Bakit hindi pa ako handang mamatay ?


Doomsday ; Mangyayari na raw yan ngayong darating na December 21,2012. Pinili ng utak kong hindi maniwala hindi dahil hindi pa ako handang mamatay.  Ang mga ganitong mga bagay ay pinapaubaya ko na lamang sa KANYANG mga kamay sapagkat ang Diyos ang may likha at SIYA rin ang may alam kung kailan ito masisira.

Maraming lumalabas ngayon sa internet na signs daw na gugunaw na ang mundo or darating na ang panahon ng paghuhusga . May video pa nga na lumabas na ang gangnam style daw ang kukumpleto sa propesiya na sinabi noon ni Nostradamus. Napatawa ako o sige napangiti na lang.  (watch the video here) Sa totoong mundo o kahit sa cyber world maraming pagkain ang pwedeng ihain sa iyo. Karamihan sa kanila mukang masarap , maganda ang ‘plating’ , may side dish , malinis tignan , kapanipaniwala , at katakam-takam. At dahil gutom tayong mga netizen sa mga pagkaing minsan hindi naman dapat kainin basta-basta na lang natin isusubo masabi lang na nalagyan ng laman ang ating facebook timeline  tiyan .Maari rin naman totoo ang sinasabi nila tungkol sa doomsday pero dapat nating tandaan na hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo, hindi lahat ng masarap sa panlasa ay healthy at hindi lahat ng nababasa mo ay totoo ( <—-  kasama to‘)

365984-gangnam-style

 

At dahil naopen ang topic tungkol sa end of the world naisip tuloy ng tamad kong utak na kasalukuyang humihikab pa sa loob ng aking ulo ang katanungang bumagabag sa aking buong pagkatao. Bakit nga ba hindi pa ako handang mamatay? Let me not count the ways.

Hindi dahil :  wala pa akong lovelife , wala pa akong anak na sariling akin o sariling pamilya na aking bubuhayin , wala pa akong stable job , wala pa kong iphone 5,hindi ko pa nakikiss sa lips si Anne Curtis, hindi ko pa nakakakwentuhan si Sir Eros Atalia ng 60 minutes , hindi ko pa nakikita ng personal si Bob Ong , hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa aking sarili na “ I will travel the world.” ,  o hindi pa 10 digits ang pera ko sa bangko.

 

Hindi pa ako handang mamatay kasi : Natatakot akong maooverwhelm lang  sa presensiya ni LORD at baka dahil doon maaring hindi ko makita ang itsura ng Kanyang muka o marinig ang Kanyang tinig , o baka may sinasabi na pala Siyang importante pero hindi ko maintindihan dahil sa sobrang pagkamangha. Baka hindi ko rin maitanong sa kanya ang napakarami kong tanong tungkol sa buhay. Kung uso nga ang oras sa langit ayoko lang may masayang na kahit isang segundong kasama Siya. I don’t wanna miss a thing sabi nga sa isang kanta. Iniisip ko pa lang na nakatayo ako sa harapang ng Hari na walang sawang umintindi sa mga kakulangan ko at minahal ako ng sobra-sobra sa kabila ng aking mga kasalanan nanginginig na ‘ko. Ano pa kaya’t andoon ako mismo sa actual moment. Excited naman akong makita  SIYA pero ‘wag po muna sana ngayon kasi hindi pa ko handa. Hehehe.( Hindi ko nga alam kung magiging handa pa ‘ko.)

Ready naman na ako kasi kagaya ng end of the world o ng kamatayan may mga pangyayaring darating sa atin kahit hindi tayo handa. Kapag nasa harapan mo na wala ka rin namang choice kung hindi buong lakas na ito’y harapin. Hindi naman kasi hagaran ang tadhana para tumakbo ka na lang habambuhay.

Doomsday? Oo mangyayari yan kalma ka lang pero  hindi pa sa December 21,2012 yan kasi mag-aanniversay pa ang church namin sa December 23 , 2012 ü

About these ads

86 thoughts on “Bakit hindi pa ako handang mamatay ?

  1. Thank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

  2. tol, dapat laging maging handa, dahil hindi natin alam kung hanggang kailan ang ating buhay, at dapat kung sakaling dumating man si Lord or may mangyari sa atin, alam natin kung saan tayo pupunta sa kabilang buhay.

