Salamat sa lahat – Isa kang alamat

Alam nating kung papaanong ang Nokia Cellphones ay nagbigay ng lunas sa naghihingalong paraan ng pagkokomunikasyon.Matapos malaos ng telegrama at beeper agad na sinalo tayo ng nokia at nanguna para ibigay sa atin ang pinadaling paraan ng pakikipagusap gamit ang gadget na madadala mo kahit saan.

Grade 6 (taong 2001) ako noon nang bumili kami ng N5110. Lahat excited.Isang cellphone para sa limang miyembro ng pamilya. Noong ang lahat ay simple at hindi pa uso ang unlimited alam mong pag-tumunog ang cellphone mo (in nokia tune) siguradong ang mensahe ay pinadala ng may dahilan , pinaghirapan ang paggawa ng imahe gamit lamang ang mga karakter na tuldok , kuwit at kung ano-ano pa at siguradong ginastusan ka ng piso. Patunay lamang na tunay ka nilang naalala dahil hindi pa din noon uso ang send to many . Patunay na mahalaga ka sa kanila. At dahil hindi pa ako marunong gumamit nito ang nakakatandang kapatid ko ang tumutulong samin para magtipa ng mensahe at ipadala sa aming mga kakilala. Sa kanya kami nagpapaturo , nagtatanong. Doon ko napagtanto na nagsimula na pala ang matatawag na komunikasyon sa loob ng bahay at alam ko na matatawag na din itong “bonding” ng pamilya.

Ang isa pangtumatak sa sakin ay noong ako ay nasa highschool kung saan gamit ang isang nokia cellphone ay nagpapataasan kami ns puntos kasama ang lima kong klasmeyts sa larong siakt na sikat noon. Ang “snakes”. Ginagawa naming ang bonding time na ito pag breaktime o kahit on going ang klase.hehehe.

Noong kolehiyo naman ako nagging katuwang ko ang nokia upang mapanatili ang komunikasyon ko sa aking erpat na kasalukuyang naghahanap buhay sa abroad para ako ay mapagaral. Doon madali ko siyang napapasalamatan , gamit ang nokia madali niya ding napapaabot ang pagpapahalaga niya sa amin.

“Ang Nokia ay  para sa komunikasyong malapit , komunikasyong malayo at komunikasyong mula sa puso.”

My cellphones to date ...

4 thoughts on “Salamat sa lahat – Isa kang alamat

  1. hello, bagotilyo,

    lumahok ka pala sa patimpalak na ito… hey, mga 93 yata ang unang cellphone sa pilipinas. iyong motorola pa na malaki, portable, nakasakbit sa balikat, ahaha. mga businessmen at mayayaman pa lang ang meron no’n. tapos, around mid 90s, marami-rami na ang meron – mga kaibigan ko at kapatid. may text na rin noon pero di pa masyadong ginagamit except ng mga deaf ‘ata.

    that time, may beeper pa ako, kami, ahaha. usung-uso yon no’n. matagal bago ako nakumbinsing mag-cellphone, bandang 2000 na yata no’ng ako’y bumigay at finally ay bumili ng unit -N3310, ahaha. that time, ang uso na ay maliliit – N8210 at N8110. ang advanced ko lang, ahihi. ayon ang wento ko… hello!🙂

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s