tweetums sa work, kasi ako pinakabata, medyo kailangan pacute ako. Hirap mag-angas sa bagong work. Nababaon na tuloy ang tunay kong pagkatao. LOLs!

  2. “ang sweet nya Binigyn ka ng tip, hehe! peo mali din sya dka na nga nkapasA inAdd kpa sa fb’HALer,taz gus2 ka
    nya mMet

  3. hello, bagotilyo,

    like ko ‘to… hmmn, oks lang ‘yon. para malaman mo kung ano ang mga kulang or mintis sa mga sagot mo. basta hwag kang papayag pag pagkatapos ay inaya ka ng date, err, inuman pala.

    go ka lang, kapatid. your heart will go on, sabi nga.^^

    have a good weekend, valentines is just around the corner, haha. brace yourself, kapatid! 🙂🙂

    • tama ka , after naman nung interview marerealize mno yung mga kulang o hindi magandang sagot mo..

      lesson learned.

      hindi naman ako excited sa valentines,, hahah

      salamat sa positibong komento.🙂

  4. tiis-tiis lang at practice. ako weakness ko naman ay exam. siguro dahil mas madaling mambola kaysa mangopya. hohoho!

    at least ang sweet nya ha, bibigyan ka pa nya ng tip. pero in a way, nakakapag-isip din yang ganyang offer. hohoho!

  5. Pumasa ako sa exam dun sa inapplyan ko, pero nung interview na, bumagsak ako. Gustung-gusto ko pa naman dun. Sayang talaga. Hehe!

    Hanap na lang ulit, pre. Hehe!

  6. for real? kung kaw si superman pwede bang magpasave sayo? charot!!

    natipohan ka ni ser/mem interviewer…hehehe

    sana naging tambay rin ako, parang sarap lang ng buhay kesa maging corporate slave..wala kang choice! yown lang, ithankubow!

    • sige ililigtas kita.

      teka saan ba kita ililigtas? nasaan ang kalaban? hehe

      natipuhan niya ang bigote kong makapal . lolz

      ganun ba ? pinangarap ko pa namang pasukin ang corporate world:/

  7. kung ako ang naginterview sayo, hired ka na iho! ewan ko lang sa interviewer ha matapos kang ibagsak iaadd ka sa facebook at aayain lumabas. ano ba namang klaseng diskarte yun? hay nako.

  8. sayang naman yung opportunity. pero kung ayaw mo pa naman magwork,oks lang yan. pagbigyan mo muna sarili mo kasi pag nagtrabaho ka na, tuluy-tuloy na yan.

    good luck sa date niyo ng tiga recruitment.😛

  9. Hahahaha! Kakatuwa ang interview. :p Pero really, yun talaga mga sagot mo? hehe. “Baby its you , You are my kryptonite” Oh dang, kung ako ang interviewer mo, pinaalis na kita agad ng room. haha!

    Naku, ingat ingat.. baka naniwala ngang sya ang kryptonite mo. Lols.

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s