Ang Baston ni Lolo na may magic powers

 

9:40 PM

Sa kalaliman ng gabi habang ang ibang pangyayari ay nagaganap sa ibang lugar ; May gumagawa ng bata sa Palawan , may namatayan sa batangas , may isinilang na cute na sanggol sa germany , may nag-orgasmo sa isang pampublikong palikuran , may nanakawan sa quiapo , may nagdadasal ng ama namin , may nag-iinuman sa kanto , may pumutok na pimple ng isang dalaga sa Europe ,at may busy sa sa pagbabasa ng walang kwentang blog (gaya nito) —ay pinili kong humiga sa aking kwarto , kinuha ang bolpen na HBW at sinubukang magsulat ng mga random na bagay. Ilang gabi na ding natuyuan ng tinta ang aking bolpen , ilang papel na ang pinilas, ginusot at sabay three points sa basurahan. Pero ngayon gabi dahil tila nalangisan na ang aking utak ay nagsimula na ulit itong gumana. Ang aking utak minsan ay mas tamad pa sa kanyang amo , kailangan lagi ng motivation . (pathetic isn’t it?) – may maisingit lang na English?. hehe  Hawak ang bolpen naisipan kong magsulat ng random na bagay.

 

 

Paano nga ba masusukat ang existence ng isang tao? Sino ang magsasabi sa iyo na sapat na ang ginawa mo dito sa lupa. Na hindi nasayang ang buhay na ibinigay sa iyo ni bathala. Sino nga ba ang magsasabi na tama o mali ang bawat ginagawa mo? Kaninong pamantayan ba ang susundin mo? Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Sino ako? Nasaan ka basilio? Crispin? Wu u?

 

Pero seryoso sino nga ba ang makapagsasabing mali ang pagnanakaw ng isang ama upang ipaospital ang nag-aagaw buhay niyang anak? Sino nga ba ang may karapatang humusga sa isang pusong nagmamahal?
Sino nga ba ang makapagsasabing tama ang pagtulong sa kapwa kung ang perang ginamit sa paggawa ng “mabuti” ay galing sa masama. Pano ba tayo hinuhusgahan ng mundo? Paano ba tayo binibigyan ng pogi points sa langit?

 

 

Sa dami ng mga tanong na pumapasok ngayon sa 512mb kong utak ay hindi ko na alam kung ano pa ang may kabuluhan. O kung mayroon pa nga bang may kabuluhan sa mga tanong na wala namang eksaktong kasagutan.

 

Tayo ay nakatira sa isang mundo na napakaraming “demands” kung saan ang paggawa ng dapat ay tama at ang paggawa ng hindi dapat ay mali. Isang mundong nagbigay kahulugan kung ano ba ang dapat , kung ano ba ang tama , kung ano ba ang hindi dapat , kung ano ba ang mali. Ngunit ang pamantayang ito ay pamantayan lang ng mundo — pamantayan ng tao. At hindi ito ang parehong pamantayan ng taong lumikha sa iyo. Kung lagi mong iisipin ang sasabihin ng iba kailanman hindi ka magiging Masaya.

 

 

At para makasigurado akong hindi ka nag skipread. Mayroon akong ilang katanungan na maari mong sagutin ngayon din. (timer stars now!)

 

 

  1. Ano ang pogi points sa langit?
  2.  Bakit mo nasabing walang kinalaman ang title ng post na ito sa nilalaman nito? Gawan ng thesis ang iyong kasagutan.
  3. Gaano ka random ang post na ito?
  4. Paano nga ba masusukat ang existence ng isang tao? Convert your answer in centimeters (cm). ilagay ang computation sa baba.
  5.  ilang beses ako gumamit ng takdang pananong sa post na ito?

 

Ang larawan po ay hindi ko pagmamay ari

10 thoughts on “Ang Baston ni Lolo na may magic powers

  1. Haha! Sorry I would not be able to answer your questions about the post, but I read this post, honestly. I believe that one’s existence matters in as much as everyone else’s. No need to elaborate, but then again, this is one of the most exciting topics to deal with.

  2. like ko ‘to. like. ahaha, may hbv rin akong bolpen, galing sa isinarang tindahan ng ate ko, ahaha. at gusto ko sya, pramis. maski ako’y isang medyo (medyo lang) suplada pagdating sa bolpen-bolpen, ahaha.

    try ko ngang gamitin mamaya at baka makagawa rin ako ng belief-changing, earth-shaking na post, ahaha…🙂

    saan nga binili ang baston ni lolo?

  3. San ko ise-send yung thesis? Sama ko na rin yung computation ko para ma-convert yung existence in centimeters, nilagay ko na rin yung inches para plus points.

    Natuwa ako sa title, parang Power Rangers. Saka yung mga random happenings mo, in-imagine ko kung sa isang kwarto lang yon nangyari… Ang galing siguro! Hahahaha!🙂

    • wow ambilis mo gumawa ng thesis , sana naging ka group kita nung college sa pag gawa ng thesis..hehehe

      btw , send mo n lang yan sa senado baka sakaling makaapekto yan sa impeachment ni corona.

      haha ang lupet non kung sa isang kwarto nangyari ayos ang imagination ah.

      ang random din ng comment ko..ano bang problema ko?

      hahaha

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s