Sabi nila lahat ng bagay may pinagmulan. Kumbaga sa uling hindi ito magbabaga kung hindi mo aapuyan at papaypayan. Walang taong naiinlab ng basta-basta. Pero may mga taong patuloy na nagmamahal kahit hindi sila mahal ng taong itinitibok ng puso nila. Hindi ako prangka pero martir ang tawag sa amin kanila.
Pano nga ba nagsisimula ang trahedyang ito?
Kagaya ng ibang successful Love Stories ay ganoon din ang pagsisimula ng traumatic at painful experience na ito. Yun nga lang hindi Fairy tale ending yung sa inyo , dito nagwagi ang witches at ang mga kontrabida — at ikaw na may maamong mukang pang bida ang naiwang sawi at luhaan.
Nagsimula ito nung kayo’y magkakilala at magkapalagayan ng loob. Konting biro , konting ngiti , konting titig , konting reply sa text at madaming hingi ng pasaload , konting pangongopya sa assignments , konting kwentuhan , konting inuman , konting tuksuhan (konting halikan) , konting pagtabi sa’yo sa jeep , konting like ng post mo sa FB at lahat pa ng konting ginagawa niya ay times ten ( X10) pala ang dating sa iyo. Ang peso na binibigay niya sa iyo sa dollar mo kinoconvert.Walang malisya sa kanya pero sa iyo meron. Dito nagsimula mo siyang hangaan at mula sa paghanga yumabong ang iyong nararamdaman. Tila ba ikaw ay uling at ang nararamdaman mo ay ang baga. Mainit , mapusok , malibog , nag-aalab at siya at ang kanyang ginagawa ay ang pamaypay na lalong nagbibigay sindi sa iyong nararamdamang init.
Iba-iba ang tao. Merong sweet sa lahat , meron namang talagang palabiro , friendly , mabait at meron din talagang flirt at paasa. Kung natapat ka sa huli malas mo! Biktima ka! Kung ikaw naman ay yung tipo ng tao na mabilis humanga sa iba kahit wala silang ginagawang extra special sa iyo o yung hinangaan mo lang sila dahil sa angking alindog , artistahing muka , natural na ugali , o galing at talino sa isang bagay. Malamang sa malamang libog lang yan paghanga lang yan. Mabilis mong naramdaman at mabilis ding mawawala . Parang pasaherong sumakay sa jeep at bumaba rin agad kasi nakalimutan ang baon. Kung mauwi ang iyong paghanga sa pag-ibig ay agad ka ng komunsulta sa psychiatrist. (hindi ako nagbibiro iba ang crush sa love dapat alam mo na yun) Kung can’t afford mo naman maari kang komunsulta kay papa jack at sa laki ng problema mo baka mata”jack”an ka din niya sa inis dahil alam niyang alam mo rin naman ang solusyon sa problema mo.
Lagi tayong may pagpipilian sa buhay kung hindi mo choice na maramdaman ang iyong nararamdaman, may choice ka naman para huwag mag mukang tanga at martir sa paggawa ng dahilan para lalo kang masaktan. Wag mong hayaang patuloy ang pagbaga ng iyong nararamdaman lalo na’t alam mo na ikaw lang ang nagmamahal. Para kang uling na patuloy na nagbabaga para sa kaniya , pero sa huli talo ka kasi mauubos ka!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

dear uling,
it all boils down sa maling pag aakala na umiibig na pla.. yun pala, kras kras lang..
hay. in the end, guard your heart hanggat walang kasiguruhan ang mga bagay-bagay kung yaw mong maging abo.. hehe
dear kat ,
masisisi mo ba ang isang tulad ko? inaaapuyan niya ako. hinihipan para magbaga. hahha. Salamat na din sa payo mo. 🙂
-uling
Dear Uling,
Again, wag ka kasing Feeling Hot.
Regards,
Meow
ang daling sabihin eh. mahirap gawin. ewan ko ba. ilang beses na, pero do natututo. or baka ayaw lang matuto kasi umaasa na one day… hay ewan.
tomo. Easier said than done. Pero ayos din yun atleast alam natin na tayo lang talaga ang matigas ang ulo. sana sa susunod matutunan di nanting patigasin ang puso minsan para maka move on. hehehe
ang gulo ng mundo eh. haha
relate na naman! paano ba buhusan ng tubig itong uling na ito! 😀 nakakapaso na. mahapdi. hahaha
ewan ko nga. naligo n nga ako ng balde-baldeng tubig wala pa rin .wahahha
True. 🙂 Hehe. any suggestions to read?
isusuggest ko na tong blog ko na galugarin mo ..wehehehe 🙂
sure 🙂 gagalugarin ko.
salamat po 🙂
Mahusay, at pasok sa banga… mula sa aking naramdaman at pinagdaan? Patok na patok.
relate? hehhee .. apir tayo jan 🙂
Maraming aral ang post na ito a. Salamat!
wow .. salamat naman po 🙂
Wow ha! Ngayon co lng nabasa to ah, nice… It exist, love is like a horror book, full of mysterious events. Like (:
salamat po. heheh
“hello idol
wla bang bagong update about ur loveLife hehe;)
”
God Bless You:)
wala eh. coke pa din.
