Ang Projectburger , ang iba pang mga blogger at Ako

 

Disyembre 19,2011

6:32 pm

 

 

Malamig na ang simoy ng hangin…

 

Ramdam na ang kapaskuhan sa kapaligiran…

 

May mga Christmas lights na sa mga bahay….

 

Maingay na sa gabi dahil sa mga nangangaroling…

 

Merry Christmas mambabasa…

 

 

Isang araw sa buwan ng Disyembre lumuwas ako patungong Quezon City upang katagpuin ang aking mga maituturing kaibigan sa cyberworld. ( Ang mga bloggers na perstaym kong makikita ng live personal). Ang aming pagkikita ay hindi lang basta eyeball dahil kami ay nagtagpo tagpo para sa isang layunin. At yun nga ay ang Projectburger na pinangungunahan ni beauty queen ala shamcey na si miss ESSA Payoyo.

 

Sa Quezon Memorial Circle naghanap kami ng mga bata at taong bibigyan ng burger at juice.  Random ang pagpili at pramis hindi kami naging judgmental kung mayaman ba ang pagbibigyan namin o hindi. Pramis talaga. Walang panghuhusgang naganap . hahaha.

 

*Oh wag yan mukang mayaman yan *

 

Isang simpleng kabutihan upang ipaalala ang tunay na diwa ng pasko ; Ang PAGBIBIGAYAN.

 

Babala: Hindi po totoo ang caption. pramis. :p

 

Hindi namin ininda ang pagod ,  pawis sa kili-kili at haggard na muka dahil sa ilang rounds naming pag-ikot sa QMC. Ang mahalaga nakapagpasaya kami ng mga bata at ng ibang tao. Alam kong hindi lang kumakalam na sikmura ng mga bata , magtataho , manong sorbetero etc. ang nabusog namin kundi pati ang puso nilang napuno ng kaligayahan.

 

Alam mo yung priceless na ngiti?

 

Yun ang kadalasang natatanggap naming kasama ang salitang “salamat”.

 

At yung mga reaksyong aming natanggap ay tunay ngang walang kapantay. Isang kaligayahang hindi matutumbasan ng kahit na ano pang yaman sa mundo. Napasiya namin sila pero para sa akin mas napasaya nila ako dahil sa tagal tagal ko ng nakikipag-agawan ng oxygen dito sa mundo ay naramdaman kong may silbi ako , na ang simpleng si bagotilyo ay may pakinabang din pala sa iba. Akala ko nga tutubuan na ako ng pakpak tapos bubukas na ang langit tapos maririnig ko ang “MAHIWAGA” na version ni Angeline Quinto.

 

Muli nagpapasalamat ako sa mga bloggers na nakasama ko sa gawaing kailanman ay hindi ko makakalimutan. Sa organizer na si ESSA , tay jkulisap, Pakyu PaQ , Jayrulez , Shy, ate mads , at idol Joey.

 

Nakakatuwang isipin na may mga taong handang gumawa ng kabutihan na hindi naghihintay ng kapalit mula sa iba. Salamat at natutunan ko na hindi dahilan ang pagiging abala mo sa buhay o sa trabaho , o sa eskwela o sa pagtoma para kalimutan mong gumawa ng kabutihan sa iba. Hindi mo kailangan ng costume ni santa , o yaman ni Gloria para tumulong sapagkat ang paggawa ng kabutihan ay walang requirements . Wala itong pinipiling tao , walang pinipiling oras , walang pinipiling lugar. “ just do it your way , just do it with your own simple way “ ( oha English ). Lahat tayo may pagkakataong tumulong pero hindi lahat nakikinig sa tawag ng pagkakataon. Ang damot mo pag pinagkait mo ito.

 

mission accomplished

 

…………………………………………………………………………………………………………………………………

 

 

Pagkatapos ng aming good deed ay sumakay kami ng jeep papuntang trinoma. Paskong pasko na talaga dahil sa dami ng Christmas lightsssss doon. Doon kami nagkaroon ng munting salo-salo. Konting kainan , madaming tawanan , konting kwentuhan , madaming tawanan , konting biruan , madaming tawanan , konting inuman (konti lang talaga kasi naubusan sila ng tanduay ice) at talong na pulutan.

Sa uulitin kaibigan…

 

 

Oo may kasunod pa ito🙂

 

Maligayang bati Pasko  sa lahat.

 

Maligayang Pasko

 

18 thoughts on “Ang Projectburger , ang iba pang mga blogger at Ako

  1. Pingback: Para sa Pasko « realdale

  2. parang may nabasa na rin akong ganitong post sa ibang blog. pareho rin ng content at pictures. kay shyvixen ata ‘yun? lol!

    nakakatuwa naman ang project burger niyo. sana magtuluy-tuloy na ‘yan hanggang sa dulo ng walang hanggan. hehe. tas lumevel up na para maging happy kiddie meal.XD

    pakisabi kay ser jakul, musta. at merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms na lang sa’yo, pre. m/

    • oo pare magkasama kami nila shyvixen dito…

      Oo pare sana dumating ang panahon house and lot na ang ipamigay nmin..hahhaha

      makakarating ang panganga musta mo kay tay jkul .. pang buong taon na yang greetings mo sakin ah..wahhahha

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s