Moving On Series (Simula)

PROLOGUE

 

Wow!! Prologue talaga? Bilang ako ay isang frustrated author at alam kong malakas maka”Libro” pag may prologue , hayaan niyo na kong gawan ng paunang salita ang moving on series ko na isinulat ko magdadalawang taon na rin ang nakakalipas. Pwede ba or pwedeng-pwede ba? Asahan niyo pong sa mga susunod na araw , linggo , buwan o taon maglalagay din ako ng epilogue , acknowledgement ,  Dedication (with pictures ng EX) at kung ano-ano pa. Pero maniwala ka naka move on na talaga ako! Pramis!

Gumawa ako ng prologue hindi dahil ayokong matapos ang series , Hindi dahil ayokong makalimutan siya (gustong- gusto ko na, hindi ko lang kaya). Sadyang may mga bagay lang talaga sa buhay natin na kahit lagyan mo ng tuldok hindi pa rin matapos tapos. Kasi minsan hindi natin napapansin na series of tuldok na pala ang ginagawa at nilalagay natin gaya nito:

 

Nagmuka lang tuloy na may karugtong pa ang mga nasabing salita.

Nagmuka lang tuloy na may karugtong pa ang mga nasabing salita.

 

May nagrequest sakin last year na gumawa ako ng blogpost kung bakit may mga taong matagal mag move on. Dahil masaya ang puso ko noong mga panahong yun , hindi ko siya pinagbigyan.  Oooppss! hindi ko sinasabing malungkot ang puso ko ngayon at hindi ako naniniwala sa kasabihang nahuhuli ang isda sa kanyang sariling bibig. Kasi hindi naman ako isda. Pero minsan gusto ko na ring maging si nemo para kahit papano may maghanap naman sa naliligaw kong puso na isdang tulad ko. Ang Nemo emo ko lang.

 
 

Bakit hindi pwedeng parang swimming na lang ang pagmomove on na pwedeng matapos overnight?
Bakit  hindi pwedeng maghanap na lang ng iba at maki sleepover para lang maka get over?
Bakit kailangang patayin ka sa bawat minutong namimiss mo siya?
Bakit mahirap tanggapin na  masaya siya kahit wala ka?
Bakit  nga ba “The sun is the center of the solar system”
at bakit ikaw na ang naging sentro ng buhay ko?
Parehas lang ba ang equation at composition
ng araw at ikaw ; ng solar system at ako.
Bakit ang corny ko?

 

Lahat ng tao nahihirapan sa prosesong ito. Lahat natagalan, maliban na lang kung naglaro ka lang o kung hindi mo sineryoso ang mga salitang sinabi mo ( at kung hindi ka nanghinayang sa mga laway na pinagsaluhan niyo o kung hindi ka nasarapan sa laway niya)  at kung hindi ka nagmahal ng buong-buo , ng buong puso at buong pagkatao. Kung installment ka magmahal mas mabuti sigurong wag ka na lang magmahal, pero dahil alam kong nahihirapan ka ngayon sigurado akong binigay mo na lahat. Lahat-lahat.

Sinulat ko ang series na ito para ipaalala na hindi lang ikaw ang nag-iisang tao na dumadaan sa ganitong pagsubok. Na somewhere out there may nakakaintindi sa walang kwentang  pinagdadaanan mo at may nakakaramdam ng nararamdaman mo. Na hindi ka nag-iisa sa laban na alam kong matagal mo nang sinukuan.

 
 
 

Moving On Stage Zero : The Great Pain

Moving On Stage One: Reminisce

Moving On Stage Two: Depression

Moving On Stage three: Bitterness

Moving On Stage Four: Exhaustion

Moving On Stage Five:  Letting Go

About these ads

94 thoughts on “Moving On Series (Simula)

  1. uy, musta ka na? mabenta talaga ‘tong series mo, naman… guru ka talaga, kapatid. heniwey, ganire, sabi ng experts, two and a half years lang daw ang length ng pagka-in love ng isang tao, as in… after that, wala na raw yong magic, bagotilyo. paki-tsek mo, kung gaano na yan katagal, ha… ;)

  2. in the two years that i have stalked you ngayon lng ako nagkaroon ng courage na umamin… but of course kelangan parin samahan ng hint of mysteriousness and some sort of self preservation… haha q:

    dati kapag tinatanong ng mga kaibigan ko who i’m stalking,, i always reply “si crush.”
    dati yun,, ngayon “inspirasyon” na ang tawag ko…

    creepy ba? haha
    don’t worry wala pa naman ako napapatay hahahaha q:

    btw. i made a recording of your moving-on series pala for my bestfriend,, i made a few adjustments kasi medj nabubulol ako sa ibang words ee,,, hehe
    will send you a link nlng q:

    • two years tlga?? hahah… Clueless ako kung sino ka..

      kilala po ba kita? :)

      harmless naman pala. hehehe.. salamat naman at nakakainspire ako ng tao.

      Currently listening sa recording mo. Ang sexy ng boses .

