ONE SIDED LOVE part 3 : Suppression

 

Oo , sigurado ka na ngayon na hindi lang crush ang pagtingin mo sa kaniya.

 Nagnanasa ka.Mahal mo na siya.

Mahal na mahal…..

 

 

Gustong gusto mo sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo pero natatakot kang tanggihan niya ang puso mong siya lang ang tinitibok. Natatakot kang sumugal kasi alam mo wala kang panalo. Para ka kasing tumaya sa isang lotto outlet at nabigyan ng pekeng tiket.

Ang saya-saya diba?

At dahil pekeng tiket ang hawak mo ay pinili mo na lang na tumahimik at umiwas.

 

Ang bawat minutong pag-iwas mo sa kaniya ay parang katumbas ng araw o linggo na hindi kayo nagkikita. Pilit na pilit ang hindi mo pagrereply sa text , minsan sinasadya mong i-delay ang pagrereply para hindi niya mahalatang sobrang saya at excited mo kasi magkatext kayo. Pero ang totoo kanina pa nakatype ang reply mo di mo lang agad sinesend. Tinitipid mo hindi ang load kundi ang pride mo na hindi mo namamalayang ubos na pala.

 

Pag nagkita kayo sa school , sa kanto o sa trabaho tinatatak mo sa utak mo na hindi na ikaw ang “unang” papansin sa kaniya. Pero matatapos ang araw na hindi mo namamalayang nagpansinan na pala kayo. Sinong unang pumansin? Hindi mo na alam basta ang alam mo Masaya ka kasi nagkausap kayo. ( Ang landi lang?)

 

Hindi madali ang ginagawa mong pag-iwas .

Mahirap kalabanin ang sarili lalong lalo na ang nararamdaman…

Masakit sa dibdib…

Para kang nahihirapang huminga….

 

Pero kailangan mong panindigan ang nasimulan. 

 

Sa tuwing umiiwas ka at lumalapit siya talo ka kasi nahuhulog ka na naman. Sa tuwing umiiwas ka at deadma siya pakiramdam mo mas talo ka dahil sa sakit na iyong nararamdaman. Ano man sa dalawa ang gawin niya pakiramdam mo talo ka.

 

  Loser!😀

 

Takot kang sumugal pero hindi mo alam nakataya ka na gamit ang puso mo. Hawak hawak mo ngayon ang pekeng tiket umaasang mapanalunan ang jackpot prize……………..

 

Ang PUSO NIYA.

 

 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

xerox lang?

 

BAKIT DI MO KASI NAPANSIN NA XEROX COPY LANG PALA ANG NABIGAY SAYONG TICKET?
deym!

color blind?

 

 

photo from: www.google.com 

19 thoughts on “ONE SIDED LOVE part 3 : Suppression

  1. syempre, itinuloy ko na ang pagbabasa, sabi nga sakin, there is no right time, its just the now. Eto na yung mga panahong nagagamit ko ang MInd Over Matter strategy, put logic not emotion nang hindi umaasa at nganga😛

  2. ipagpaumanhin mo huh, hindi ako binabasa ang tatlo magkakasunod mong entry about one sided love, kasi parang me idea na ako, title palang eh, baka malungkot lang ako, wahahahaha

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s