Para Sa’yo – Level 2

*Ang lakas maka candy crush ng title . hahaha*
 

 

Ang pag-ibig ay walang walang pinipiling oras at panahon:

1. Basahin ang PARA SA’YO para makarelate

 O

2. Ipagpatuloy ang pagbabasa para di makarelate.

 
 

Isang taon ang ginugol , maingat na sinaliksik ang mga salita at nararamdaman kaya inabot  ng ganun katagal bago nasundan ang blogpost kong PARA SA’YO. #Palusot.Com #Excuses #Alibis #Amalayer #Hashtag #AnoToTwitter . Sa totoo lang di ko alam kung masusundan pa ito. Pero dumating ka. Hinawakan mo ang kamay ko at hinila ako sa dalampasigan. Hindi ko tinuruan ang puso ko para mahalin ka. Ikaw ang gumawa nun. Hindi rin ako sigurado kung tinuruan mo ngang magmahal muli ang puso ko o kusa na lang nangyari ang lahat. May mga bagay kasing hindi na kailangang pag aralan pa bago matutunan , baka isa ito sa mga ‘yon.  Ang pag-ibig ay hindi isang learned ability o learned behavior . Nagmamahal tayo hindi dahil tinuro ito ng sinoman. Nagmamahal tayo hindi dahil kailangan nating magmahal para mabuhay. Simple lang, nagmamahal tayo kasi may kakayanan tayong magmahal. Nagkataon lang na sadyang may darating sa ating buhay para ipaalala na may kakayanan pala tayong gawin o maramdaman ‘yon.

Andito na ko ngayon sa moment na nagdive na ko sa dagat ng pag-ibig kahit hindi ako marunong lumangoy. Pero dahil kasama kita wala na kong pakialam kung makakahinga pa ba ko habang sinisisid ang lalim ng ating relasyon. Wala na ‘kong pakialam kung mamatay ako dahil sa hypoxia sa ilalim ( IGMG : I google mo ganda/gwapo :p )

  

Atlantis Bahamas Ruins Lagoon

Disclaimer: ninenok lang ang picture.

Maganda naman sa ilalim may iba’t ibang uri ng  isda , makukulay ang mga coral reefs , may seahorse , may dolphins at starfish pero wala pa rin talaga si nemo. :(

Dinala mo ko sa mundong iba sa kinasanayan ko. Tinuro mo sakin na hindi lang pala iisa ang mundong mayroon sa lupa. Tinuro mo sakin na may langit din pala sa lupa…….. o sa dagat. Oo , ganito nga paginlab ka . Hibang. Para kang nakadrugs . Nalulong ka na sa bisyong masama kapag sumobra ngunit masama rin kapag kulang , kapag kapos.

 

Wala ng resistance ngayon , wala ng hesitation . Tuluyan na kong nagpaubaya . Wala akong scales o dalang oxygen tank kaya di ko alam kung paano kong nagagawang huminga sa ilalim ng dagat . Sa sobrang gusto kong maging parte ng buhay mo , sa sobrang gusto kong maging parte ng mundo mo , kahit paghinga o pagtibok ng puso ko kaya kong ilaan lahat sa’yo. ( Cheesy me? :3)

 

Patuloy tayong sumisid pailalim . Magkahawak kamay sa simula . May mga oras na bibitawan ang isa’t isa para mas maikampay ang mga kamay , para mas makalangoy ng maayos. Pero hindi rin nagtatagal ang mga sandaling ‘yon . Minsan ikaw ang unang umaabot ng mga kamay ko , minsan ako naman ang umaabot sa mga kamay mo. Eto yung mga panahong alam mong matatapos lang ang relasyon niyo kapag mas mahal mo na ang pride mo kaysa sa kanya. Hindi sapat na dahilan na nawala na ang mga magagandang katangiang hinangaan mo sa kanya noong naghahabulan pa lang kayo  sa beach at hindi pa kayo lumalangoy talaga sa dagat. Lalong hindi sapat na dahilan na nakita mo ang mga kamalian niya para iwanan mo siya.  Humulas man ang make up niya nung nakababad kayo sa tubig o lumutang man ang foam sa loob ng bra niya , patuloy mo pa rin siyang mamahalin ng buong-buo. Hindi naman kasi ang mga katangian niya o kakulangan ang dahilan kung bakit mo siya mahal kung hindi ang buong pagkatao niya mismo.

 

“Sapat na dapat ang pagmamahal para punuan ang kakulangan ng bawat isa .”

“Sapat na dapat ang pagmamahal para tanggalin ang lahat ng takot at mga pagdududa.”

 
 
 
 
Dahil ang tunay na pag-ibig ay walang pinipiling oras at panahon , lalong lalo na ng lugar at pagkakataon.
 

Sa karagatan man o kalangitan….
 

Sa kabundukan man o kalawakan…..
 

Sa mundo man ng mga engkanto o sa daigdig na wala pang tao….
 

Basta kasama  ang  mahal mo buo na ang  mundong pinapangarap mo.
 