  3. Grabe ang lovelife mo, hindi siya love story. It’s love history… ang haba. i think kaya mahirap magmove on eh dahil hindi ka nagmomove on mula sa kanya, kundi nagmomove on ka mula sa sarili mo. gumaganun LOL

    • yun lang pare.. dalawa kasi silang winowork out ko. sarili ko at siya! hahahhaha… Pwede na bang subject to sa clase kapalit ng philippine history? lol

  4. Ang dami mong alam sa pag ibig! ilang beses ka na bang nasaktan, na inlove at naging tanga ulit…lol

    I guess what is important is that we learn from every heartbreak and move on! yon tlga! hahahaha!

  5. Bakit ganun kung sino yung maraming alam sa lub, sila yung zero sa lovelife?

    Hindi ikaw yung tinutukoy ko pre, ako! :P

    Apir sa matagal makamove-on!

  6. andami talagang alam si bagotilyo sa love kaya dapat ka ng itumba hahahaha :) oi napadaan ako sa sikat mong blog .. abangan ko ung series mo lalo na ung sa bitterness hahaha

  7. love nga naman…. hirap talaga mag move on… hindi dapat minamadali yan… kusa yang hihilom….

    un bang darating ung time na naka move on ka na pala pero di mo namamalayan….

    like ko to – Bakit hindi pwedeng parang swimming na lang ang pagmomove on na pwedeng matapos overnight?

    Join ka sa project … ung kwento ni nanay… nasa blog ko lang un ^^ thanks

  8. Sa totoo lang, masakit talaga sa bangs ‘to eh. Pero mas madalas, lumilipas din talaga. Sa kaso ko, ganun. Ewan ko sa iba. Bahala na sila sa mga buhay nila. Enjoyin na lang siguro nila ang sakit. Hehe.

  9. “Bakit kailangang patayin ka sa bawat minutong namimiss mo siya?”

    Eto ata yung pinakamasakit na parte sa pag momove on. </3
    Pero para sakin, kahit anong sabi mo na naka move on ka na, may matitira't matitira ka pa ring feelings para sa kanya.

  10. wala akong masabi kundi hangad ko na mabago ang iyong kapalaran sa pagpapalit ng zodiac sign sa makalawa. makakaahon ka rin sa pagsu-swimming. hehehe

  11. Ang hardcore nun with dedication na may picture ng ex, ikaw na ang hindi maka move on. :D Pero aminado sa akin sarili, isa ako sa ilang nagsasabi na nakamove on ngunit echoz lamang ang lahat. Takte, dun ako naging masaya, bakit ko kakalimutan? Sabi nila, basta kapag natanggap mo na raw ang sitwasyon ay naka first step ka na sa pagmomove on, pagtanggap sa sarili na wala na.

    • ayokong maniwala sa sabi nila. naniniwala akong mahal ko pa din siya! boom! pero joke lang yan kasi nakamove on n tlga ako. ahahah

      yung picture ni ex tapos may drowing drowing ang muka. hahaha.. yun yung ipopost ko :p

  12. At sana lang naka moved on ka na dahil kung hindi baka magkaroon pa rin eto ng sequel.

    Honestly, may iilan akong nabasa sa series na ito pero di lahat ay nabasa ko kasi madugo eh, mapuso, may mga experiences din ako at ako rin ay matagal maka move on.

    By the way, you’re really a good writer. Your thought process is awesome!

    • ewan ko ba kung bakit tlga antagal ko mag move on. yung tipo sigurong may asawat anak na siya at apo at apo sa tuhod. baka naka move on n ko nun nang slight. hahaha

      Oh! salamat daddy jay . na tats ako dun ah. :)

  13. ay parang nabitin naman ako hehe.. naka-move on ka na ba talaga? nacurious tuloy ako jan sa ex mo at sa love story nio..first love mo ba sya? kasi yung first love ko 2 years din bago ako nakamove on eh.. at hindi pa mangyayari un kung hindi dumating yung sumunod na naging boyfriend ko na ex ko na rin ngaun haha! ang ilap lang ng happy ending hahaha…

    • We’re just friends.. showbiz lang?? hehehe

      oo nga ang ilap-ilap ng happy ending.

      pramis naka move on n ko. muka lang hindi pa. hahahha.. mapanlinlang ang blog. :p

  14. naks…. mukhang magiging isa ka na din sa lilinya kina ramon bautista at marcelo santos ha….

    anyway.. naexcite naman ako dito sa series na to.. sanay tuloy-tuloy to. walang bitawan baka di ako makamove-on pagnagkaganun.. hahha…

  15. Kaya marami pang hirap mag move on dahil naka sink in sa knila na baka sa huli ay sila pa rin ang pipiliin. tsk tsk tsk…kung may nabibili lang bang gamot sa butika nito eh..madali lang sana….hala parekoy isang mahusay na panulat na naman ito..sana makatulong sa mga taong hirap maka move on..;-)

    • Sana nga pare may nabibili na lang na gamot sa botika. hahha..

