ONE SIDED LOVE part 5 : Conclusion

 

Gustuhin ko mang palitan ang title nito at gawing “SOLUTION” sa halip na “ CONCLUSION” ay hindi ko kaya sapagkat iba-iba ang tao at hindi masusukat ang kanilang nararamdaman. Kung gaano katindi ang iyong pagmamahal sa isang tao ay walang nakakaalam , ikaw lang. At dahil ikaw lang ang nakakaalam ay tanging ikaw lang din ang makapagbibigay solusyon sa “lintik” mong problema. Pwede kang humingi ng opinion sa iba pero sa huli desisyon mo pa rin ang masusunod. Ang pagtanggap ng payo mula sa iba ay parang alarm clock sa umaga. Gaano man kalakas ang tunog nito ; gaano man kaganda ang words of wisdom na ibinibigay nila sa iyo. Kung ayaw mong bumangon , hindi ka babangon ; kung ayaw mong makinig hindi ka makikinig.

Ikaw ang boss ng buhay mo at sa huli hindi opinyon ko o opinyon nila ang mahalaga kundi ang opinyon mo at ang nararamdaman mo.

 

Subukan mong tignan ang sitwasyon:

 

Hindi naman ang pag “exist” niya sa mundo ang problema kundi ang sarili mong naniniwala na imposibleng maglaho ang nararamdaman mo para sa kaniya at sa kabilang banda alam kong ayaw mo ring mawala ang nararamdaman mo sa kaniya. Masokista?

 

Ang unang paraan para kalimutan siya ay ang  pagtanggap na ikaw lang ang nagmamahal at ang pangalawa ay ang pagdesisyon mo na humakbang para patayin ang mala-ipis na nararamdaman mo. ( akala mo minsan patay na , yun pala buhay pa) at ang iba pang paraan ay nasa diskarte mo na. Kung sakaling sa kalagitnaan ng proseso ay maging matigas muli ang iyong ulo sundin mo lang ang genius na payo ko. Ibaba mo ng konti ang katigasan ;

Simulan mo sa matigas na mata. Tapos matigas na ilong.matigas na bibig.matigas na leeg hanggang umabot sa Puso. Kung gusto mo pang ibaba bahala ka na , sa iyo yan hindi sa akin. (Wag masyadong berde ang pag-iisip ang ibig kong sabihin ay ang tiyan, maaari mong i-divert ang atensiyon mo mag sexercise  at i-work out ang abs. Oo ako na ang todo explain)  :D

 

Wag kang mag-alala kasi madali lang muling palambutin ang puso. Lalo na at dumating na ang taong magmamahal sa iyo ng wagas. Iyo sanang tandaan ang kasabihan na:

 

 

“ Walang matigas na tinapay

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa Bakery”…. ( ^^,)

 

 

21 thoughts on “ONE SIDED LOVE part 5 : Conclusion

  1. award na naman sakin! nakumpleto ang series.. ikaw ang bata-bata mo pa, andami mong alam! ang aga mo naglandi noh?! haha.. wag piliting patayin ang damdamin, napapagod din ang puso at naghahanp ng kalinga, eventually, we will find that someone who could reciprocate the love that we can give.. ayun nga lang, may twist and turns tlga bago yan mahanp that makes it more worth the wait and effort, yet another extra mile of effort for it to last poreber!

  2. i beg to disagree.. may matigas na tinapay sa bakery..😛

    pero agree ako about sa pagtanggap ng payo.. ako kasi payo lang ng payo.. pero nasa kanila naman un kung susundin nila o mgpapakamartir sila at gagawin nila ang gusto nilang gawin.. -_-
    anyweiz.. life goes on.. kung hindi ka minahal ng mahal mo, ok lang yan.. ang mahalaga dun, natuto ka at naranasan mo ang magmahal.. ^_^

  3. hello, bagotilyo… balita ko sa ‘yong may guest post ako sa blog ni superlolongpinoy, sa WP rin. di pa nila approved ang request kong buhayin muli ang dpsa. ano kaya ang sama ng loob nila sa akin? ahaha…

    hey, sobrang like ko ang analogy mo – patayin ang mala-ipis mong nararamdaman (akala mo patay na pero buhay pa pala), hi, hi… ikaw na itong love guru, ikaw na!

    regards sa ‘yow!🙂

  4. tama ito kahit mahirap gawin. puwedeng umiyak at pahiran ng di mabuo ang muta. ang buhay ay isang malaking quiapo. hindi mo alam may isang kalye malapit dito tindahan ng mga appliances at abubot. kung papansinin mo lamang hindi mo kailangan makipag-agawan dahil marami namang daan at mapagpipilian. gusto mo pa, kahit sa underpass.

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s