Alak pa???

 

Espesyal na okasyon , selebrasyon, depresyon, graduation, birthday, break-up, gathering o gusto mo lang malasing. Naging malaking parte ang alak sa (ilan) karamihan sa mga espesyal o normal na event ito sa buhay ng tao. Sa ilan-ilan (weh?) beses na akoy nakipag inuman napansin kong iba-iba ang epekto ng alak sa bawat nilalang. At doon maari mo silang lagyan ng titulo kung sino sila sa inuman session:

 

*choose all that applies*

 

1. The heavy drinker = Ito yung mga manginginom na parang hindi nalalasing kahit 5million gallons na alak na ang kanilang tinungga. Sa aking opinyon pwede silang isali sa (tarantadong) talentadong pinoy. Pure talent , hahaha

 

2.The blooming guy/girl = Sila yung dalawang shot pa lang eh kala mong “kano” kung mamula ang muka at balat. Minsan nakakatakot din silang kainuman dahil baka bigla silang mag-alab at mag super saiyan sa gitna ng inuman.

 

3. The investigator like = Buong inuman silang tahimik. Hindi nakikisawsaw sa usapan , nagmamasid , nakikinig,nakikiramdam, nag-oobserba at nakikitawa lang sa mga korning jokes ng kainuman. Ok naman sila kasama kaya lang ang problema di mo alam kung kelan sila lasing o kung kelan sila matino.

 

4. The Jackass = Ayos sa olrayt ang mga kakaibang trip nilang gawin pag nag-iinom. Minsan hanap nila ay away o kaya minsan malakas silang magpower trip sa kainumang mahina. Alam mo yung palabas na jackass? Ako hindi eh . wala lang natanong ko lang. Nice to meet you pala. Can I have your number?

 

5. The magician = Kakaiba ang bilis at kapangyarihan nila. Wag mo silang iismolin dahil kaya nilang mawala sa inuman ng walang nakakapansin. Daig pa ang teleportation. Taob si David Copperfield.

 

6. The singer (lead vocalist) = Mikropono ang kanilang hawak at feedback sa videoke ang mortal enemy nila. Nagmistulang solo major concert niya ang inuman dahil siya nang siya lang ang nakanta kahit wala ng nakikinig. In short isa siyang noise pollution.

 

7. The singer (second voice) = Sila yung mga nakikikanta lang sa saliw ng musika. Minsan emote na emote at napikit pa , minsan pabulong para hindi matabunan si lead vocalist.

 

8. The paDemure = Sila yung mga malambing lang pagnalalasing. Ewan ko kung bakit? Tsk tsk…

 

9. The coke boy/girl/gay/lesbian etc. = Sila yung parang coke lang sa inuman. Hindi masyadong maingay hindi masyadong tahimik. SAKTO lang.

 

10. The diner = Piknic at pagkain ang priority nila, sila ay kilala din bilang “kungfu” sa inuman. Ang alak ay panulak lang at ang pulutan ang main event. Asahan mong sila rin ang may pinaka disgusting na suka dahil sa unfinished process ng mga sumusunod na products ( fishbol, boy bawang , chicken neck , green peace , mane, betamax , sizzling sisig , tinga ng kainuman na di natanggal sa baso atbp.)

 

11. The sentimental = Drama mode , luha at makabagdamdaming istorya ang hatid nila sa kanilang biktima.

 

Note : mauubos ang oras ninyo sa inuman dahil paulit ulit lang ang inyong usapan. Drama – opinyon mo- opinyon niya-same drama-opinyon mo and the cycle goes on.

 

12. The superstar: Nasa kanya ang spotlight , lime light at sanmig light. Joke cracker , makulit,maingay,magulo, pasaway at siya ang Bangka ng Bangka sa inuman. Sa sobrang hyper nya minsan makikita mo nalang siyang nakatungo sa mesa , o nakahiga sa sofa – tulog , baZag at kasalukuyang nasa dream land.

 

Ano man ang dahilan mo kung bakit ka na-giinom basta may kasiyahan, katuwaan at walang kwentang kwentuhan tuloy ang inuman.

 

Ikaw anong klaseng manginginom ka?

 

6 thoughts on “Alak pa???

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s