And your Final Diagnosis is not Final … (ano daw?)

At nagpatuloy pa nga ang  journey ko sa clinic . Napapadalas na ang duty ko dito at kagaya sa mga nakaraang adventures ko madami pa rin akong nakikilalang pasyente at “muli” sila’y aking inobserbahan.

Ang aking teritoryo .. hehe


THE FOREYN-GER

Sila ay hindi natin kalahi at ramdam mo ang pag struggle nila sa English language.

.

Patient: You responsible to get Record? I will not , but let me talk to doctor last . We discuss my situation later.

Ako: *shocked* – *confused* – *disoriented* – *speechless*

Patient:  You understand?

Ako: Parang napossess na lang at napa “Yes” ( with nosebleed , hematoma, stabbed wound with massive amount of bleeding at pakiramdam ko kung my female organ ako nag menstruation na ko ng wala sa oras)

At nang pinasulat ko siya ng pangalan para kuhanin ang kanyang record….

Patient:  You not understand me.

Ako: ………….

Ramdam ko ang kanyang disappointment. Agad namang lumapit ang babaeng kasama niya at pinaliwanag ang ibig sabihin ng Pakistani look alike na pasyente.

.

First lady: Sabi niya , kung sayo ba daw nagpapalista para makipagappointment kay doctor? Hindi naman siya magpapacheck up gusto niya lang makausap ang doctor mamaya pag wala ng tao para pag-usapan ang kanyang medical history.

.

Nagmistulan akong banyaga sa aking sariling bansa. Alam mo yung pakiramdam na nagmuka kang tanga kahit na hindi ka naman dapat magmukang tanga? Parang tanga lang.

.

.

THE PATIENT WITHOUT PATIENCE

Sila yung mga pasyente na bugnot agad pagpasok. Sila ay sobrang mainipin , suplada at hindi cooperative.

.

Ako: pasulat po pangalan ninyo sa logbook.

Patient: Ikaw na.

Ako: Ano ako utusan? (Ako naman itong uto utong sumunod.)

Ako: Ano pong papacheckup ?

Patient: wag mo na nga akong tanungin si doctor na nakakaalam niyan. Akin na yung record ko.

Ako: Kuhanan ko na lang po kayo ng Blood Pressure.

Patient: Wag na , dun na lang sa loob.

Ako: Kanina ka pa ah? Ano bang problema mo? ( siyempre sa isip ko na lang yun)

Patient: Matagal pa ba ako.?

.

Nakita niya naman na andami pang naunang pasyente at kararating niya lang. Anep talaga. Tatanda ako ng maaga kung puro ganyan ang pasyente ko.

 Bago siya lumabas ng clinic gusto ko sana siya sabihan ng “come again” Kaya lang baka maoffend siya at isipin niyang gusto kong lagi siyang nagkakasakit para lagi siyang bumalik sa clinic. *evil Laugh*

kasing sungit ng sign na yan si ate🙂

.

.

THE DETAILED MAN

Sila yung mga dapat na saksi sa mga krimen dahil sa kanila walang detalyeng nakakaligtas. Lahat ng impormasyon ay kanilang sinisiwalat . Fearless!

.

Ako: tay ano po ang papacheck up?

Patient: Yung sipon ko , Grabe nga eh tulo ng tulo , kulay puti siya na malapot . pinapampunas ko na lang itong panyo kong yellow na may tatak na spongebob.

Akala ko ang susunod na sasabihin niya ay gawa ang panyo ko sa 100% cotton na nilaban ng aking misis gamit ang downy na may antibacterial at sinampay sa aming bakuran , mga limang oras din bago natuyo ang nasabing panyo. Blah. Blah. Blah.

.

.

THE SINGLE LADIES ( Lets take it Slow)

Sila yung mga may pagka slow sa pagsagot ng mga tanong . kumbaga sa computer Pentium 4  , 512 mb at maghahang pagsabay sabay ang iyong mga tanong.

.

Ako: Ano pong buong pangalan?

Patient: ANA NIMUS

Ako: Gitnang pangalan po?

Patient: Pangalan? ANA NIMUS nga.

Ako:  Middle name po?

Patient: “R”

Ako: Buuin niyo po.

Patient: ANA R. NIMUS

Ako: Yung apelyido po ng dalaga? Ano po?

Patient: Dalaga pa ako hanggang ngayon .. Pwede ba mahingi number mo?

.

.

THE LINGUIST (did it again)

Madalas sa madalas sa akin nalapit ang mga pasyente para magtanong kung mayroon ba kaming tinda ng ganitong gamot o papabasa nila sakin yung brand name para pagpunta nila sa pharmacy sa aking may likuran ay alam na nila ang sasabihin nila.

.

Pagkabukas ng sliding door ay agad nagsalita ang patient?

Patient: may iks Rhee kayo?

Ako: ????? Ano po? Gamot po yan? Tanong niyo na lang po dito sa pharmacy.

Patient: Hindi.

Agad niyang inabot sa akin ang isang maliit na papel:

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

LMAO

Ako: I wanna LMAO . Wala po kami niyan pero po Blood KIM meron kami.

.

Yung iba panira ng mood , yung iba pampaganda ng mood. Lahat ng tao iba-iba subukan mo silang obserbahan siguradong mababaliw este maaliw ka.

At alam ko magpapatuloy pa din ang journey ko sa clinic…….

.

ENDORSED.

4 thoughts on “And your Final Diagnosis is not Final … (ano daw?)

  1. Ako si Detailed Man, kaya naaasar ako sa doktor na ako pa ang mas madaldal, di ba kaya sila doktor sila ang manggagamot? Dapat alam na niya kung ano ang sakit ko, bakit kailangan pa akong tanungin?

    LOL. Basta makulit ako kapag nakakausap ko ang doktor

    Pero kapag may reseta na ako, di ko na iniinom.😄. TnT

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s