kundi sakto zero :)))
Ang galing mu tlga n alala q 2luy nung isang linigawan q 2gma tlga sa posh mu.
heheh .. tsamba lang din :))
kung lhat mag eeffort na basahin to? for sure daming sapul :)) nice one ang galing tlga.. everytime na nagbabasa ko dito madalas akong maka’relate :DD keep it up 😀
salamat sa muling pagbisita pare 🙂
“Henge muna ako ng advice ky papa jack hehe;)
hahah sige sige :p
hahaha traumatic kapag nanghinge ka tlga ng advice kay papa jack lalo na kung tutsunga tsunga ka.. hahaha alam na nga ang dpat gawin ee !
tama … wahhaha … diretso tlga mgsalita yun ..wala ng paligoy ligoy pa 🙂
hello, bagotilyo,
walang bagong update about your lab lyf, kapatid? btw, ita-tag kita, ha? teynk you. 🙂 narinig ko,pumayag ka, ahehe. ^^
hahaha sakin n lng muna yun .. ayiiiee 🙂
itatag saan? ang lakas ng pandinig mo . hehehe
this one is real. minsan tanga lang sa isang sitwasyun na bulag tayo sa ktotohanan..
faVE part ko ang line na eto “Lagi tayong may pagpipilian sa buhay kung hindi mo choice na maramdaman ang iyong nararamdaman”
oo nga minsan lang naman kaya ok na din yun..
salamat pre 🙂
feeling ko tuloy ang tanga ko hahaha 😛
ahha wag kang mag alala marami tayong ganyan ang nararamdaman .. lels.
potek, love story. di ako makarelate. asan na ang part 2 pre. hehe
natawa ako pre du nsa hindi makarelate..
anjan lang yung part two pakalat kalat ..hahahha
weh?… ang heavy ng post na to ah?.. 😀 ahahaha!!! medyo may kurot!!! nyahahaha!!! ok lang yan.. 😀 minsan talaga ganyan ang IBANG babae… 😀
parang leche flan… 😀
minsan sweet… minsan leche…
pero hindi naman yun ang hihinto sa iyo na kumain ng leche flan… 😀
kya nga ba ayoko ng leche flan eh … hahahha
XD
ang lalim.. hehehe
minsan akala mo lang yung paasa na term eh.. ang di minsan napapansin is ikaw lang ang umaasa.. kaya naisip mo na sya ay paasa… :p
oo nga..
may malisya sa iyo sa kaniya wala…saklap.. hehe
yung part na paasa yung pinaka masakit dun eh.. malas lang pag dun ka talaga natapat.. ganyan naman talaga ang pagibig.. parang droga.. sa una lang masarap… sabi ni bamboo… hahaha..
haha … tama..
mahirap tlgang maadik sa pagibig ..
lalo na kung walang supply ng shabu lagi 🙂
ahaha! ito pala ang prequel, hanep. dito nag-umpisa ang trahedya, haha. sa umpisa pa lang, nakaguhit nang aagos ang mga luha, gigibik ang puso at magkaka-eyebags ang hero, hi,hi…
what to do, eh? human beings are born to suffer, to endure pain and to come out of the encounter scathed, ahaha.
gusto ko yong sabi mong konti lang sa kanya pero times 10 sa ‘yo. yown ang unang sign ng pag-ibig, totoy. nawawalan ka ng sense of proportion at ang kakayahan mong magkwenta ay nagiging impaired. mas maigi pa ang level mo noong ika’y babagong natututo ng arithmetic, di nga…
musta u? 🙂
and you english me there… nose bleed me.. hehehe
nabobopol pla sa math pag ngmamahal ibig sabihin pg mababa grade mo sa math mapagmahal ka? hehhe
eto ok nmn me .. musta n din u? ^_^
ahaha! oo, nga, nag-englishin me. eniweys, masanay ka na ro’n sa mga gano’n ng lola mo.
wala pa rin ang dpsa. lungkot na me about that, hu,hu…. silip ka sa blog ni superlolongpinoy, ha? panauhing asungot ako roon, hehe. 🙂
asahan mo ang aking pagbisita doon..
sana mahanap ko agad.
mahina ako sa pagsearch ng kung ano2 eh.
pagbumalik n ang blogsite mo abisuhan mo agad ako ah 🙂
nice one…pero pre swerte swerte na lang sa pag-ibig ngayon. its still a matter of risk..nagustuhan ko to ah…;-)
tama lahat halos sa mundo is a risk.
nakakatuwa naman at nagustuhan mo to ..hehe
hahaha..mukang kailangan mo nga ng psyco… nagsusulat ka ng payo pero promise it sounds so applicable to you… wag ka mag-alala hindi ka nagiisa… marami tayo…este kayo! *toinkzzz!
hahahah…
alam ko namang marami tayo este kami pala.. lolz..
hindi na , hindi ko na siya mahal… *denial* 😀
karelate ah
haha … ang hirap din sir no?
Naaalala ko lang ung sabi sakin ng kaibigan ko dati (I did consider myself a “martir” before hehe), “Tago, ndi na uso ngayon ang martir. Ang mga martir, binabaril!” hehe. Pero oo, mahirap. 😦
haha …. bka isa n ko sa mga nabaril dati kung totoo nga yan .. lol