Kilalanin ang AUTHOR …

Si Bagotilyo ay isa lamang normal na binata(single) na wala lang magawa kaya pinasok niya ang cyber world.

Siya yung tipo ng (superhero) tao na:

Kinikilala ang amang tagapaglikha

hindi masyadong matalino pero disiplinado

mabuting kaibigan,ulirang anak, masunuring kapatid at minsan sinungaling din.

Mahilig magbasa at tamad magsalita

Tahimik ,walang imik pero matinik. ( bangus?)

Madali mabagot at mahilig matulog ( BATUGAN!)

Isang superhero in the making….

blah! blah! blah!

Iisa lang naman ang layunin niya kung bakit siya nagsusulat yun ay para maging inspirasyon sa nakararami para maging mas mabuting tao , at para matuto sila sa mga kamaliang nagawa ko at mga gagawin ko pa lang. (alam ko madami pa yun). Pangarap din ni bagotilyo na maging isang superhero at magkaroon ng super powers para iligtas ang mga naapi , gapiin ang mga decepticons , talunin si lord voldemort , puksain ang   magnanakaw  (ng kaban ng bayan) , hanapin ang mga snatchers , tulungan ang mga mahihirap , itulak sa bangin ang mga rapist , itawid ang matandang nahihirapang tumawid , at bigyan nang limpak limpak na salapi ang mga kidnapers para tumigil na sila ——– at doon magsisimula ang aking pangarap na “world peace”.

Hanggang maisip niya ang sinabi ni pareng bob ong sa kanyang libro na kapitan sino. ” maging bayani ka ng sarili mo”. Tama siya , kung gusto natin ng pagbabago dapat itong magsimula sa atin. Sapat nang maging bayani tayo ng ating sarili hindi natin kailangang maging bayani sa nakararami.

Gayunpaman pinili pa rin ni bagotilyo na ituloy ang kanyang pangarap na maging isang supehero. Sadyang matigas ang kanyang ulo ( bahala ka na kung saang ulo ang nasa isip mo.)

mainis,mabagot,matuwa,mabadtrip, maaliw , mabaliw , at mainspire sana kayo readers ….

Ang iyong konsensiya,

BAGOTILYO

hanep ang bigote ..hahaha

78 thoughts on “Kilalanin ang AUTHOR …

  1. “Mahilig magbasa at tamad magsalita. Tahimik ,walang imik pero matinik. Madali mabagot at mahilig matulog….”

    apir, dre!! nakakita din ako ng katulad ko sa mga aspetong nabanggit mo sa itaas. xD. sa palagay ko’y maaaliw akong malaman ang nilalaman ng iyong ulo…. nudaw? ahaha! xD sige sige. ipagpatuloy ang paggawa ng krimen este ang pagiging bayani!

  2. kewl, kelangan ganyan ang issssspellling para keeeeewwwwllll, reminds me of bob ong. a male version of me, singul ka diba? tamang tama may asawa’t anak naman ako. we’re destined. ;))

  3. Hi Bagotilyo!
    Nakakatuwa naman at matatas kang magsulat sa Filipino. Sana dumami pa ang mga katulad natin na Filipino ang napiling midyum sa pagsusulat. Mabuhay ka Bagotilyo.

    negrongIsko

  4. hello, bagotilyo… salamat sa pagdalaw.🙂

    ang cool ng posing mo rito, ah. parang kwan, ano, runner sa recto, ahaha. diploma, ma’am, sir? term paper, meron kami dyan, ano’ng topic? peace sa ‘yo… basta, parang may attitude, ahaha. :):)

  5. Ipagpatuloy natin ang pagkakalat ng inspirasyon sa abot ng ating makakaya.🙂

    Napansin kong fan ka rin ni Bob Ong. Sumulat ako ng isang sanaysay galing sa comment ko sa isa niyang Facebook note. Heto >> http://seekersportal.wordpress.com/2011/02/13/para-sa-pagbabago/

    Narito naman ang book review ko sa favorite kong libro nya na “Stainless Longganisa” >> http://seekersportal.wordpress.com/2010/10/20/book-review-bob-ongs-stainless-longganisa/

    Cheers,
    Adrian

  6. naku at least may maganda kang hangarin sa buhay. mahirap naman maging perfect pero puwedengng maging responsible di ba. ganun din naman yung mga superheroes may mga flaws.

    nga pala ano itsura ng costume mo? hehehe

    mabuhay and happy blogging!

  7. nice one… muntik na akong ma overbreak kakabasa ng kalokohan mo dito hehehe..😀 but anyway.. bagotilyo.. medyo ang weird ng post na to.. bakit ngaun ka lang nagpakilala pagkatapos ng mga marami mong blog?… nakakatuwa..😀 hehehe…

    Ikaw na ang superhero…😀 hahahaha!!! pag naging superhero ka?.. anung gusto mo?… lumilipad?… or may superstrength?…😀

    • salamat sa pagbisita..

      lahat kasi ng superhero effort na sa costume kya para maiba ayan simpleng haggard na tomador sa kanto lang ang pic …

      pinagisipan ko din ang mag- nude na lang for the sake of art.. kaso bka ma ban ako sa cyberworld..wahhaha

  8. ikinagagalak kitang makilala Bagotilyo. Para sa akin ay isa kang tunay na superhero. isa ring malaking karangalang mapasali sa listahan mo ng mga kaibigan sa cyberworld. at tinatanaw kong malaking utang na loob ang pagdalaw dalaw mo sa aking tahanan. kung may internet connection lang sana ako ay madadalaw ko kayong lahat araw araw. kung sakali mang mapadalaw ka sa baguio eh sabihan mo lang ako. basta tandaan mo na si bagotilyo ay isang kaibigan ni asiong (emo na naman ako). hanggang sa muli!

    • xempre naman nakakaaliw kasi ang mga pics mo..

      talentado ka… hehhe

      sige sige kung saka sakaling magawi ako ng baguio sasabihan kita.

      papatirahin mo ba ko sa inyo?

      haha..

      wag ng emo kaibigan😀

      • alam ko naman na iniiwasan mo lang din na tuluyang bumagsak ang pader at kasama ito sa hanap buhay bilang isang ganap na superhero. hehehe

        • nailigtas ko ang mga tao sa likod ng bakod kasi hindi ko diniinan ang pagsandal at hindi ito bumagsak sa kanila ..hahaha

          isa na ba akong superhero talaga? :p

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s