Alaala

 

Alaala 

Hawak ang laruan ng kanyang Kabataan

Siya’y nagbaliktanaw sa nakaraan

Masasayang sandali’y kanyang binalikan

Noong ang buhay ay minsang kay gaan

 

 

Hawak ang laruan ng kanyang Kabataan

Habang ang luha sa mata’y pinupunasan

Walang makasama , walang malapitan

Ang mga problema‘y mag-isang pinapasan

 

 

Hawak ang laruan ng kanyang Kabataan

Kapayapaan kanyang natagpuan

At minsan pa’y nakahanap ng tunay na kaibigan

Sa laruan nakahanap ng kapanatagan

 

 

Hawak ang laruan ng kanyang Kabataan

Muling nilingon ang nakaraan

Ang hinaharap panandaliang kinalimutan

At sa nakalipas ,lakas ay kanyang natagpuan

 

 

Ang tulang ito ay opisya na lahok para sa Saranggola blog awards 3

6 thoughts on “Alaala

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s