Hulyo 10,2011
Sunday 5:30 pm
Nakabili ang erpat ko ng bahay at malapit na kaming lumipat. Naging busy ako “these days” sa pagtulong para i-polish ang bagong bahay. Nakakalungkot dins isipin na aalis ka sa isang lugar na kinalakihan mo at iiwanan ang mga taong naging kakilala at kaibigan mo. Isang pagbabago na hindi ko kayang yapusin ng buong-buo. Pero hindi tungkol sa ka- emohan ko at ng paglipat namin ang isusulat ko ngayon.

Ako ay naatasan upang pintahan ang gate ng bahay. Akala ko aabutin lamang ako ng limang oras upang tapusin ang Gawain. Mali ako , dahil sa dami masyado ng curves at designs , inabot ako nang limang araw para ayusin at pintahan ng bonggang bongga ang gate. Sa bawat hagod ng brush hindi maiiwasang may malagpasan kang pintahan dahil kagaya nang lahat ng bagay ang brush ay hindi rin perpekto para isang stroke mo lang damay na ang lahat.
Maraming sulok na animo’y umiiwas sa pintura . Kailangan mong tignan sa ibat ibang anggulo , patayo , patingkayad , pailalim (left) , pailalim (right) , in neutral position o pa-dog style (oo , nagawa ko na yon para lang Makita kung saan pa walang pinta ang gate na parang may allergy sa pintura) .

Sa totoo lang pwede kong madaliin ang pagpipinta ,yung trabahong bara-bara . Kayang kaya ko yun ,
Pero wala sa tipo ko ang gumawa ng isang bagay na hindi ko pinaglalaanan ng oras , ng buong puso at mega dose na effort.
Hindi sakin pwede ang “pwede na” . Perfectionist o may Obsessive-Compulsive personality disorder ako?
Hindi ko alam , ang alam ko lang pag ginawa ko ang isang bagay , o pinasok ang bagong trabaho , o isang bagong relasyon man .
Lagi kong binibigay lahat-lahat . Kumbaga sa Poker All-in agad.
Kasabay ng hagod ng brush naamoy ko ang halimuyak ng pintura at sapat na ito para maging “high” ako sa buong araw. At habang ako’y nasa kaadikan ko naisip ko na ang buhay pala ay parang pagpipinta. Ikaw ang Artist at ang buhay mo ay ang iyong obra. Nakasalalay sa kamay mo kung paano ipipinta ang mga bagay-bagay. Puwede mong madaliin , o pwedeng mo ring ibigay ang lahat at busisiin ang kasuluksulukan para maganda ang kahihinatnan ng iyong ginawa. Hindi para makatanggap ng papuri sa iba , kundi para patunayan sa sarili mo na ang buhay mo ay hindi basta-basta.
Kagaya nang iba busy din sila sa pagpipinta nang kanilang buhay. Darating ang pagkakataong mahahawaan ka ng pintura nila ang iyong buhay. Mag-iiwan nang mabuti o masamang marka , may mga magbibigay impluwensya o mga alaala.
Pero dahil hawak mo ang brush at ang iyong pintura nasa sa’yo kung gusto mong patungan ang markang iniwan nila. O kung mas wais ka maari mo din gamitin ang pintura ng iba para mas mapaganda at mabigyan pa ng kakaibang impact ang iyong buhay. Lahat yan nakasalalay sa iyong kamay. Mag-isip , paganahin ang imahinasyon , Gamitin ang iyong kamay. Tandaan mo ikaw ang pintor at sa huli ang Diyos ang huhusga ng iyong OBRA.
.
nakaka relate ,ako nga hnd ako nag aral ng arts pero marunong akong mag pinta at mag drawing ,nasayo talaga yan kong gusto mong matoto at pahalagahan ang isang bagay ..
Tama Tama 🙂
Hindi ko alam kung paano, but i eagerly want to know how …
know how to paint? 🙂
ang galing ng konek. i can relate well…nice read bagotilyo…
salamat .. natuwa ako at nakarelate ka .. ^_^
“wow e2 gus2 sau “idol” ang sbi mo
“ikw ang Artist at ang buhay mo ay ang iyong OBRA,& the otherwise pwd naRin jeje
salamat sayo haha :)))
wew! may reflection churva talaga sa buhay yung pagpipinta ng gate..nakanang!
for hire ka ba pogi? papapintura ko sayo bago kong pad…wehehe 😀
haha .. pwede din . .basta libre pagkain tapos libre toma tapos libre wifi tapos libre tulog .. lahat na??
lolz :))
san ako mgpapasa ng resume?? :p
,,,thank you
thank you po saan?? 🙂
wow. Eto paborito ko sa mga sinabi mo:
“Ikaw ang Artist at ang buhay mo ay ang iyong obra. Nakasalalay sa kamay mo kung paano ipipinta ang mga bagay-bagay. Puwede mong madaliin , o pwedeng mo ring ibigay ang lahat at busisiin ang kasuluksulukan para maganda ang kahihinatnan ng iyong ginawa. Hindi para makatanggap ng papuri sa iba , kundi para patunayan sa sarili mo na ang buhay mo ay hindi basta-basta.”
