Lumayo Ka Nga Sa Akin

 

by: Bob Ong

 

Nung makita ko ang cover ng book na parang pang precious hearts romance ang itsura ay akala ko na ang tema ng libro ay heavy romance – hindi pala (spoiler lang) hahahha.
Isa ito sa pinaka-makulit na libro ni Bob ong . Dito pinaalala niya sa akin kung bakit isa siya sa mga paborito kong manunulat sa ngayon. Sinulat niya ang isang katotohanan (isang hindi masyadong magandang katotohanan) sa paraang “magaan” , sa paraang hindi masyadong nakaka”Stress” , sa paraang simple pero sapul kung sapul ang dapat tamaan ,at sa paraang matatawa ka sa ilang eksena. Ikinahon niya ang isang katotohanan at binigay sayo ang gunting upang gupitin ang tape na nakabalot sa kahon at buksan ito o maari mo ring gamitin ang gunting para gupitin pati ang nilalaman nito.

 

Para sa mga manunulat , sa mga bloggers , sa mga regular na manonood ng teleserye , para sa mga mahilig mag movie marathon pag holidays , para sa mga model ng billboard sa edsa , para sa mga nagnanasa sa mga model ng billboard sa edsa , para sa artista , para sa tagahanga ng artista , para sa mga taong apektado ng komersyalismo , para sa mga taong tumalikod dito , at para sa mga taong naniniwala pa din sa kahalagahan ng sining. Ang librong ito ay isinulat para sa iyo. Oo para sa iyo😀

 

34 thoughts on “Lumayo Ka Nga Sa Akin

  1. eto next book na bibilhin ko. pinagpilian ko kasi ito saka yung isang book ni ambeth ocampo. enjoy din naman, yung “Rizal Without an Overcoat”. astig din. pero eto isusunod ko. naeexcite na ko. patapos na kasi ko sa book ni sir Ambeth eh. hehehehehe.

  2. wahahaha! akala ko rin kadiring pinoy romance novel. anyway, hindi ko rin bet si bob ong kaya hindi ko pa rin ito babasahin, but i do admit this is quite interesting.😀

  3. ang kulit ng book na to na aksidente ko lang nabili aksi hindi ko alam na may bago ng syang labas na book. hehe tawa ako ng tawa grabe, pero kung iisipin, parang yun nga naman talga ang nangyayari sa mundo ng pelikula at tv diba? malay natin🙂

  4. “Ikinahon niya ang isang katotohanan at binigay sayo ang gunting upang gupitin ang tape na nakabalot sa kahon at buksan ito o maari mo ding gamitin ang gunting para gupitin pati ang nilalaman nito.” ahaha, ikaw na, bagoilyo, ikaw na…

    btw, pinanood ko ang featured video mo, ang galing ni jun, ha. kamo’y tagahanga nya ako, mahusay ang kanyang rendition, clap clap.🙂

    regards sa ‘yow!🙂

    • hahha … ako na, ako naman lagi… ako naman laging nkikita, ako na laging mali..hahaha

      Ang galing niya nga tulo laway ko. buong araw ko nga pinakinggan ang cover niya ng turning tables..adik lang eh.
      😀

  5. Naghihintay ako na may magbibigay nito sa akin. Ikaw ba ang magbibigay sa akin ng libro? Kasi..kasi lahat ng libro ni Bob, binibigyan lang ako. Lol

    • naku tay cge pag ngkatrabaho na ko… kaya lang bka may bago ng libro nun si bob ong yun na lang bibigay ko sayo..

      hahaha..

      P.S hindi akin ang libro , niregalo ko lang siya sa kapatid ko🙂

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s