ONE SIDED LOVE part 2 : Awareness

 

Sa puntong nahahalata mo na hindi ikaw ang priority niya pilit kang gumagawa at umiisip ng dahilan kung bakit ganoon na “lang” siya sa iyo o maaring ganun na talaga siya sa iyo simula’t sapul. Ikaw lang itong feeling at mapaghangad.

 

Dahil nasasaktan ang puso ay pilit itong hihingi ng tulong sa utak upang mag-isip ng posibleng dahilan kung bakit di ka niya mapansin man lang. At dahil magkatropa sila ay agad-agad gagawa ang utak ng dahilan para ikaw ay mabuhayan ulit ng loob at umasa. Umasa sa wala.

 

Naiisip mong maaring:

 

1. Nahihiya lang siya.

2. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan ninyo.

3. Torpe siya / dalagang pilipino pilipina siya.

4. Di pa siya handa at Masaya pa siya sa single life niya at ayaw pa niya ng commitment ( sa ngayon)

5. Bumubwelo lang siya para umamin ( lintik na bwelo yan 3 years na!)

6. Iniiisip niya na di kayo bagay  Langit ka Lupa siya. O maaring kabaliktaran hahaha..

7. At ang pinakamatindi mong ilusyon : natatakot lang siyang tanggihan mo ang alay niyang pag-ibig ( lupet mo!)

 

Denial mode ang tawag diyan. Alam na alam mong walang pag-asa na mahalin ka niya pero ikaw itong kung makakapit sa nararamdaman mo ay kainaman. Hanggat may konting dahilan at hanggat may konti kang pag-asang  nakikita hinding hindi ka bibitaw. Gamit na gamit sa iyo ang “think positive ; wag kang aayaw” na linya. Kung gaano kalambot ang puso mo ay siya namang tigas ng ulo mo.

 

At dahil hindi ka na niya binibigyang atensiyon ikaw itong gagawa ng effort para mapansin ka niya. Tapos naiinis ka  pag wala kang nakukuhang atensyon mula sa taong iyong inspirasyon.

“Wala kang karapatang magalit kung hindi niya masuklian ang effort at atensiyong binibigay mo kasi unang una hindi niya ito hiningi. Kusa mo itong ibinigay.

Sa sakit ng pang dedeadma niya sa iyo madalas mo siyang bansagan na “Manhid” pero hindi mo ba naisip na baka ikaw yung manhid dahil hindi mo maramdaman na hindi siya interesado sa iyo. Na ang puso at mata pala niya ay nakatingin sa iba.

 

 

Minsan masakit marinig ang katotohanan pero kailangan mo itong marinig. Hindi para masaktan ka lang kung hindi para malaman mong may mga bagay talaga na kahit gaano mo ipilit ay hindi mangyayari . Kahit gaano mo pag sumikapan ay hindi mo makakamtan at kahit gaano mo kagusto ay hindi mapapasa’yo.The truth hurts  — Let pain teach you lessons you’ll never forget.Para hindi na maulit.

 

SANA………

 

baby it hurts T_T

 

Disclaimer : ang Picture ay hindi sa akin ( nakuha ko lang somewhere in facebook)

25 thoughts on “ONE SIDED LOVE part 2 : Awareness

  1. Hong saklap naman pag ganito ano…
    Ewan ko lang ha… kasi usually kaming mga girls nag hihintay lang…
    mas mahirap kaya ang maghintay at umasa tapos ala naman pala…kesa yung sa part ng lalaki na sila ang lalapit …

  2. sabi na eh.. ayoko munang basahin! arghhh… hmm.. pag naabot na ko sa ganitong point, i remind myself naman na its not right.. para sa tulad kong mababa ang tolerance sa pain, id rather ignore the feeling and get over… kesa nman mag emote ako tapos yung other party ay deadma lang.. thats effin’ UNFAIR.

  3. “Wala kang karapatang magalit kung hindi niya masuklian ang effort at atensiyong binibigay mo kasi unang una hindi niya ito hiningi. Kusa mo itong ibinigay.” <<<<ito yun eh.

    ikaw na talaga. you already. ekspertong eksperto kapag lablayp. hahaha

  4. napaiyak tuloy aq! naalala ko lahat2. haha! “the truth hurts, Let pain teach you lessons you’ll never forget.!” tama! gaya ng nraranasan k0 n0w! wahah! sabi nga diba “every problem has a solution while reality has none, A problem is meant to be solved and reality is meant to be accepted.”! 0uch! minsan talaga kailangan tanggapin na kahit an0ng gawin at pilit mo pag hindi talaga para say0 hndi mapapasay0 kahit kailan! wahahh!😥

  5. nice quote!

    dahil nabasa ko ang part 1 nmagcocomment rin ako sa part 2🙂

    Minsan madaling sabihin na bibitiw ka na.. pero ang totoo, yun ang pinakamahirap gawin sa isang one way relationship🙂 *talking from experience*

  6. Binasa ko po ‘yong una, ang husay husay nyo po.

    Ang ganda din po nito.

    Nangyari na po sa akin ito eh. Kakarelate po ako
    🙂

  7. hello, bagotilyo…

    ang ganda nito, pramis. ang husay mong mang-okray, as in… ikaw na ang subject matter expert (sme) sa unrecquited love, ikaw na!

    seriously, i love the way you put things here. keep up the excellent write-ups. btw, baka next week ko pa mabuksan ang aking kabahayan, ahehe… nakikibasa muna. basa-basa…🙂

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s