bang! bang! where is the love?

CLICK!!!!

Matapos kalabitin ang gatilyo ng baril ay agad na sumunod ang tunog na….

BANG!!!!

Matapos lumipad ang bala na may kakaibang bilis ay agad itong tumama sa leeg ng kawawang lalaki.

…..Agos ang dugo sa kalsada pero dahil gumagalaw pa ang target ay agad na pinakawalan ang pangalawang putok — asintado ang ulo.

Yan ang pangyayaring naganap dito sa kalsadang binabaybay ko pagsasakay ako ng jeep.

Kapitbahay namin ang binaril at naganap ang krimen taltlong kalsada mula sa amin at isang araw bago mag undas.

Alam kong marami pang ganitong pangyayari ang nagaganap sa ibang lugar. At kahit gaano ko katagal isipin ay hindi ko maunawaan kung paanong parang lamok na dumapo sa binti lamang ang kanilang pinapatay. Walang tao ang binigyang karapatan para kumuha ng buhay ng kanyang kapwa  kahit pa kamuka niya si kamatayan. Kung pera ang dahilan sana nagnakaw na lang sila , kung galit ang dahilan sana hindi nila hinayaang kainin sila ng kanilang emosyon ,kung concern sila sa paglobo ng populasyon hindi yan ang solusyon , kung inggit ang dahilan “Sorry” na po hindi ko kasalanang ipinanganak akong artistahin.

Nakakalungkot lang isipin na habang ang iba ay ginagawa ang lahat para mabuhay ay busy din ang iba para pumatay. Hindi ba nila naisip na ang buhay na kinuha nila ay may binibuhay ding iba. Hindi ba nila naiisip na ang buhay na nilagay nila sa kanilang kamay ay ang parehong buhay na nagpapasaya at nagbibigay buhay sa mga ngiti ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Hindi ba nila naiisip na nakatingin at nalulungkot ang DIYOS habang ginagawa niya ang krimen?.

Sana minsan hindi kumakalam na sikmura at mapagimbot na mata ang paganahin natin. Sana gamitin natin ang ating utak para gawin ang tama at ang ating puso para mahalin ang kapwa.

where is the LOVE???

20 thoughts on “bang! bang! where is the love?

  1. nakakalungkot isipin na parang simpleng bagay nalang ang pagkitil ng buhay sa mga panahong ito.
    minsan nga may napanood pa akong balita na naglalaro lang ng psp sa harap ng bahay…may dumating na tao at BANG!
    sa panahon ngayon, wala nang safe na lugar. kaya ang magagawa lang natin ay maging alerto at maging handa sa anumang mangyayari.
    siguro, kung magiging maunlad ang bayan natin mababawasan ang mga karahasan g ito. dahil naniniwala akong walang tunay na kapayapaan kung may mga sikmurang kumakalam.

    • The world is getting worse😦

      nakakalungkot.

      Ayokong isisi sa gobyerno o sa hindi pagiging maunlad ng bayan kung bakit may mga ganyang krimen pero tama ka somehow nakakaapekto sila.

  2. Hello there,
    A true to life story…
    Dagdag lang natin sa iyong balita… sa ibang bansa din ngyayari ito…
    bilang OFW, di lang baril ang ginagamit para pumatay…

    Karamihan dito lungkot at sakripisyo ang pumapatay.

    Maraming salamat sa pahayag.

    Bumabati,
    Ms. Gracia

    • hays.. nakakalungkot tlga ang mga ganitong pangyayari..

      bakit hindi n lang pagibig ang isipin ng bawat isa sa mundo?

      Sanay laging magmahalan , sana…

      parang kanta yun ah? ^_^

  3. grabe na talaga ang mga nagaganap na krimen ngayon, panahon na ata para ibalik ang death penalty para may katakutan naman ung mga kriminal (oopps, pinagpapauna ko na, personal na opinion ko lamang po ito, peace out, haha)

    • lahat tayo may kanya kanyang opinyon tungkol jan..🙂

      basta ako kakaibang galit ang nararamdaman ko para sa kanila.

      *ultimate sin* para sakin ang pagpatay ng kapwa …

  4. hello, bagotilyo…

    daan lang ako to say na isinara ng wp ang blog ko. part daw ako ng SEO campaign, sabi… possibly because sa cited URLs sa last post ko. may popped-up boxes kasi sa mga ‘yon, isinara ko lang at di pinansin. ayon, nilabag ko raw ang TOS at endorsing and profiting daw ako to drive traffic sa third party sites.

    di pa nila sinasagot ang letters ko. homeless muna ako, hehe… regards!🙂

    • awts oo nga no,

      sana madetect nila kung ano yung naging cause nun para malaman nila na isa kang biktima hindi isang salarin..hehehe

      hopefully maayos na agd agad yang site mo..

      yngats..

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s