Talking to myself again….

Man-in-the-mirror

Ang picture ay ninenok este hiniram sa kksblog.com

Magic mirror ni tito Boy Abunda: “BAKIT KA NAGBA-BLOG?

 
 

Uy! Parang ambush question ‘to , parang one million dollar question. Ganyan. Napakagandang tanong para paganahin ang matagal nang natutulog kong utak . Isang tanong mula sa magandang babae sa blogworld (oo , umaasa talaga ako na may plus point ang pagbigay ko nang compliment sa’yo hehe.)

 
Hindi ako maituturing beterano sa pagbablog pero hindi rin naman ako ganun ka bagito para malaman na sa bawat sinusulat ko hindi maiiwasang magkaroon ng mali. Mga maling pagamit  paggamit ng salita , maling bantas , mga nonsense na talata , mga error sa bararila ( na pwedeng ipalusot na typo error lang)  mga walang kwentang kuro-kuro , at mga paligoy-ligoy na punto (gaya nito) . Naging requirement na yata na ‘pag blogger ka kailangan mong matuto. Hindi lang para sa sarili kundi para na din sa nakararami, para sa mga mambabasa. O kung ako lang ang nagbabasa ng blog ko. Ok lang natuto pa rin ako. Oo malabo talaga ako kausap madalas minsan.
  

(1)    Nagbablog ako kasi gusto kong matuto.: Para saan pa ang buhay kung hindi ka natututo . Para saan pa ang mga mali kung hindi mo ito itatama. The essence of life is learning. Isang katotohanang paulit-ulit na ipinapaalala sa akin ng pagbablog.

 

(2)    Nagbablog ako kasi gusto kong maging inspirasyon: Gusto kong may mapulot na aral sa akin ang mambabasa sa parehong paraan na gusto kong may mapulot na aral sa kanila.

 

(3)    Self expression: Gusto kong sabihin sa mundo na walang limitasyon ang imahinasyon ng tao. Na mayroong matatapang na nilalang sa ibang mundo (hindi sa outer space) na walang habas na nagbibigay ng opinyon , nagbibigay ng impormasyon, nagsisiwalat ng mali sa lipunan , nagbubulgar ng katotohanan , nagkekwento ng istorya nila sa buhay nakakatawa man ito , nakakaiyak, nakakabagot o nakakainis. Matatapang kasi bukas sa panghuhusga . Isang katangiang lahat tayo ay pinagkalooban pero hindi lahat ay ginagamit.

 

(4)    Self Discovery : Sa pagsusulat mas nakikilala ko pa ang aking sarili. Yung natatagong “ako” , Yung mababaw na “ako” , at yung mas may sense na “ako”. Kadalasan kasi nakakalimutan ko kung sino yung nahulmang tao sa mga pinagdaanan ko sa buhay (lakas maka MMK). Oo ate charo makakalimutin na po ang lolo niyo. Wish ko lang maalala ko magpakailanman.  Tapos nagbackread ulit ako ayun maaalala ko na yun pala ang “alamat ni bagotilyo”. Ang mga blog entry ang reminder at ako ang buhay na patotoo na ako ay natuto kahit papaano.

  

Gusto ko sana lima ang reasons ko. Teka wait lang.

 

(a moment of silence)

 

Pinatahimik ang utak para mas marinig ang puso.

 

Wala pa rin..

 

Pinatahimik ang puso para mas marinig ang utak.

 

Lalong wala.

 

Pinatahimik ng sabay.

 

Nakakabinging katahimikan.

 

<insert cricket sound>

 

Siguro kung ilang buwan pa lang ako nagbablog kung saan mas may dahilan ,at mas may direksiyon pa ang pagsusulat mas marami siguro akong mabibigay na dahilan. Pero sa puntong ito na halos dumadaloy na sa dugo ko ang pagbablog ( OA lang) masasabi kong ang tanong na “bakit ka nagba-blog?” ay katumbas lamang ng tanong na  “bakit ka nagmamahal?”

 
 
 
Walang dahilan o kung mayroon man , hindi ko na alam.
 
 

“Ang post na ito ay nagkamit ng ikalawang karangalan sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com

About these ads

112 thoughts on “Talking to myself again….

  1. Pingback: Pa’no Toh? | pocketsalvador

  2. Pingback: The Win, the Gratitude, and the Prize | JUNE's Day

  3. kung ako tatanongin .. kaya ako nag blog para umepal sa mga post ng mga blogero at blogera na me post na gaya nito hahahaha at saka para ma ilabas ang nakikimkim na damdamin kahit mali mali ang aking pagkasulat…

    “masasabi kong ang tanong na “bakit ka nagba-blog?” ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal?” – Isang malaking check :)

  4. Ang huhusay ng sagot at ang titino. Ako siguro ang isasagot ko, nagbablog ako kasi gusto kong maraming ma-touch sa kasingit-singitan ng kanilang pagkatao LOLjk.