  3. Lumipas na ang 21 sa Pinas at dito naman sa Europa ay kapapatak palang ng isang oras ng ika-21 ng disyembre, anyare? Eto’t nagkokomento ako sa blog mo haha. Pero ganun paman ay dipa din ako handa, basta kay God lang ako naniniwala, pambihira yang mayan calendar pinipressure tayo.

  4. Ako. Walang trabaho. Walang lablayp. Wala pang lisensya (ECE), Wala pang sariling pamilya. Wala pang natutupad sa mga goals ko. Kaya wag muna. HAHAH! Mother Earth, steady ka lang jan! HAHAHAH! :))

  5. natutuwa ako dahil hindi lang puro kakulitan ang alam mo, bukod sa may angkin kang kaastigan, andun ang puso mong laging nakatuon sa Kanya. Huwag kang mag-alala, lahat naisulat na Niya… Ang kailangan lang natin ay Makinig.
    Happy anniversary pala sa Church ninyo.. sa Praise and Worship Ministry ka ba?

  6. bakit kaya di lumabas ito sa blog updates ko,
    hmm buti nibisita ko blog mo

    anyways buti na lang at hindi totoo yang gunaw gunaw na yan ayoko pa madeads kasi di pa ko mayaman haha

  7. Who knows kung kelan? But instead of worrying about it, I think it’s better na let’s use the time we are spending here para maging productive. Let’s do what is right and what we have to do. Di ba? Anyway, I’m new to the world of blogging and I find your blog very helpful to me. I got new ideas. Thanks a lot. No wonder you\re one of the top filipino bloggers. Dapat lang i-follow. :D

    The Savvy Filipino | Learn to become a Savvy Pinoy
    http://thesavvyfilipino.wordpress.com

    Thinking Chuchay | The adventures of Princess Pachuchay
    http://thinkingchuchay.wordpress.com

  8. Minsan tinatawanan ko lang ito pero naisip ko, who knows di ba? baka nga. Walang nakakaalam kung kailan ito manyayari. All we need to do is that, BE PREPARED!

  9. basta ako, naka leave na pati ang wife ko sa Dec. 21. lols. pero iba ang reason, personal. may occasion na importante :)

    napanood ko rin yung konek ng gangnam kay nostradamus hehehe. likot ng utak ng tao ano. Pero tama ka, kahit pa magkaroon ng end of the world sa 21 o hindi, iba pa rin ang individual preparation natin. kasi marami nga di na aabot sa dec. 21 eh. may kanya kanya naman tayong end of the world. at yun ang sigurado.

  10. The Mayans may or may not be right with the end of the world but surely according to His Word walang makakapagsabi hehe

    Matthew 24:36-37:36 No one knows about that day or hour, not even the angels in heaven, nor the Son, but only the Father. 37 As it was in the days of Noah, so it will be at the coming of the Son of Man.

    Anyway, gusto ko yung title ng post mo, that is really the question, handa na ba tayo if ever? My answer to that is we will never be prepared when that time comes but we can always make sure that our hearts are ready to face Him. So cguro ang tanong are we prepared to face Him, kumbaga may maipagmamalaki ba tayo sa Kanya pag dumating yung time na yun.

    Magulo ba? hehe! Anyway, okay na rin na may mga ganyang craze at least once in a while mapapa isip ang tao at nagiging dahilan pa ito ng pagiging malapit ke God. :)

  11. Napaisip ako bigla kung ilang digits ang pera namin sa bangko ahaha san pala church mo? Db tga cavite ka, kwentuhan tayo bukas sa sba kung kaya ko pang pumunta after ng peba.

  12. i remember my classmate posting “wala na akong naintindihan, prelim na next week” and i said, wag ka ng mag effort mag aral kasi end of the world na ng 21 wala ng mangyayaring major exam. the next thing i read sa tweet niya, she is about to sleep na. hindi na nag-aral talaga!! hahaha tan-enah!!

    hindi pa ako handang mamatay dahil gusto kong makashake hands muna si president obama hahahaha

  13. Hakhak. Natawa ako dun sa metaphor mo ng pagkain. Wala lang. Gustoko lang tumawa hahahahaha! Apir! Teka, diba nauuna ang date sa pilipins bago sa amerika, edi mauuna magend of the world sa asia? hakhakhak.

