ANGRY BIRDS ( Rated P.u.G.a.d)

Ang Angry Birds ay isang larong kumain na oras ko dito sa lupa. Imbes na ibuhos ko ang oras sa ibang bagay gaya ng blogging ay ito ang ginagawa ko. Sabi ng ibang “Gamers” ka-level daw ng larong ito ang larong PLANTS VS. ZOMBIES . Pero para sakin iba pa rin ang impact at addiction na nabigay sakin ng Plants VS. Zombies . Siguro sapat nang ebidensiya na natapos ko ang Plants Vs. Zombies ng fulltime (na mas marami pa ang overtime)samantalang natapos ko naman ang angry birds ng part time lamang.

poof!

Ang nasabing laro ay tungkol sa pulong ng mga ibon na galit na galit sa mga berdeng baboy na apektado ng swineflu dahil ninenok nila ang ik-noks ng mga birds na dating jolly . Siguro naterminate si tweety bird kasi hindi nya kayang magmukang galit , laging patweetums at beautiful eyes lng ang kaya nyang gawin kaya di siya qualified as members ng angry birds.

fail!

Ang simple lang ng graphics ng laro , ang simple ng istorya. Isang larong pambata pero mas nilalaro ng (isip bata) matatanda. Simple lang din ang misyon gamit ang iyong nangagalit na birds ay aasintahin mo ang greeny pig na nagtatago sa isang boka-bokang bahay. Pag-naubos mo na sila , natamaan at nag “Poof” sa kawalan. Tapos ang misyon.

Kakaiba ang larong ito dahil sa lahat ba naman ng ibon sila ang hindi nakakabuo (baog) , sila ay nakakasira. Lahat sila mukang galit na galit. May mapula , may malaking mapula,may maitim,may maasul,may madilaw (warning: baka may HEPA B ) ,may maputi, may hugis triangle , may nagpapaputok (sumasabog pala) , may hanep kung kumambyo pabalik, at meron din pwersadong ng kacrash para sirain ang mga (mala-hymen) na salamin , mga inaanay na kahoy , weak na bato , at bakal na madaling mag crack. Kinurakot kaya nila ang materyales kaya low class ang lahat? Pulitiko kaya ang ilan sa kanila? Bakit yung iba naka hard hat? Construction worker kaya sila in petix mode? Andami kong tanong at hindi ito nabigyan ng kasagutan kahit natapos ko na ang laro.

Tamang pag-asinta , diskarte , at swerte ang tatlong susi para matapos ang larong ito. At para sa mga short tempered ; Patience is a virtue. Wag mong hayaang mainis ka at mainip pag hindi mo natapos ang isang stage. Tandaan mo hindi angry player ang title ng game at ginawa ang larong ito para kaaliwan hindi para kainisan.

Kung ikaw naman ay mula sa lahi ni albert aystaym pwede mo ding gawan ng equation ang iyong bawat pagtira para matapos ng perpekto ang laro. See image below.

Eh di ikaw na ang henyo

Ano bang kumumbinsi sakin para maglaro ng ganitong klase ng game. Siguro totoo yung kasabihan na “theres always a child inside of us” o sadyang isip bata lang ako? Ano’t ano man ang dahilan , wala na kong pakialam .Basta nag enjoy ako , OK na ko dun.

SOAR HIGH ANGRY BIRDS!!

P.S ang tunay na misyon mo ay bilangin kung ilang bes mo napindot ang refresh button. Nabilang mo ba?

27 thoughts on “ANGRY BIRDS ( Rated P.u.G.a.d)

  1. nakaktuwa si albert aystaym biruin mo naisip nya yon? LOLZ =))
    di ako gano adik dito… naiirita nga ako sa kkbilang ng refresh button! toinkz!

  2. natapos ko na din yan kaya naka move on na ko sa mga green pigs. yung angry birds rio na nilalaro ko pero bitin kc sa pc..yung ibang stages coming soon pa lang. 3 stars talaga traget dyan eh para masatisfy ang pagkapanalo mo.

    yung plants vs zombies naman mas matagal ko nilaro. hanggang sa makuha ko yung mga secret tips sa tree of wisdom. hahaha! kumpleto na rin garden ko pati pantubig at panggabi.

  3. tinamad akong tapusin ang larong to. hanggang stage 3 lang ata ako yung pede na bumili ng mighty eagle. LOL!

    at ikaw pala si adonis. ikaw ang tumalo sa kayabangan ko. sige ikaw na! suko na ko.

  4. di ko pa na try yan pero base sa sinabi mo mukhang type ko siya.nakakaawa naman bakit ang mga baboy ang napagtripan naman ni ng mga ibon na ito may galit ang gumawa nito sa mga pigs malamang

  5. adik din ako sa larong ito..sa katunayan ilang versions na ng angry bird ang dinownload ko sa cp ko…ahahahaha..

    panalo ang angry birds na may equation..die hard?lols

    • haha ..isa ka ba sa mga nakikita ko sa kalye na nakasuot ng t shirt ng angry birds..?

      wahaha..

      gusto ko mgkaroon nun ..seriously..wehehehhe

      ayos din xang laro no?

  6. hello, yahjme!

    di ako mahilig sa games pero parang na-engganyo ako matapos basahin ang endorsement mo. sige, sisiipin ko itong angry birds within the week. parang masaya! btw, nakaka-adik ba? hehe…

    like ko ‘tong post mo.🙂

  7. Yong mga katrabaho ko nagpagawa pa ng shirt na may print na Angry Birds.

    Addicting nga siguro.

    Kongrats mo ako anak, natapos ko ang plant vs zombies after one year. Oha.

    kala mo

    • mejo addicting nga xa..

      wahahha..eh kamusta ang garden mo tay? cguro after 5 years puno na yan?

      diligan mo sila araw araw at patulugin sa hapon para lumaki agad.lolz

  8. di pa ako nakapaglaro niyang angry birds. Sa totoo lang di ako mahilig sa mga PC games. Natuwa naman ako at nakasali pa ang angry birds sa isang engineering or math sample exams hahahaha

Leave a comment using Facebook , Wordpress, Blogspot , Twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s