Ang Elevator. Ang Dorm. Ang Condo. At ang Puso ko.

Pauwi ako galing work. Half Awake at zombie mode. Sumakay ako ng elevator at nadatnan ko ang isang babae dun. Nagdalawang isip ako kung sasakay ako kasi baka samantalahin niya lang ang kahinaan ko. Nakatingin siya sakin. Wala na kong nagawa ate charo. Nag paubaya na ako at sumakay sa elevator. Makalipas ang ilang segundo nangamoy sunog na wire sa loob ng elevator. Dahil sobrang antok ako , deadma lang.

Stranger Girl: Naamoy mo? Amoy sunog na wire.

Ako: Parang hindi naman.  *blunt affect*

Stranger girl: ayan lumalakas ang amoy.

Ako: Parang hindi naman. *blunt affect*

Malaman na lang natin yan pag sumabog.

Blunt Affect ba kamo?? -_-

Blunt Affect ba kamo?? -_-

Hindi ko talaga makakalimutan ang itsura nung stranger na girl nung sinabi ko ang mga salitang ‘yun. Buti na lang talaga illegal ang pumatay ng tao kung hindi baka’ na-cedrick lee’ ako ng wala sa oras.

Nakarating naman ako ng ligtas sa hawla este sa dorm ko ( third floor). Malawak ang space nito. Pwedeng mag sport fest. Pwedeng mag finals at mag elimination round ng chess o kaya snake and ladders.

Pinikit ko na ang aking mata. Baling dito. Baling doon. Nilagay ang unan sa may paanan. Lumipat ng posisyon. Umikot pakaliwa. Dumapa. Humarap . Umikot pakanan. Dumilat. Pumikit. Nag close-open ang eyes ng limang beses. %#$%^T_T hindi ako makatulog sa sobrang init. Summer na nga. Pakiramdam ko isa akong litson na paulit-ulit na iniikot para maging pantay ang pagkakaluto. Naglalatik na ako at Apple na lang sa bibig ang kulang matatawag mo na talaga akong isang ganap na lechon.Ang pinagkaiba ko lang sa lechon, ako nakadilat habang iniikot ,ang lechon nakapikit. Baka nakatulog na siya. Ako hindi pa. LoserMuch.

Nagising ako bandang 11:00am ( Kung gising ngang matatawag ang pagbangon sa kama kahit hindi ka naman talaga nakatulog.) Kumuha ako ng tubig para hindi ako ma-heat stroke . Muntik nang mapaso ang dila ko habang nilalagok ang tubig mula sa baso. Pwede na ata akong magtimpla ng kape galing sa pitsel na ‘yon. AYOS!

May mga pagkakataong inaatake ako ng hika dahil sa sobrang init sa dorm. Hindi naman ako makaubo ng sunod-sunod kasi baka dahil sa friction ng pag -ubo biglang mag alab ang lalamunan ko  or pag nangati ka at kinagat ng insect hindi ka pwedeng magkamot ng more than 7.56 seconds kasi mag aapoy ka. Third degree burn agad. Doon ko napatunayang hindi ang Proxima Centauri ang pinakamalapit na bagay sa sun. Kwarto ko , parang katabi lang ni haring araw. Gagawan ko ng thesis ‘to. Baka ang discovery kong ito ang susi para maging mayaman ako. $_$

True to life . Story of my life. *sigh*

True to life . Story of my life. *sigh*

Hindi ako OA sa pagiging hot ng dorm ko kasi kanina nung dinala ko yung mga marurumi kong damit sa laundry shop , hinawakan ni ate ang mga damit para bilangin. Tinanong niya bakit daw ang init nung mga damit. Sabi ko kasi po “hot” yung nagsuot. Siyempre joke lang yun. Sabi ko kasi po may lagnat sila akala ko po doktor kayo. Siyempre joke lang ulit yun. Sinabi ko na ang init na nararamdaman niyo po ay 1/8 nang init sa dorm na tinutuluyan ko. Tumahimik si ate pero nakita ko mejo teary eyed siya. Parang gusto niyang sabihin na sumulat ka sa ‘MMK’ o kaya sa ‘Wish ko lang’ baka bigyan ka ng condo. Tapos papuntahin mo si bong Vhong . Pagdalahin mo ng foods. Sabihan mo ng “bad boy ka” . Tapos ayun instant celebrity ka na. Ay! Kailangan mo rin palang  mag rap muna sa startalk.

Sabi ko pumunta ka ng condo. Ba’t mo ako tinulak agad sa banyo.

