AND YOUR FINAL DIAGNOSIS IS….. (REPOST)

 

Sisimulan ko ang kwento ng aking munting website sa aking napiling propesyon. Ako ngayon ay tambay POGI , palamunin, pensyonado at parasite sa lipunan. In short walang regular na trabaho.Hanggang sa isang araw nag text ang isa sa mga colleague ko at tinanong nya kung pwede ba raw akong magbenta ng shabu este kung pwede ba raw akong magrelieve as medical secretary sa isang clinic. Siyempre nag peso sign ang mata ko at agad na napa “OO”. Easy to get din ako minsan eh.

 

Sa ngayon siguro may 50 days na kong nakakaduty dun ng paputol-putol. Part time job talagang matuturing. Sa bawat araw na pag duty ko dun nakakakilala ako ng higit sa 40 na pasyente at dahil dun natutunan ko silang obserbahan. Iba’t iba rin pala ang klase nila at uri.Ito ang ilan sa kanila:

THE TALKER

Sila yung mga pasyente na parang pipi dati at ngayon lang ulit bumalik ang boses. Parang armalite ang bibig nila at hindi sila nauubusan ng kwento. Free flowing naman ang conversation.Yun nga lang siya lagi ang bida.

Ako: Ano pong papacheck up nay?

Patient: Inuubo kasi ako.Sabi ko nga sa anak ko wag na kong
mgpacheck up siya itong mapilit.Pagtapos ko nga dito pupunta na ko ng palengke
para bumili ng sangkap ng sinigang.Paborito kasi yun ng anak ko.

Ako: (used of silence) ….

Gusto ko sana siyang singilin ng tong , kanina pa kasi Bangka nang bangka.

ANG MGA LUTANG

Sila yung mga pasyente na walang matinong sagot sa isang
matinong tanong.

*Interview portion with the patient

Ako: Pangalan po?

Patient: ko?

Ako: (hinde!hinde! pangalan ko.ako ang papacheck up eh =D)
OPO

Patient: mariLU TANG

Ako:  Ano pong papacheck up ninyo?

Patient: oo.Papacheckup

Ako: ano nga pong papacheck up nyo?

Patient: Lagnat.

Ako: ILANG ARAW na po kayo nilalagnat?

Patient: Matagal na….

Ako:  ……

Patient: Bakit pala wala yung medical secretary nila ngayon?

Ako: Absent po kasi siya.

PAK.!! Nakabawi din. Bwahahaha

 

THE LINGUIST

Ito yung mga pasyenteng may kakaibang language na gamit.Mali ka! Hindi gay language ang pinakakawalan nilang litanya. Malupit pa dun.

Ako: ano pong papacheck up?

Patient:  Cheese Pen.

Ako: ?????      ano po ulit?

Patient: (humawak sa dibdib) Cheese pen nga lalo na pag-naubo.

Ako: (walang reaksyon pero ang totoo gusto ko nang mag ROTFL) :D

Sana sinabi nya na lang na masaket ang debdeb niya lalo na
pag na-obo di sana gets ko na agad.

THE EMOTERO/EMOTERA

Akala ko ako lang ang emotero pero madami pa palang miyembro
ng grupo kahit mga senior citizen.

Ako: hintayin lang po natin yung resulta ng urinalysis nyo.

Patient: ah ok sige. Hirap talaga pag tumatanda na. Naglalabasan
na ang sakit.Ikaw ba ilang taon ka na?

Ako: 21 po, mag bebente dos.

Patient: ah kasing edad mo yung anak ko.

Ako: (tumango)

Patient: para kang yung anak ko.

(sabay tingin sa malayo na parang nagrereminisce with teary eyes)

Music on cue:  Its not time to make a change just relax

take it easy your still young that’s your fault…………

Di na ko nagtangka pang magtanong pa. Baka bumaha ng luha sa clinic at maipadala ko pa ang istorya niya sa MMK.

THE THANKS GIVER

Sila yung bawat gawin mo magpapasalamat.Paulit-ulit ,
Paulit-ulit , Paulit-ulit. Ang sarap sa tenga nung mga salitang yun pero ang
mga sumunod na pangyayari ang mas masarap sa bulsa este sa puso pala.

Kakatapos lang nila magpacheck up , lumapit yung P.A. ng
pasyente sakin kinamayan ako (tatakbo ka teh?)

P.A.: Salamat ha.

Ako: ok po.

Nagulat ako kasi may kalakip na pera yung kamay nya (bente
pesos). Na touch ako hindi dahil sa amount pero dahil sa appreciation
niya.Nakakaantig ng puso.Teka ang arte ko na .di bagay.Goose bumps.

Palabas na sila ng clinic at hinabol ko sila.

Ako: ate oh .di po ako tumatanggap nyan.

P.A: bakit?

Ako: kasi po hindi ako mahilig sa kulay orange . Blue or
yellow po favorite color ko. (syempre sa isip ko lang yon)

Ako: (nginitian ko lang sila ng matamis) DIABETIC SMILE =))

Ako: ok lang po un. Godbless po and keepsafe.Textback asap.

Ibang level ang kabanalan ko nang mga oras na yon.
Naramdaman ko yumanig ang lupa at bumuka  ang semento nakita ko ang guardian devil ko na naka dirty finger sakin.Papatulan ko na sana pero inawat ako ng guardian angel ko at binigyan  ng full body massage with valium , dahil don agad agad nya akong napakalma.

Ang  journey ko sa clinic ay magpapatuloy …ewan ko lang kung
kelan ang susunod……

 

 

……………………………………………………………………………………………………………………………………..

Napili ko ang Post na ito para isali sa patimpalak ni GILLBOARD dahil ito ang aking unang unang post bilang isang blogero. Dito nakikita ang kahilawan ko sa pagsusulat at ang aking enthusiasm😀 —> tamang looking back lang ..awts.

15 thoughts on “AND YOUR FINAL DIAGNOSIS IS….. (REPOST)

  1. Bagotilyo, I work at Baskin and Robbins( ice cream parlor ) and I tell you, each person belonging to a certain race and age has their own flavor preferences, I swear. When I see an African -American old lady, I can bet all the coins in my piggy bank she’s gonna order pistachio. A middle -aged white guy will order choco with nuts and fudge on top, Hispanics will order strawberry.

    Power of observation, haha.

    Cheers !

  2. hahaha.. natawa naman ako dun.. ngayon ko lang narealize na may ganyan palang pasyente sa pinas.. toinks! parang di ako nagtrabaho sa UST ha… d2 kasi sumasakit ulo ko sa lenggwahe ng mga arabo.. buti na lang naka adjust naku mag dadalawang taon na din ako d2… nasa medical field ba ang course mo?

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s