ONE SIDED LOVE part 4: Almost Confession

 

 

 

Hindi lahat umaabot sa sitwasyong ito . Dahil hindi lahat kasing tanga tapang para ipusta ang puso nila. Yung iba hinayaan na lang mabulok sa baul ang nararamdaman nila at hindi na sinubukan pang aminin o ipaalam ang kanilang tunay na nararamdaman.

Kung ikaw ay umabot sa puntong ito , sapat ng pruweba ito na ikaw nga ay hibang naniniwala na ang buhay ay isang malaking sugal kaya naisipan mong umupo sa poker table at magbet ng “ALL IN”.

 

Wala ka na ngayong pakialam sa mundo , wala ka nang pakialam sa kahihiyang aabutin mo . Basta ang importante sayo ngayon ay mahalaga. At ang mahalaga sa iyo ngayon ay importante . Ang gulo ko lang diba?

 

………………………………………………………………………………………………………………………………………

Porket laging may load may jowa na agad? , di ba pwedeng lumalandi lang muna?.”😀

…………………………………………………………………………………………………………………………………….

 

Dahil gusto mong ipaalam sa kanya na mahal mo siya sinubukan mo magpasaring sa pamamagitan ng text.  Hanggang doon lang ang kayang mong gawin sa ngayon kasi alam mong komplikado ang sitwasyon . O mas tamang sabihin na ikaw ang dahilan kung bakit komplikado ang mga bagay bagay. Ikaw ang komplikado, hindi ang sitwasyon.

 

Ito ang ilan sa inyong mga heartfelt na pag-uusap :

 

Ako Ikaw:                              Musta?

Siya:                                       Ok lng nmn

Ikaw:                                      Ano po gawa mo?

Siya:                                       Text lng.

Ikaw:                                      Dami ka bang ka text antagal mo kasi magreply???🙂

Siya:                                       Di nman

Ikaw:                                      Ah ok . Kumain ka na po ba?

Siya:                                      Di pa po. Kakatamad kasi bumili ng ulam sa kanto.

Ikaw:                                      gusto mo ipagluto na lang kita?

Siya:                                       hehe

Ikaw:                                     Ano bang paborito mong ulam?

Siya:                                     * di na nagreply *

 

Music on cue : Kailan by MYMP (acoustic version)

Kailan , Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim.?

 

Kahit blank message walang reply. Tekteng yan sayang lang ang unli. T_T

 

P.S  Ang piktyur po ay kinuha lamang sa www.google.com at ang mga nabasang text ay hindi nangyari sa totoong buhay. pramis!

 

24 thoughts on “ONE SIDED LOVE part 4: Almost Confession

  1. dito ramdam ko ang in denial strategy.. haha.. like it happened in real life.. sinong nauna senyo ni RB? sinong nanghiram ng utak kanino? hehe.. aliw much ako ah..gusto ko tong pag ibig tab mo, pwede pabookbind tapos lagyan mo na din ng autograph. apir!

  2. Napansin ko muna ung video, para masaya. tsaka ako nagbasa. Nagutom lang ako sa text message, kabitin pa. hehe. Parang ok nalang idaan sa gitara bahala na kung may makinig.

  3. naaliw ako, ang pathetic ng sample situation ng isang bata, ahaha! mahirap nga pag umiirog, naman. errr, gumigiliw na lang. basta, kung alin sa dalawa ang mas bagu-bago (mga 50 years lang, haha).

    ganyan lang naman ka-raw ang nararamdaman at sitwasyon pag bata pa. as one ages, di na ganyan ka-delinquent ang sitwasyon, haha. hindi pwedeng text-text lang, ahaha…🙂

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s