SSDD

 

Tinginining!! tinginining!! Tumunog ang alarm clock ko sa aking cellepono. Nakapikit kong kinapa ang CP at may diing na may halong inis na pinindot ang stop alarm. Dumilat saglit para tignan ang oras. 6:00 AM. Ang aga pa 15 minutes pa.Balik ako sa pagtulog. Makalipas ang akala kong ilang minuto….

 

Sh*t 7:05am na ! dali dali akong bumangon upang mag-ayos ng sarili. Nag-almusal , naligo at nagbihis. Kawawa naman ang kasama kong mag-jobhunting na mukang haggard na kakahintay sakin. Kanina raw fresh pa siya. Kung saan-saan kaming hospital nagpasa ng aming curriculum vitae ( nakanang..tunog sosyal) Habang nasa bus kami papunta sa isa pang hospital ay naisip ko na ang job hunting pala ang isa sa pinakamahirap na misyon ng post graduates at hanggang ngayon “on going mission” pa rin ang status ko dito. ( why o why?)

 

Pauwi na kami bandang 3:00 pm ng hapon. Sumakay kami ng kasama ko sa aircon bus at nag-bayad sa kondoktor ng pamasahe hanggang Cavite. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Dumating ang oras na kinakatakutan kong mangyari sa loob ng isang bus na nabiyahe . Hindi holdapan—mas malala pa dun. Pakinggan este basahin mo ang nakakatouch at life changing experience ko.

 

Normal naman ang lahat ng biglang magsimula ang world war 3 sa tiyan ko. Alam kong alam mo ang pakiramdam na ito. Magiging 1million times kang sensitive sa lahat. Sagi ng katabi , boses ng nasa likod , lamig ng aircon, sounds ng TV , dapo ng langaw sa braso mo. Basta kahit anong stimulus nakakadagdag sa pasanin mo. Walang humpay ang pagpatak ng butil butil na pawis mula sa aking noo pababa sa muka. Nagtatayuan na rin ang balahibo ko. Nung mga oras na iyon ako’y napadasal ( a prayer like no other), nagconfess ng kasalan , humingi ng kapatawaran at mangangako na magiging mabuting tao at tatalikuran ang droga mailuwal lang ng maayos ang kanina pang nag-aalburuto sa tiyan ko. Wala akong pakialam kung anong itsura ko , eh ano kung haggard? . Alam mo yung ipagpapalit mo lahat? Kahit Cellphone mo , lahat ng perang dala mo o kahit ang puri mo malagpasan mo lang ang trahedyang ito sa buhay mo.

 

Walang magawa ang kaibigan ko kundi asarin ako bigyan ako ng moral support. At maniwala ka hindi sa lahat ng oras makakatulong ang pagdamay nila sa iyo. Isa lang ang kailangan mo. At alam mo kung ano yun.

 

Nag slow motion at nagmute na ang sounds ng aking paligid at alam ko any moment bibigay na ko. Hanggang sa—– nakita ko ang RED ribbon.*answered prayer*. Maluha luha akong bumaba sa bus at nagmistulang flash sa pagmamadali .Para akong racer na malapit na sa kanyang finish line.

 

Diretso CR , dali-daling binaba ang shorts at…..

 

PLURK!

 

Lumabas na ang kanina pang substance na nagmamadaling Makita ang outside world at nagmamadaling nagdive sa tubig.

 

WATTA RELIEF…

 

Nangyari na sa akin dati ito—- Same Shit; Different day

 

 

3 thoughts on “SSDD

  1. Ahahaha nakakainis nga ang feeling na ganyan…. ito ang mga panahon na di ka pwedeng balyahin dahil sa pagnasagi ka pakiramdam mo eh lalabas na din sila hahaha…

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s