About these ads

66 thoughts on “Para Sa’yo – Level 2

  1. mukhang natagpuan mo na ang serena ng iyong buhay.

    ang sarap basahin habang nasa dalampasigan sa lilim ng coconut tree.
    ang pagibig ay parang hangin di mo man mahawakan pero nandyan lang na nagbibigay buhay sa yung pagkatao, pagkain na bumubusog sayong puso at araw na nagbibigay init sa gabing malamig. nak’s nakakahawa ang yung inlababo peg.

  2. ngaun lang ulit nakabalik sa bahay mo at boom…. panalo ang bawat sulat di ko alam kung dahil matagal ka nawala at naisulat mo ang mga bagay bagay na ito.. pude ka na gumawa ng libro tungkol sa pag ibig kung ganun..

  3. “Pero dahil kasama kita wala na kong pakialam kung makakahinga pa ba ko habang sinisisid ang lalim ng ating relasyon.”

    Ay nako. Sa linyang yan palang, namatay nako! Super sweet. :) Super nice! :)

  4. For some reason, I didn’t understand this post much, but, I think you’re now in love ? Well, that’s great ! ! Any girl would be so lucky and blessed to have you loving her. You sound so sincere and look like the guy who is true and sincere, loyal, and trustworthy. You will be the perfect boyfriend.

    May your tribe increase ! ! Cheers !

    • wag ka nga… haha

      baka lumaki ulo ko.

      So , magpaparami na ko ng lahi para dumami na kami.?

      now na?

      hehhee..

      Naintindihan o ba tagalog ko dito sa comment?

      Cheers!

      • I understand everything except lahi.

        I love to read about this kind of stuff written by guys. It makes me believe there are men who are capable of this kind of love, much as women are. You know what I mean. I’m a cynical romantic, he he. Keep it up, bagotilyo !

        • “lahi” is race/breed.

          When Men really fall in love they really fall in love. Maniwala ka malalim magmahal ang mga lalaki :)

          napangiti ako dun sa keep it up :p

          • Really? I don’t doubt that. But it will not keep you from succumbing to temptation when opportunity comes knocking from women willing. It’s always a depressing thought.

  5. Ang kulit ko lang, hindi ko binasa ‘yung part 1 kaya hindi ako naka-relate…hehehe… pero ang totoo, I just hate love (sa ngayon)… mahalin mo na kasi ako para mutual na…so I could believe in love again… hehehe

  6. wow ha! pogi may pinaghuhugotan?

    ayaw ko munang mag dive churva sa lab lab na yan, ok pa akong nageexplore muna…sapat nga ba ang pagibig lang?malamang, pero ewan..echause!!!

    hi pogi! :D

    • At ako’y muling nagbabalik! Hahaha

      Yong unang part, nasa dalampasigan ka palang, nanghihikayat na lumangoy, dito eh nagdive ka na at sumisid upang maenjoy ang mga isda sa ilalim ng tubig…

      May tanong lang ako…

      Pano mapupunuan kung ang kakulangan ay mismong pagmamahal? Mapupunuan ba ang kakulangan nang isa pang kakulangan?

      Pano tatanggalin ng pagmamahal ang takot at pagdududa, kung mismong ang pagmamahal ang iyong kinatatakutan at pinagdududahan?

      Pano kung ang dagat na aking nilangoy ay natuyuan na ng tubig at akoy naiwang parang isda na sisinghap singhap at di makahinga sa bitak na lupa?

      May bubuo pa ba sa mundong binuo namin kung mismong ang pagmamahal ang sumira nito?
      :(

      • may pinagdadaanan si ninong oh! hehehe

        > gaya nga ng sinabi ko hindi maganda ang bagay na ‘to kapag kapos.

        > Hindi mapupunuan ang iba pang mga bagay ninong kung kapos sa pagmamahal.

        > Tama man o mali ang pag-ibig , para sakin hindi dapat ito pagdudahan. Ewan ko ah. hehehe

        > Lilipat tayo sa aquarium . dadamihan natin ang tubig. :p

        > Love must build things not the other way around. ( oha! english) haha

        I PM mo sakin yang pinagdadaanan mo :p

  7. isang malangaming post naman to parekoy! pero agreeng agree naman
    ako ganyan din naramdaman ko haha

    “Sapat na dapat ang pagmamahal para punuan ang kakulangan ng bawat isa .”
    “Sapat na dapat ang pagmamahal para tanggalin ang lahat ng takot at mga pagdududa.” relate ako sa mga to parekoy sobrang tagos ee

    anyway mukang inspired na inspired ka talaga ahh

  8. naks parekoy, kaya pala medyo nawala ka ng bahagya at abala ka sa pagsisid ng malalim na karagatan. Hinay hinay sa paglangoy at kunga maari huwag kang bibitiw sa pagkakapit ngunit kung kailangan mo ring huminga, maari ka pa rin umahon…Goodluck! nice one ;-)

  9. Nagmamahal pa rin tayo kahit nasaktan na tayo before or kahit natatakot tayo kasi kung pinili natin ‘wag magmahal parang pinili na rin nating wag mabuhay. :)

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s