May anak kang mga lalaki. Anong ituturo mo sa kanila paglaki.

Sabi ko lang magdala ka ng food. I thought everything is good.

Tapos bigla ka na lang naging rude. Nagulpi ka tuloy ni dude.

Break it down!

At dear diary , doon nga natapos ang journey ko ng isang araw.

Kung nagtataka ka kung bakit may “ang puso ko” sa title.

Wag na.

Wag mo na ring hanapin “Ang puso ko”.

May kumuha na.

Hindi niya na ata ibabalik.

Di rin ako sure.

Baka si kupido ang kumuha.

Ginawang target para sa archery lesson niya.

Actual archery target board of kupido: Yung totoo? bakit apol yung tinatarget mo? :3

Actual archery target board of kupido: Yung totoo? bakit apol yung tinatarget mo? :3

Happy love month sa lahat! <3

About these ads

45 thoughts on “Ang Elevator. Ang Dorm. Ang Condo. At ang Puso ko.

  1. Pingback: What a journey it has been…. | Bagotilyo

  2. Natawa ako sa rap mo! Haha. may itinuro sa akin yung kakilala kong nag-aayos ng aircon. BIli ka daw ng insulator sheet sa hardware store (yung parang aluminum foil na nakadikit sa parang styro) tapos itapal mo sa bintana, facing paloob yung foil. Nakakareduce sya talaga ng init :)

  3. aliw naman swabeng post lang tamang kwela! norms ung words na ginamet which makes it even better, parang kasama mo ko whole day ganun ung epek!
    anyway lipat ka na ng dorm hirap ng ganyans

  4. ayun oh nagpost din siya.. nyahaha.. at natawa na naman ako.. ayus sa blunt affect ah… kawawa ka naman kasi mainit ang dorm mo at hindi ka hot. nyahaha.. keep posting!

  5. Iba talaga mag react ang male at female sa mga situations. Females tend to elaborate and recreate scenarios in mind when they perceive a small hint that could lead to threat, thus conveying to others the need to be alert. The male species on the other hand thinks that actions and alert should be taken when there’s a compelling reason for them to do so. Therefore, a smell of burning wire is not a threat. But when there’s smoke and sparks all over, then they will prompt others to get ready for an eventual emergency. This explains why females, in case there’s a nuclear holocaust or a zombie attack, would live on longer than the male species, because they are smart enough to keep themselves away from danger while the male species is fool enough to think that danger is far away.

    Anyway, what I really wanna say is that Deniece is one real bitch and Vhong is one real dumbass, and Cedrick Lee is one heck of a dickhead, and the Filipino media is one fucktard, and those who are so suck up to all this circus are mentally-challenged spawns of unmarried antecedents.

    As for your room as the ultimate portal to the Sun, well I have no comment on that. But if you said that it is as hot as hell, I will beg to differ. The gates of hell are situated in three places in the Philippines- Malacanang, Batasan Pambansa, and at the Senate of the Philippines. Hindi lang ramdam kasi full-blast ang air-con dun sa mga lugar na yon.

    Pakisabi na rin kay Kupido kung mapapadaan diyan sa kwarto mo na wag na huwag siyang magkamali na dumaan sa lugar ko dahil papatayin ko siya.

    • Pwede ring tignan sa context na mabilis mag panic ang mga babae , kaya minsan hindi sila nakakapag isip ng immediate and right response sa mga emergency situation. ( Piangtanggol ko talaga ang male species) wahhahaha…

      Buti nga mejo tapos na ang issue . baka mamaya naka move on na mismo ang mga taong involve ang filipino media hindi pa. :p

      Parang andaming galit kay kupido.Kaya pala hindi siya nagpapakita baka ma murder ng wala sa oras. haha :D

  6. So yan pala blunt face mo Ninong… Supladong bagotilyo ang effect.

    Naaliw ako dito post mo! Nawala ng slight ang pagka miss ko sa Pinas! At dahil dyan, dito na lang ako sa Dubai, di na ko babalik hahaha

  7. ay, salamat, me post na rin sya… ;) oy, seryoso me sa invitation sa iyo, maging panauhin sa amin, ha. ihanda mo na.. ta’s magre-review ako rito sa lab posts mo para makagawa ng feb-ibig post, yihee. :) di talaga natakam sa ‘yo ale sa elevator?

  8. AHahahahahaha, akala ko nung nagpalaba ka may mantsa ng kahalayan na nakita si Ate.. LOLS.. O baka sabihin mo nanaman ang bastus ko sayo??? AHahahaha, bastus ka din kasi dun sa babae. lels

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s