  5. Congrats Bagotilyo at natuwa ako na sila Grace at Neneng gala na mismo ang nag-comment dito to congratulate you. Parang bangag nga lang ata si Neneng Gala sa paraan niya ng pag-comment kaka-laser kili-kili siguro. joke!

    Mabuhay and Happy Blogging!

    wala nga pala ako badge for my pa-contest ano. dito ko lang narealize sa side bar ng blog mo.

    • Nakakaoverwhelm nga at dito pa sila nagcomment. Ang saya lang. :)

      Happy blogging sating lahat.

      ok lng kahit walang badge. Masaya n kong nakasali at nanalo sa pacontest mo. hehehe…

      Salamat.

  6. Hey Congrats! Sobrang natuwa ako nung nakita ko ang pangalan mo sa mga winners. Isa talaga itong entry mo na nakikinikinita ko noong mananalo. At nanalo nga. Congrats ulit. :-)

  7. Congrats congrats! Ikaw ay kabilang sa mga nagwagi sa patimpalak ni Madam Hoshi. Yipee! :)

    By the way, makabuluhan ang mga dahilan na iyong ibinahagi kung bakit ka nagbblog. at tunay na nakakainspire naman ang iyong mga kwento at kahit kaming mga mambabasa, ay nagagawa naming madiskubre ang sarili namin sa pagkakarelate namin sa mga karanasan mo sa buhay na binabahagi mo dito.

    • binsa ko tuloy ulit yung post ko at napatanong: ” paano kayang nanalo ‘to?” hahaha

      Pero seryoso ? Sa comment mo pa lng pakiramdam ko panalo na ko. salamt ng madami sa mga kapwa kong blogero na pa2loy na nagbbigay sakin ng motivation pra magsulat at para matuto. :)

  8. Pingback: Blog Life Contest: Winners | aspectos de hitokiriHOSHI

  9. powtek, 80 pa lang naman ang comments, 80 pa lang, hihi. may premyo ang pang-81, kapatid? oy, sabi pala, di raw pisbol ang ililibre mo – dalawang barbeque raw at 12 ounce na coke. iba pa raw yong libre pag nanalo ka sa contest ni hoshi – pinakamarap na siomai daw, in the event… ahaha. two orders, hakhak. hullow! ;) :)

      • e, paano ba ‘yan, nanalo ka? ay, sows, dalawang libre na ang due sa ‘kin, yehey! congrats, kapatid :) huwat, panalo na naman? anlagay, walang-wala, hakhak… ;) o, ano, ahanong masasabi mo? speech, speech! ;) :)

        • ang totoo? Speechless ako. As in. Di ko na talaga inexpect . hahahha

          Eh yang mga libre libreng yan. ilista mo muna ah :)

          Matutupad din yan. Tiwala lang.

          Cheers! :)

          • haha, congrats! :)

            eh, ang lame, sa totoo lang. hihihi. anu-ano ang napanalunan mo, kapatid? naknang, wala pang masyadong effort yan, anlagay… ;)

            ahihi, para kanino ang second to the last sentence? happy weekend! :)

          • maraming prizes . nakakatuwa pero peyborit ko yung undergarment para di n bumakat nipples ko. lol

            yung second to the last line… iiihhh… wag mo n ngang itanong kinikilig ako. joke. hahaha

  10. Kapag ako ang tinatanong kung bakit ako nagboblog, naiisip ko kaagad ay makainspire kaso hindi ko naman magawa. Lol. Sabawing mga post lang ang alam kong gawin pero kung makatsamba man, sana ay hiling ko sa Langit na may mainspire din akong tao, kahit isa lang sa aking mga gawa.

    Gusto ko ring matuto, kahit mga kalokohan pa :D

    At Sir, isang pagbati sa iyong pagkamit ng ika-siyam na pwesto sa Bagsik ng Panitik :)))

  11. pag totoong mahal mo ang isang bagay, walang dahi-dahilan :) nice!!!
    bigla ko rin tuloy naiisip bakit ako nagbblog..hmmm….

  12. in twenty years mababasa itong blog post na ito ng mga anak mo, anong mensahe mo sa kanila? hahaha. parang narinig ko tuloy sa background ang boses ni boy abunda! susunod!
    Ang drama ng mga pamngbitaw mong linya idol. Shaks. Kagaya ng rason ng nagmamahal! Lalim! idol talaga kita kahit kailan!
    Isa dapat kaming mga 80000 fans mo sa mga rason mo sa pagboblog! solid Bagotilyans kami! haha (imbentong pangalan ng fans club)

  13. I blog because I want to be famous. lol. Seriously, outlet ko ‘to. Dito ko nasasabi yung mga bagay na di kaya at di kasya sa facebook at twitter.