  14. may kasabihan daw sa internet na kung virgin ka pa hanggang 30 years old, magiging wizard ka daw. i guess i’ll never know. tsk. lols!

    ewan ko lang kung napapansin mo pero eto ang napapansin ko ngayon: halos lahat ay nagsasabing hindi totoo ang dec 21 doomsday na yan. so nagtataka ako ngayon kung sino ang sinisita natin? baka nga naman wala talagang naniniwala. tayo lang ang nagsasabing meron. camtutinkopit. di ba? haha!

    ayaw ko pa ring mamatay kasi wala pa akong limang panganay. :D

  15. hehehe.. trending talaga ang topic na yan.. well..

    ayoko pa din mamatay.. kasi.. madami pa kong di nagagawa.. at ayokng mamatay ng di ko navivisit ang BALI.. hehe

    • Since hindi natin alam kung kelan tlga tayo madedeads or kung kelan gugunaw ang planet earth. dapat gawin na natin ang mga gusto nating gawin at pagtrabahuhan ang mga lugar na gusto nating marating :)

  16. Ahahah ! Are you guys taking that seriously? Of course I ‘m sure you don’t , but I’ve heard so many Filipinos are so into that.
    Even so, it does make you wonder, huh.

    peace and happy Christmas.

  17. Sabi nga sa 1 Thess. 5:2: “For you yourselves know full well that the day of the Lord will come just like a thief in the night.”

    Hindi natin alam kung kelan siya darating. Ang tangi lang nating magagawa ay maging handa. :D

  18. Hindi pa rin ako handang mamatay kasi hindi pa ako sinasagot ng crush ko. Hindi pa din ako nagkakaroon ng iphone5 , kahit yung pinakaunang iphone eh wala pa rin ako. Alam ko aabot pa ang iphone20, sing nipis na ng papel, holographic ang keypad. Hindi pa ako handang mamatay kasi hindi pa talaga end of the world. Fan ka rin pala ni Sir Eros. Ang pinakamatagal ko lang na nakausap si Eros eh nun nag lecture siya sa kolehiyo namin :)

  19. hindi pa pwede mag end of the world :)
    hindi pa ako ready mamatay, huhuu…
    marami pa ng pangarap ang dapat matupad.
    kagaya mo, wala pa din akong stable job at gusto ko din magkaroon ng sariling family (pero hindi pa ngayon)

    hehe. pag ganitong usapan, nalulungkot ako :( hehe

  20. kapag oras mo na, oras mo na. kaya dapat always ready. yun ang pananaw ko. kung di ka man magkaroon ng lovelife, kagustuhan na ni Lord yun. ang seryoso ko ngayon

  21. biroan namin ng mga ka officemates ko na hindi pa dapat end of the world dahil sa
    -sayang ang sardinas, hindi makakain kasi next year pa naman maeexpire
    -hindi pa ako nagaasawa
    -wala pa akong mga little me

    pero pag seryosohan na gusto ko rin dumating yun dahil sa
    -magulo na ang mundo
    -to start fresh
    -for a change

    yun lang ang haba haba na…wehehe

    hello pogi!!! ^_________^

  22. gusto ko yung “hindi dahil” reasons mo hehe..pero hindi rin naman ako naniniwala sa 12-21-12 ek ek..dahil may christmas party pa kami sa dec 21 lols

  23. Saka may Christmas party pa kami sa 23.. ang pinakabonggang narinig kong proof na hindi pa magugunaw ang mundo this year ay yung ang corned beef namin ay sa 2013 pa expiration date, haha! Pero seriously, I believe na walang makapagsasabi kung kelan to..

  24. ako rin,,,di pa handa….haha….marami pa akong di napuntahang lugar,,,,,,huhu(sayang naman, baka wala yun sa next na world…hehe)

  25. hindi rin ako nainiwala sa kabila ng mga naglalabasang ebidensya di-umano ng pagbabago ng mundo sa darating na 12/21/2012.

    Hindi rin ako handang mamatay o mas gusto kong ayaw ko pang mamatay :)

    gusto ko pang makitang naglalakihan ang aking mga anak. :)

    at hindi rin ako handang humarap sa KANYA

    magandang araw sayo sir :)

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s