      Pero parang walang kwenta namang mainlove pag may nabibiling gamot para maka move on. :)

      Salamat pare. Sana maka move on na kaming lahat, now na. lol

  16. New side ka nanaman..KORNI.. hahaha,

    Wala naman masama kung matagal ka maka move on kasi nga umaasa ka pa. Wala naman masamang umasa. Ang masama kung napapabayaan mo na sarili mo sa pag asang mag pag asa pang maging kayo. Karma’s a bitch. Umiyak ka man nagyun panget. Bukas panget ka pa din..oh sorry, bukas ngingiti ka na..SMile na.

    • nainspire ako dito sa comment mo.. pramis. nainspire akong magpa pogi. wahhahah

      humanda ka sakin panget pag nagcomment ako sa blog mo. :p

      Palaasa kasi ako , tapos mabilis ako maniwala sa mga salita , assumero din minsan. Lol

  17. hindi ka pa rin nakapag moe on pre? tsk! isipin mo na lang, ampangit at napakaitim ng budhi niya.

    cheer up. andaming babae sa mundo. isipin mong indemand tayong mga lalake.

  18. Wow ang astig. I like the way you wrote it na balance ung topic sa pagiging light ng pag susulat mo. di ko pa siya tapos hehehehe.Nasa THe Great Pain palang ako… I just follow ur blog through my email peo di lumalabas sa feeds ko sa blog. pano ko ba to i foflow directly? hahah nag tanong

  19. in fairness pwedeng pwede ka maging author ahh,
    haha pero syempre di ko pa nababasa lahat nakahapyaw pa lang ako!
    anyway madame makakarelate dito malamang!

  20. nabasa ko kaya lahat ng parts ng moving on. pero honestly, mahirap talagang magmove on. pero dapat kayanin. nice post! care to ex link? lol

  21. hindi ko rin masagot ung tanong kung bakit nga ba mahirap makamove-on, guilty din ako jan. mas malala pa nga ata ako kasi hindi naging kami, ayaw nya lang sakin. 4 years nya akong iniwasan, 3 years kami nalawan ng komunikasyon, pero inlab pa rin ako..siguro kung hindi ko nakilala misis ko, lugmok pa rin ako…pre, time will heal the wounds, may plano lang si Lord sa atin na mas maganda :)

  22. kahit naman marami at LAHAT pa nakaka-relate sa saklap ng nangyayari after hiwalayan, feeling ko di naman nakakatulong na maibsan ang sakit. it’s still the same. ;-(

  23. sabi kaseng mag moved on na. Hahaha!

    May naalala ako ‘di ba ang mga pelikula o nobela pag ending na ang nakalagay lang ‘end’ walang tuldok. Wala daw kase ending ang paglimot kase wala tayong alzheimer o kaya amnesia.

  24. “Bakit hindi pwedeng maghanap na lang ng iba at maki sleepover para lang maka get over?

    Bakit kailangang patayin ka sa bawat minutong namimiss mo siya?

    Bakit mahirap tanggapin na masaya siya kahit wala ka?” – ;) Ay, susko, di mo pa tanggap till now, kapatid? Pambihira… Maraming klase ng laway, john. you won’t know the other kinds pag di ka nag-move on, pramis. ;) biro lang…

    hahaha, nag-intro lang ng dati pang naisulat, ikaw na ang creative, hala… makulit pa rin, ikaw na talaga ang love guru. :) musta?

    • haha.. antawa ako dun sa maraming klase ng laway ate susan. meron bang makamandag na laway? meron din bang gudmorning laway? yung lasang panis. ganyan. hehehe

      nagkaidea lang ako dun sa post mo na explanations and stories behind the blogpost :p

      ayokong matawag na love guru. pakiramdam ko sobrang tanda ko na. hahahha

      ok lng naman ang lahat dito. pramis! hindi ako nagmomove on ngayon . kaw musta jan?

  25. Wow! Agree ako kay renxkyoko! Not all guys show this side, bravo for you! And I agree with Lalah too! If you find this therapeutic, then go ahead! :)

  26. Tama ka jan Moises!

    In letting go talaga, kailangan mo ng mataas na antas ng pag tanggap at openness towards life. Naniniwala ako na kailangan talaga natin matutunan na pakawalan ang maraming bagay sa ating buhay kahit yung mga taong minahal natin. Kung yung mga bagay/taong yun ay talagang para sa iyo, then they’ll stay.

  27. ang lalim mo talaga minsan, ahaha! Mahirap naman talagang mag move on, pero lagi ko nalang iniisip na hindi nawawala ang sakit, natututo ka lang mabuhay kasama siya.

  28. ayoko dito moises!! hahaha joks!! moving on takes a process the same, its like grieving. ganon din diba? whats important there is don’t be static with your feelings that will lead to depression!! so iyak, tapos tawa! ganyan! hindi yan baliw, normal yan at masasabing healthy talaga yan!! hahaha ohhh i know it right, i cried sabay tawa!! baliw baliwan pero mas natawa ako nong sinabi na yon ang pinaka healthy pala!! charooss lang! hahaha

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s