  14. Self Discovery : Panget ka pla? nyahaha

    Ako nag bablog kasi required dati sa work tas ayun kinagiliwan ko na. Ansarap kasi na may online diary ka kesa na pwede mong maishare sa ibang panget.. tas pag nag back read ka (totoo yun) nakakatuwa lang kung panu ka na nag grow as a person

  15. Pingback: Blogging is Passion | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI

  16. Ahoy parekoy!

    Mostly eh ganyan din ang mga reasons ko why I was engaged into blogging. Masarap kase yung may outlet ka para maibahagi mo ang mga saloobin mo na hindi mo kayang sabihin ng personal sa totoong buhay.

    Masarap din mag blog kase marami kang nami-meet na mga tao at kaibigan online. Though yung iba, they already set it up to the new level by meeting in real life (EB) and setting up a charity :)

    Masarap din sa feelings pag alam mong maraming online friends/blogger friends mo ang laging nagbibigay ng kanilang kuro-kuro at komento sa iyong mga naisusulat sa blog.

    Muli, maraming salamat sa pagbisita at kumento sa aking blog.
    Babalik ulit ako dito :)
    Since wordpress pala itong blog mo, add na lang kita sa blogroll ko.

    • parekoy! salamat sa pgdaan sa aking munting blogsite :)

      MAraming dahilan kung bakit tayo nagbablog. MAraming motivation para magsulat. Plus bonus pa yung mga kaibigang nakikilala natin .

      apir!

  17. Self discovery at self experssion talaga kung bakit ako nag-babablog. Gusto ko maging magaling na psychologist kaya first step to do that is understand myself better. Pag nag back read ka sa mga sinulat mo, unti unti mong makikita kung anong klase ka talagang tao. Blogging is cathartic ikanga..may word ba na ganun? hahaha

    good luck sa entry mo!

  18. Is it just me or talagang kamukha ni John Prats yung pic^?. :) I guess number 5 is passion. Yung basta wala lang, nakakabit na sa puso ko ang pagb’blog. Minsan kasi hindi lang dapat utak ang nag-iisip ng mga dahilan, meron ding puso na nagsasabing, “ito ang gusto ko; ito ang ikaliligaya ko.”

    Oha. Ganun kasi ako eh, wala lang, share. Malay ba natin kung pareho tayo. yieee! :D God bless, kuyaaa!

  19. Simple ang tanong, gasgas na nga kung tutuusin, pero ang apat na tugon ay punong puno ng aral tungkol sa pag ba blog!

    Ang tanong na “bakit ka nagba-blog ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal” Salamat dito Papa Jack hahaha kala mo ha!

  20. Question lang pogi – bakit mo kinakausap sarili mo? pa check up ka na lumalala na yan..bwahahahahaha

    well kidding aside, napaka life changing naman ng tanong pero infairness tumpak yung mga sagot mo pogi, points!!! :D

  21. ang taray naman ng linyang ito ” tanong na “bakit ka nagba-blog?” ay katumbas lamang ng tanong na “bakit ka nagmamahal?””

    tinalo ang bigat ng katagang ito “Isang tanong mula sa magandang babae sa blogworld”

    hehehehe

    salamat sa pagsali sa contest and mabuhay!

  22. ahaha naku di ko ata masasagot ang tanung na yan haha di ko din kasi alam ang rason basta masaya ako sa pag bloblog ko hahah
    anyways nice and mga rason mo
    pwede ba pakopya na lang ng answer haha

  23. noon, naghahanap ako ng venue para mai-share kung anong meron ako. makakilala ng mga bagong kaibigan at maging inspirasyon sa mga taong handang pulutin ang pirapirasong kwento ko. kagaya mo, nahanap ko ang mga ito sa blogging.

  24. ahaha, ba’t di nag-aapir ang like button? pambihira…pakisabi, like ko. teka, di ba ang point ng post e, mahilig kang manalamin? di ba? di ba? ;) o, ganto, isasama kita dpsa, marami pa ro’ng cricket – para magkatotoo naman ang sound effect-effect mo ryan, nyahaha. at sumali ang bruho sa patimpalak ng last minute. hoy, hwag tamad. hwag tamad magsulat, naman… eniwey, good luck sa entry mo. pag nanalo ka, twice mo na akong ililibre, hihihi. ;) :)

    • merong like button yan. bat pag sayo laging nawawala.??

      na decipher mo ang hidden meaning ng post ko. (vain pala?) hahaha

      oh my! may utang pa nga pla ako sayon tusok-tusok pisbol-pisbol. hayaan mo pag nanalo ako dito sasamahn ko na rin ng sakto. hahaha

      Dear self,

      Sana sipagin ka pa magsulat. Keep it up. XD

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s