Samahan si baby bagotilyo sa pagbabaliktanaw sa kanyang childhood days:
Umagang kay ganda!
Ako ay nagising sa boses ng mga batang naglalaro sa labas. Tinignan ko ang oras 7:30 am. Ang aga maglaro ng mga bata sa tapat ng kwarto ko. Hindi ko naman magawang magalit dahil kahit parang naka loud speak ang kanilang boses ay naiintindihan ko sila , I’ve been there ( wow English me?).
Ngayon ay naiintindihan ko na rin ang pakiramdam ng matatandang binabansagan kong “KJ” noon. Nakakarindi rin kasi. Parang nasa kabilang bundok ang kausap. Pero gaya nga ng sinabi ko naiintindihan ko sila dahil ako ay certified perwisyong bata sa aking mga kapitbahay.
AKO AY FARMER—- Mahilig akong magharvest ng fruits and crops. Wala namang mali doon diba? Ang tanging problema lang ay sa kapitbahay ako lagi namimitas at naghaharvest. Hindi ko makalimutan nung isang araw na umakyat ako sa puno ng duhat ng aming neighbor nang bigla-biglang dumating ang tunay na haciendera. Nasa puno ako nasa baba siya , tumingala ang matanda. Parang akong nagblend sa mga puno naramdaman ko na sumasabay ako sa paggalaw ng dahon. Hindi niya ako napansin at pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Para akong nabunutan ng buto ng duhat nung mga oras na yun. Pagkatapos ng mga pangyayari ay nakatikim ng masasakit na salita ang lookout ko na kulay violet pa ang labi dahil busy siya sa paglamon ng pinaghirapan ko. Life is unfair!
AKO AY DIRECTOR , SCRIPTWRITER, PRODUCER, ACTOR(ALL IN ONE)—- Sa dami ng aming mga role playing games (RPG) dati ay hindi mawawala ang mga bidang may powers ng apoy,tubig,hangin at lupa. Tuwing may gagawin kang superpowers na ikaw din ang gagawa ng sound effects ay kailangang iinform mo ang lahat ng kalaro mo na nagpakawala ka ng apoy. Tapos sasabihin ng kalaro mo “ nailagan ko raw”. Pero dahil bida ka hindi ka magpapatalo. Magpapakawala ka pa ng mas malaki. Sasabihin mo “tumalsik ka raw” agad-agad siyang mapapaatras (astig diba?). Halos lahat ng kilos mo dapat pinapaalam mo sa kalaro mo kung di magmumuka kang tanga sa mga imahinsayong ikaw lang ang nakakakita.
AKO AY KALAHI NI EDWARD CULLEN: Tuwing ako’y masusugatan dahil sa sobrang todo bigay kong acting pag naglalaro ay agad-agad kong hihigupin ang dugong nalabas sa sugat . Madalas nilulunok ko pag wala masyadong lupa at dumi ang nasugatang parte. Pag wala ako sa mood pinapadilaan ko kay bantay . ( oh di ba instant rabies agad) 🙂
AKO AY PINTOR IN THE MAKING— halos lahat ng malinis na pader ay hindi ko pinapalagpas binabandalan ko ito ng tropang astig /tropang pogi (tapos sa ilalim ay pangalan ko at ng mga kalaro ko.) Pero ang aking maituturing obra ay noong isang araw na kumuha ako ng alambre at nagsulat ako ng numbers sa kotse. Namangha ako kasi natanggal yung pintura nito gamit lang ang alambre. Astig na astig ang dating.
Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun at napapasabing:
“I WAS THE NEIGHBOR YOU WISH YOU NEVER HAD .. HAAAR!”

Ah, such childhood memories of brattines, lol !
I did play ” Follow the leader ” when I was a kid. I was the leader, always. We’d form a line, I was of course first in line, and they’d follow everything I did. It was actually a sight to behold. And believe it or not, it was only me and my Russian neighbors. There are 12 siblings ( the parents are baby makers) , and my playmates ranged from 4 to 14 years of age. I was about 11 then. They made the non’family member the leader.
hahah enjoy basahin 🙂
salamat sa matiyagang pagbabasa .. hehehe
Grabe, wahahahaha! Di ko kinaya yung pagiging magkalahi nyo ni Edward Cullen!XD Nasa library ako habang binabasa ‘to (kunwari nagaaral) kaya pigil na pigil yung tawa ko. Nakarelate ako dun sa “tumalsik ka raw”. Gawain ko ‘yan! Tapos aawayin ko sila ‘pag di sila tumalsik..wahahaha~
hahha .. lagot ka sa librarian niyo pag nag ingay ka sa library.. lolz..
Namimiss ko na maging bata. Sumakay daw ako sa time machine at bumalik sa childhood. Ay bat parang wala namang nagbago. matanda n nga ako. ahahha 🙂
Haha, Laughing out Loud ako dito sir … Kisig ng Childhood nyo 🙂
Mukang okay po yung mga blog nyo. Sisimulan ko nang magbasa par makakuha akong inspiration. Nagsisimula palang po kasi ako. Di ko pa alam gagawin hehe…
napangiti ako dun sa kisig ah. hehehe
Welcome to the blogworld 🙂
Thank You sir 🙂 Tawang tawa rin po kasi ako dun sa Director, Scriptwriter and Producer (All in one) haha…
Laughing trip mamen ! haha! nakarelate naman ako kaso mas malalang perwisyong bata ata ako 😛
mejo mabait pa talga ako nun. hehehe
nakarelate lang ako sa actor, director :))
ayos.. siguro kung mgkalaro tayo nung mga bata pa tayo mas astig ang movie. hehhe
ang lupet! hindi ko natry ung magsulat sa kotse gamit ang alambre,.. hahaha!!
ang ganda ng kwento mo crush na bagotilyo
Sayang hindi mo na try yun ang sarap pa naman sa pakiramdam…. wahhahaha
sigurado akong mganda din ang kwento mo crush na carlo.. lolz
my gosh ! parang gusto kung gawin mga pinag’gagawa mu toL .. hahaha… 🙂 graveh ntawa tlaga ako !! :”)
hahaha .. masaya siyang gawin .. try mo :))
Happiness childhood!=)))
indeed :)))
hahahaha! tawa much 😀
hangkyut mo lang (favorite ko kasi ang dilaw :D)
hahha .. mukang ewan lang no?? :p
matanda kna talaga ! 🙂
wag na itanggi 🙂
matanda na nga ako ngayon.
dati hindi. wahahhaha
ano kya yun?
pacensiya na adik lng. lol
hala! ang pogi mo palang bata, ahaha… 🙂 yon lang, pilyo. 🙂
haha oo nga minsan nga naiisip ko na sana hindi na ko lumaki…
mabait pa ko niyan :))
hahaha…nakakarelate ako dito tsong…lahat yan ginawa ko, plus more 😀
hehe eh di tau na ang mababait nung kabataan ntin 😀
ayos… tawa ako ng tawa…
wahahha .. salamat sa muling pagdaan pareng berlim.. 😀
I like it certified perwisyong bata in the neighborhood hehehe
mejo controlled pa po ako niyan…
^_^
Naka-relate ako. Hehe!
Naalala ko tuloy yong pamimitas sa kapitbahay. haha
wahhahha..
ansarap tawanan ng mga alalang yun 🙂