Tambay’s Thought (Coke edition)

Ano nga ba ang saloobin at nararamdaman ng isang tambay na katulad ko? Matapos magtapos sa kolehiyo at makuha ang diploma ay parang nawalan na ng direksyon ang dating estudyante na puno ng pangarap sa buhay. Walang malinaw , lahat malabo . Para na lang ako ngayong bote ng 1.5coke  na palutang-lutang sa dagat. Tinatangay ng alon .At dahil na din sa kahinaang taglay nagpatangay na lang ako dito. Walang direksiyon. Walang tiyak na patutunguhan. Bumunggo man sa floating ebak na faded na ang kulay at may hindi maintindihang texture dahil sa sobrang pagkababad nito sa dagat ay wala na akong pakialam. Siguro may pakialam pa ko pero wala akong lakas para labanan ang alon. Ang hina ko. (lalo na sa tukso)

Siguro kung titignan ng iba ang posisyon ko madali nila akong husgahan . Madali nilang masasabi na ang simpleng problema ay may simpleng solusyon. “MAG-APPLY KA” . Sa maniwala ka at sa hindi — O sige maniwala ka na lang, hindi ganoon kadali makahanap ng “totoong” trabaho sa propesyong napili ko. Sa dami namin para kaming coke in can na makikita mo kinabukasan pagkatapos ng isang malaking konsyerto sa araneta. Masyado kaming marami . Masikip na ang mundo para sa amin , dapat ipadala na kami sa Mars o sa Jupiter.

Walang sinuman ang may karapatang maliitin ang pinagdadaan ng isang tao. Ang maaring malaki sa kanya ay maliit sa iyo, at ang maaring malaki sa iyo ay maliit sa kanya. Ang coke zero sa kanya ay maaring coke light sa iyo.Wag kang makipag palakihan ng ari pataasan ng ihi sa ibang tao o wag mong ipagmalaki na mas malaki ang biceps mo at kaya mong dalin ang kahit na anong pagsubok sa iyong braso.  Kung gaano man kabigat ang pinagdadaanan niya siya lang ang nakakaalam .

Takot akong walang progresong nangyayari sa buhay ko at takot akong hindi matutunan ang mga dapat kong matutunan sa aking pinagdaraanan . Ito ang pakiramdam kong nangyayari sa akin ngayon.

Siguro isa itong paalala na hindi laging positibo ang buhay. Hindi laging masaya , hindi laging puro tawa na lang , at hindi maaring wala tayong gagawin sa tuwing nanghihina tayo. Hindi langit ang mundo at hindi din ito impyerno. Tayo ay nasa gitna. Kumbaga there is always a taste of heaven and a taste of hell, at kung saan ang mas patok sa panlasa mo dun ka daw mapupunta pagkatapos mong lisanin ang iyong katawang amoy lupa. Haka-haka ko lang yan kaya wag kang mangamba.

Sinulat ko ito para sa pansariling kapakanan. Bagamat may pagkanegatibo ay pinili ko pa rin itong isulat at ipublish para kapag dumating yung panahong ako ay “OK” na. Maaalala ko na ako’y naging isang full time tambay , nalungkot, at dumating sa puntong muntikan ng sumuko . At pag dumating ang panahong iyon alam kong babasahin ko ang post na ito na may ngiti sa aking labi habang  umiinom ng cold coke sa baso ng  Jollibee.

Hindi kabawasan sa kapogian ang pagtanggap ng iyong kahinaan. Sapagkat ang tunay na pogi ay hindi malandi.

BOY PICKUP?

Ngiti lang sisikat din ang bagong umaga😀

30 thoughts on “Tambay’s Thought (Coke edition)

  1. isang malalim na buntong-hininga..I feel you dude..pero ganun talaga, sabay muna sa hampas ng alon, pasasaan ba’t makakarating din tayo sa dapat nating patunguhan.🙂

  2. ako rin ay naging full time tambay din before so naramdaman ko rin siguro ang nararamdaman mo ngayon…

    basta never give up and maging positive palagi. isipin mo walang ibang next sa sadness kundi happiness.

  3. Wag kang mag-alala, ang coke man na lumulutang, pag may laman, meron at merong pupulot niyan🙂 chill, ako gusto ko ng maging unemployed. LOL.

  4. apply lang nang apply. pasasaan ba’t magkakaron ka rin ng trabahong swak sa tinapos mo. kung gusto mo naman ng malaki-laki pero pansamantalang trabaho, naglipana ang call cenahs diyan. konting slang-slang lang, pasok na sa banga. galingan mo sa paghahanap ng trabaho! may the force be with you.

  5. Tama. As long as masaya ka naman, wala kang dapat ikabahala. Pero kung ako sa iyo, gawan mo lang ng paraan. Darating at darating din naman ang tamang oportunidad.

    I wish you all the best. Have a nice day ahead of you!🙂

  6. haha,talagang may pahabol pang

    Hindi kabawasan sa kapogian ang pagtanggap ng iyong kahinaan. Sapagkat ang tunay na pogi ay hindi malandi.

    ok lang yan .hanggang may buhay ay may pag asa.pasasaan ba at makakahanap ka rin ng trabsaho .try mo sa ibang bansa baka andun ang luck mo.

  7. Tinuruan na kita kung paano ka pupuwesto. Hindi mo ata ginawa.

    Nandun ako sa pag-intindi ng kasalukuyan mong sitwasyon.

    Basta alalahanin mo lang, mas marami pang naliligaw ang utak kesa sayo.

    Tama ka, pagdating ng araw…babalikan mo lang ito at..mapapasabi ng.

    di nga, naging tambay ako?
    🙂

  8. Mahigit isang taon na ako dito sa blog sphere at ngayon lnag ak nakabasa ng 96.69 % na nakarelate ako…mahigit isang taon din ako naging tambay nun after ng graduation ko,nararamdaman kita! Apir! ang hirap….

  9. hello, bagotilyo, salamat sa pagdalaw muli.^^

    naibigan ko ang post mong ito. malungkot, matapat at madamdamin. ayos lang ‘yan maski hindi, ahaha. basta, hindi ka permanenteng maninimdim.🙂

    “Walang sinuman ang may karapatang maliitin ang pinagdadaan ng isang tao.”
    Tama, kapatid.🙂 Magandang umaga!

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s