ONE SIDED LOVE part 1 : The Beginning

 

Sabi nila lahat ng bagay may pinagmulan. Kumbaga sa uling hindi ito magbabaga kung hindi mo aapuyan at papaypayan. Walang taong naiinlab ng basta-basta. Pero may mga taong patuloy na nagmamahal kahit hindi sila mahal ng taong itinitibok ng puso nila. Hindi ako prangka pero martir ang tawag sa amin kanila.

 

 

Pano nga ba nagsisimula ang trahedyang ito?

 

Kagaya ng ibang successful Love Stories ay ganoon din ang pagsisimula ng traumatic at painful experience na ito. Yun nga lang hindi Fairy tale ending yung sa inyo , dito nagwagi ang witches at ang mga kontrabida — at ikaw na may maamong mukang pang bida ang naiwang sawi at luhaan.

 

Nagsimula ito nung kayo’y magkakilala at magkapalagayan ng loob.  Konting biro , konting ngiti , konting titig , konting reply sa text at madaming hingi ng pasaload , konting pangongopya sa assignments , konting kwentuhan , konting inuman , konting tuksuhan (konting halikan) , konting pagtabi sa’yo sa jeep , konting like ng post mo sa FB at lahat pa ng konting ginagawa niya ay times ten ( X10) pala ang dating sa iyo. Ang peso na binibigay niya sa iyo sa dollar mo kinoconvert.Walang malisya sa kanya pero sa iyo meron. Dito nagsimula mo siyang hangaan at mula sa paghanga yumabong ang iyong nararamdaman. Tila ba ikaw ay uling at ang nararamdaman mo ay ang baga. Mainit , mapusok , malibog , nag-aalab at siya at ang kanyang ginagawa ay ang pamaypay na lalong nagbibigay sindi sa iyong nararamdamang init.

 

Iba-iba ang tao. Merong sweet sa lahat , meron namang talagang palabiro , friendly , mabait at meron din talagang flirt at paasa. Kung natapat ka sa huli malas mo! Biktima ka! Kung ikaw naman ay yung tipo ng tao na mabilis humanga sa iba kahit wala silang ginagawang extra special sa iyo o yung hinangaan mo lang sila dahil sa angking alindog , artistahing muka , natural na ugali , o galing at talino sa isang bagay. Malamang sa malamang libog lang yan paghanga lang yan. Mabilis mong naramdaman at mabilis ding mawawala . Parang pasaherong sumakay sa jeep at bumaba rin agad kasi nakalimutan ang baon. Kung mauwi ang iyong paghanga sa pag-ibig ay agad ka ng komunsulta sa psychiatrist. (hindi ako nagbibiro iba ang crush sa love dapat alam mo na yun) Kung can’t afford mo naman maari kang komunsulta kay papa jack at sa laki ng problema mo baka mata”jack”an ka din niya sa inis dahil  alam niyang alam mo rin naman ang solusyon sa problema mo.

 

Lagi tayong may pagpipilian sa buhay kung hindi mo choice na maramdaman ang iyong nararamdaman,  may choice ka naman para huwag mag mukang tanga at martir sa paggawa ng dahilan para lalo kang masaktan. Wag mong hayaang patuloy ang pagbaga ng iyong nararamdaman lalo na’t alam mo na ikaw lang ang nagmamahal. Para kang uling na patuloy na nagbabaga para sa kaniya , pero sa huli talo ka kasi mauubos ka!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

wag mo n kong paypayan please anne curtis.

54 thoughts on “ONE SIDED LOVE part 1 : The Beginning

  1. dear uling,

    it all boils down sa maling pag aakala na umiibig na pla.. yun pala, kras kras lang..
    hay. in the end, guard your heart hanggat walang kasiguruhan ang mga bagay-bagay kung yaw mong maging abo.. hehe

  2. hahaha traumatic kapag nanghinge ka tlga ng advice kay papa jack lalo na kung tutsunga tsunga ka.. hahaha alam na nga ang dpat gawin ee !

  3. this one is real. minsan tanga lang sa isang sitwasyun na bulag tayo sa ktotohanan..
    faVE part ko ang line na eto “Lagi tayong may pagpipilian sa buhay kung hindi mo choice na maramdaman ang iyong nararamdaman”

  4. weh?… ang heavy ng post na to ah?..😀 ahahaha!!! medyo may kurot!!! nyahahaha!!! ok lang yan..😀 minsan talaga ganyan ang IBANG babae…😀

    parang leche flan…😀

    minsan sweet… minsan leche…

    pero hindi naman yun ang hihinto sa iyo na kumain ng leche flan…😀

  5. yung part na paasa yung pinaka masakit dun eh.. malas lang pag dun ka talaga natapat.. ganyan naman talaga ang pagibig.. parang droga.. sa una lang masarap… sabi ni bamboo… hahaha..

  6. ahaha! ito pala ang prequel, hanep. dito nag-umpisa ang trahedya, haha. sa umpisa pa lang, nakaguhit nang aagos ang mga luha, gigibik ang puso at magkaka-eyebags ang hero, hi,hi…

    what to do, eh? human beings are born to suffer, to endure pain and to come out of the encounter scathed, ahaha.

    gusto ko yong sabi mong konti lang sa kanya pero times 10 sa ‘yo. yown ang unang sign ng pag-ibig, totoy. nawawalan ka ng sense of proportion at ang kakayahan mong magkwenta ay nagiging impaired. mas maigi pa ang level mo noong ika’y babagong natututo ng arithmetic, di nga…

    musta u?🙂

    • and you english me there… nose bleed me.. hehehe

      nabobopol pla sa math pag ngmamahal ibig sabihin pg mababa grade mo sa math mapagmahal ka? hehhe

      eto ok nmn me .. musta n din u? ^_^

      • ahaha! oo, nga, nag-englishin me. eniweys, masanay ka na ro’n sa mga gano’n ng lola mo.

        wala pa rin ang dpsa. lungkot na me about that, hu,hu…. silip ka sa blog ni superlolongpinoy, ha? panauhing asungot ako roon, hehe.🙂

  7. Naaalala ko lang ung sabi sakin ng kaibigan ko dati (I did consider myself a “martir” before hehe), “Tago, ndi na uso ngayon ang martir. Ang mga martir, binabaril!” hehe. Pero oo, mahirap.😦

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s