Namamasko po!

Maligayang pasko sa lahat ng reader ng aking blog (kahit dalawa lang kayo).

Hindi ko alam kung ito na ang magiging year end post ko . Bahala na.  Medyo sabaw din ako kaya patawarin niyo po ang kawalang laman nitong post ko. Pasko ngayon gusto ko lang mag-post.

Shopping galore ako nung December 18 para mamili ng regalo sa mga kapamilya , kapatid,kapuso, katropa at mga inaanaksss. Gipit ako at pilit pinagkasya ang natitirang barya sa aking bulsa para maibili ng tig-iisang iphone5 ang lahat ng mga inaanak ko at mga malalapit na tao sa aking puso. Mahilig talaga ako magpaliwang ng mga bagay-bagay kaya let me unfold the reason behind my gifts. (english me?)

Sa mga taong malalapit sa aking puso:

kay RJ :

Belt = Para maalala mong hindi dapat binababa agad-agad ang short pag nakakita ka ng maganda/panget na chiks.

kay Kressa:

BAG = Para maalala mong ikaw ay may klase , hindi yung puro ka tambay sa subi-monte. wahahahha

kay Toto:

Bag ulit = Para maalala mo rin na pumasok sa eskwela hindi yung dota ka ng dota. wahahahah ulit.

Kay ron2 , cheng,Christelle:

Mini Case : Hindi ko alam kung bakit yan ang napili ko. Katabi kasi nung mga bag. Nakakatouch si kuya MJ no?

Kay YOY:

thermal bag = para makapagresign na c te y anne at maalagaan ang pamangkin kong c zedy . Maaari kang magsideline sa work mo para magtinda ng ice candy , ice water , ice cubes , Ice cream at kung ano2 pa.

Kay Ria na Bestfriend ko:

Payong = para maalala mong ako’y iyong kasama umulan man o umaraw. Oo,alam kong alam mo na wala lang talaga akong pambili ng iba pa.

Kay ate Mhay:

Cook Book : Dahil mahilig tayong kumain este magluto alam kong swak na swak sa’yo to.

Kay ate nitz:

Book ” A words to a mothers heart” : Every mother needs encouragement. Tapos tatanong ko rin sa’yo kung maganda yung book para ireregalo ko kay mommy sa mothers day. hahah

Kay ate dely:

Wall Decor : Dahil mahilig kang magpakuha ng Blood pressure sa’kin. Walang konek? oo alam ko.

Kay. Dra. Apple:

Organizer : Busy ka sa susunod na taon kaya sigurado akong magagamit mo yan kung walang magreregalo sayo ng mas magandang organizer. hehe

Kay Dra. Yu:

Book “This is my story” : nainspired ako sa librong ‘to nung binasa ko. Sana po mainspired din kayo. Salamat po pala sa 1 year supply ng vit. E last year. kuminis ako.pramis.

Kay Dr. Yu:

Handkerchief = Di ko rin alam kung bakit ito ang nabili ko. Uso daw yung mga nahihypnotize tapos dinudukutan. Siguro ganito yung nangyari sa’kin. Nahumaling ako sa red lips nung sales lady tapos sabi niya malambot daw yung panyo. Gusto ko sanag itanong kung kasing lambot ba ‘to ng mga labi niya at kung pwede bang itesting. Pero dahil nga nahypnotize ako. Agad-agad kong dinampot ang panyo tapos diretso sa cashier.

Kay Mamang:

Cash = Tinanong ko ang lola ko kung ano gusto niyang regalo at agad-agad siyang sumagot na pera na lang. Gusto ko sanang sabihin kay mamang na wala pa akong regular na trabaho at di ko kaya yun. Pero binirahan niya agad ako ng “pambili ko lang ng gamot” Ayun iakw ba naman bigyan ng dialogue na pangteleserye ano pa bang magagawa mo?

Para sa mga pamangkin ko at 101 dalmatians na mga inaanak. Alam niyo na ang regalo ko. TARAN! Laruan! Nung bata ako masaya ako pag nakakatanggap ako ng laruan at pera. At dahil wala ako nung huli. Laruan na lang. Ayos ba?

Para sa aking ermat , erpat at 2 kapatid na babae naisip kong iregalo sa kanila ang madalas kong matanggap noong elementary  sa mga exhange gift. Picture frame . Nilagyan ko lang ng konting twist. Bakit ba? It’s the thought that counts naman.

Ate Y anne

Ate Y anne

Ate shey

Ate shey

dad

dad

mom

mom

Real men aren’t afraid to show their true feelings :p

Sa mga tropa kong bloggers message of appreciation lang muna maibibigay ko. Sorry na :p

Wala akong regalo sa sarili ko ngayong pasko. Sapat na sa’kin ubusin ang sentimo ko para mapasaya ang mga taong nagpasaya ng buhay ko. Siguro isa ito sa tunay na diwa ng pasko. Ang pagbibigayan. Matatapos na ang taon at sa araw na ito gusto kong maalala nating lahat na hindi tayo ang unang nagbigay. Si Lord ang unang nagbigay sa’tin ng pinakamagandang regalo. (John 3:16)

Sino ako para magtago sa pasko? Sino ako para hindi magbigay sa kapwa? Kahit munting regalo? Kahit hindi pera? Kahit konting pagmamahal lang? Kahit simpleng mensahe ng pasasalamat? Kahit simpleng halik o yakap? Humahaba na tong post ko eh isa lang naman ang gusto kong sabihin:

MERRY CHRISTMAS SA ATING LAHAT!