Makapag pintura nga rin ng gate namin….=b
maganda din siyang hobby .. pramis ..hehehe
Hehehe. Ayos mga hobbies mo ah. Nice blog you have here.=)
salamat sa pgappreciate 🙂
magpipintura lang .. nagdrama pa ?.. ahahahahahahhahahhha
wahahah … siyempre …. da vinci eh :p
5 days. Wow! Buti di ka natuyuan ng utak.
Naalala ko lang yung prof ko sa sinabe mong, “di pwede ang pwede na.”
haha , honestly unang natuyo ang lung s ko sa pagsinghot , kasunod na ang aking utak kaya hndi ako maxadong makapagblog the past few days..hehe
ayus ah ..eh di pede na din akong mag prof. ?lolz
Ikaw na ang artist ser!
Tama ka literally and figuratively tayo ang mga brush at si God naman ang may hawak nito and presto ready na tayong magpinta. At sa pagpipinta may mga nakakaligtaan at kailangang ulitin same as true sa buhay natin.
Kailan ba ang lipatan ng bahay ng makatulong naman ang mga bloggers at makimeryenda na rin? hahaha
be blessed ser!
tomoo! tayo nat magpinta nang may ngiti sa ating labi..hehe
naglipat na kami , pero may mga naiwan pa.wahahha …
cge pg may nagpunta saming blogger papamiriendahin ko ..hehe
basta mahanap nya kung saan kami nakatira.
Be blessed din brod..
thanks for visitina TARAGIS.COM
and welcome to your new home!! =)
no problem BON.
may naalala ako sa acronym na BON..
haha wala lang…
Dahil isa’t kalahating may sayad ang utak ko. Iba’iba ang kulay ng dingding namin sa bahay-kubo kahit munti ay sari-sari. Basta ganun.
Malamig sa mata ang iyong OBRA.
Tama ka, ikaw ang artist at ikaw ang bahala sa disenyo ng iyong OBRA.
may pagka abstract o assorted type?? ayus din yun mas may dating para sakin. hehehe
salamat pareng jkulisap..
slamat kapwa artist… 😀
Oo, sari-sari ang kulay. Parang crayons lang. Lol
at maganda ang kinalabasan in fairness eheheh
hahaha ..pramis??
buti naman at napatambay ka dito , madalas ako sa damuhan mo eh…hehehe
thanks..
Nakasalalay ang resulta sa gumagawa 🙂
Lagi akong nagvo-volunteer sa bahay pag may papapinturahan, ang saya diba? Kaso bakit limang araw ang inabot ng sa ‘yo? 😐
oo naman masaya at nakakaadik ang amoy..hahaha
mejo mahaba din kasi yung gaet di lang nakita sa pic, pati may stop over din pag naulan .ako na todo explain ..
wehehhe
nice post… ayos din ang trip mo noh… singhutin daw ba ang pintura ayan tuloy naging matino ka at nakagawa ng ganitong poste… nice job….
minsan ok din pla mag adik sa pintura ..hehehe…
madami kang marerealize..hahaha para akong adik 0_o
may tama ka, sa’yo nakasalalay kung ano ang kalalabasan ng isang bagay.
nung bata ako, tuwing bakasyon lagi pinapapintahan sa akin yung gate namin, halos katulad din ng gate nio, ang hirap pintahan. madugo. kelangan kayasin muna bawat sulok at saka pintahan ulet. dahil sa bahay namin ito, kailangan ko mapaganda ang pagpipinta. pagtanda, nakahakot ako ng kaibigan na tutulong sakin magpinta. ganun din siguro sa buhay, ang kaibigan din ay makakatulong sa atin sa ating mga desisyon.
nakahanap din ako nang makakarelate sa pagpipinta ng ganyang klase ng gate. kakaibang skill ang kailngan …Dapat nag fine arts muna ..lolz.
dugot baga ang pinundar para mtapos yan ..hehehe..
tama ka dude at minsan nakikipinta din sila sa buhay natin ^_^
Maganda ang iyong attitude. Pero bakit naman inabot ka ng 5 araw para pinturahan ang isang gate.Siguro kung saan saan dumadaloy ang iyong isip habang nagpipintura ka. Ilang coat ba ang ginanawa mo. Pero sulit naman yata
0o nga hindi ko rin sukat akalain na aabutin ako ng 5 days ..mabusisi talaga siya. pero may konting patigil-tigil ako kasi maulan nung pinipinta ko yan.. sulit tlaga tsong 😀