About these ads

93 thoughts on “Namamasko po!

  1. *teary eyes* Gusto kong magkaroon ng kapatid na tulad mo. Haha. Ang bait mo kuya MJ. Pwede b kitang ampunin bilang kapatid ko. Tapos regaluhan mo din ako. Kahit picture frame. Haha

    Merry Christmas and Happy New Year.
    Hoy magpakita kana. Haha

  2. namamasko po… :) ey, bagotilyo, asan ang bagong post, kainaman na. parati na lang kailangan may prompt. hala, ayaw ko nang marinig ang susun-susong excuses, kapatid. sulat na!

    Maligayang Kapaskuhan… :)

  3. belated merry Christmas and Happy New year pero advace Happy Valentines’s Day Sa iyo!

    ang Gift giving ay magastos pero masayang part sa Pasko. At sa awa naman ngayon lang ako nakabati sa iyo, di ba?

    hehehe Mabuhay sa iyo, ano man ang pinagkakaabalahan mo ngayon.

  4. so, here i am after reading the featured blogger sa ” damuhan”. A young man who inspired , touched and made me cry.
    And now, I am crying again. You really are touching my heart for your goodness and most important of all your faith to God. I know that God will bless you more and your family is lucky having you and I am lucky knowing you.
    Well, napatawa mo pa rin pala ako sa post mo na eto. Napasaya mo talaga sa grandma:) I love your lola:)

  5. aaaaaaw…nakaka-touch naman..ok saken ang pic frame pero kung may magbibigay saken ng katulad ng gift mo sa family mo siguradong hihikbi ako..

    Happy Holidays Bagotilyo :)

  6. huli man at magaling, late pa din! :D Maligayang pasko moises, yung regalo ko sa iyo, basahin mo na. lols.

    “Real men aren’t afraid to show their true feelings :p” pak na pak!

  7. ikaw na ang hari ng geps moises!!! yaman2x lahat binigyan! hahaha at agree ako that real men are afraid to show their feelings, paks na paks lang! yan kapag totoong lalaki ka ha! hehehe pero in fairness, chuweteypie mo nga para sa mga taong mahal mo! iboboto na talaga kita kapag ikaw ay may balak tumakbo ngayong eleksyon! campaign manager mo pa ako sa buong mindanao! deal yan! hahaha

  8. “Real men aren’t afraid to show their true feelings :p ” agree!

    Nakakatuwa naman ang post na ito…very few realize that CHRISTmas is about CHRIST minsan mas sikat pa si Santa Claus kesa sa birthday celebrant…kudos!
    Merry Christmas!

  9. Andami mo ring niregaluhan ah!

    Sobrang sweet naman nun gift mo sa yong family! Nun bata pa ko, ayoko ng picture frames, pero kung may magbigay saken ngayon nyang gawa mo, malamang e maiyak ako!

    Belated Merry Christmas and Advanced Happy New Year! :D

  10. ang sweet naman bro. for sure, touched na touched ang mga kapamilya mo dito. at salamat din sa pagbati mo sa amin. Merry Christmas. God bless you more and your family.

  11. Ubusang yaman pala ang ginawa mo ngayong Pasko. At na-tats naman ako sa mga sulat mo. Ang emo! Haha, pero mas mabuting emo sa pamilya kesa emo sa iba *ehem*ehem. :p

  12. Kung kapatid kita ibabato ko sayo yung picture frame. dyuk!

    Ok naman pala ang picture frame may message. It’s the thought that counts nga.

    Namiss ko to. Yung mag Christmas shopping.

    Merry Christmas bagotilyo. Namamasko po :P

  13. LoL ako sa “Belt” for RJ…talagang di ba mapipigilan at kusang nahuhulog na lang ang short hahahaha.

    But I find this post so sweet! Merry christmas parekoy

  14. natuwa naman ako sa mga gifts mo sa family mo. it’s really that thoughts that count. at salamat at isa ako sa mga nakatanggap ng message of inspirasyon. maswerte ako na magkaroon ng kaibigang blogger na tulad mo. Maligayang Pasko, kaibigang Bagotilyo

    • gumaganun. Wag mo ko masyadong englishin pare. nagpapanic ako. XD

      Hindi nga nila alam kung saan ilalagay ang picture frame. wahhaha.

      Maswerte rin ako at nagkaroon ako ng kaibigang blogger na katulad mo. Oo tayo na ang maswerte . wahhaha

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s