Broken Promises

 

Tandang-tanda ko pa ang gabing iyon. Bilog na bilog ang kulay dilaw na buwan na bahagyang tinatakpan ng mga ulap. Nagniningning ang mga bituin na parang diamante sa kalangitan. Nakahiga tayo sa rooftop , magkahawak ang mga kamay . Nagtatawanan, nag-aasaran , naglalambingan at oo, nagmamahalan. Napakarami mong pangako na binitawan noon. Na kahit anong mangyari hinding-hindi mo ko iiwan. Na tayo na nga habambuhay. Na ikaw ang makakatabi ko sa simbahan suot ang puting damit na pangkasal at nagsasabing:  “Opo father I do”. Na ikaw ang magiging ina ng mga anak natin. Inaway mo pa nga ako kasi  sabi mo tatlong anak lang “ok” ka na habang ang gusto ko naman ay lima. Matapos nating magtalo at magtawanan, sabay tayong tumahimik , sabay nating pinagmasdan ang ganda ng kalangitan. Ramdam ko na sabay din ang tibok ng ating mga puso noong mga oras na ‘yon.

 

Tandang-tanda ko pa ang iyong kabuuan na mas maganda pa sa kalangitan. Tandang-tanda ko pa ang itsura mong naiinis kapag binibiro kita na ang iyong muka ay mas mabilog pa sa buwan. Kasabay ng inis ay ang automatikong pagdampi ng iyong kamaong pumipitik sa aking braso. Tandang-tanda ko pa ang lambot ng iyong mga palad. Tandang- tanda ko pa ang bawat salita at pangakong lumabas sa iyong matatamis na labi. Lahat ng ginawa at sinabi mo tinatak ko hindi lang sa aking isip at puso kung hindi sa aking buong pagkatao.

 

Makalipas ang ilang buwan ako’y iyong iniwan. Walang pasabi.Walang paalam. Alam mong hindi ako handa. Gusto kong magalit sa iyo pero hindi ko rin magawa. Mahirap pero pinipilit ko pa rin na intindihin ka. Lagi naman ako yung umiintindi sa’ting dalawa diba? Masakit mag-isa pero mas masakit ang katotohanang napako na ang mga pangako mong akala ko ay paninindigan mo.

  

Heto ako ngayon , nakatayo sa malawak na damuhang ito . Bitbit-bitbit ko sa kaliwang braso ang tutang regalo mo sa akin noong anniversary natin. Hawak ko sa kanang kamay ang cellphone, umaasang kahit papaano ay magtetext ka at makakaalala. Nagdadalawang isip kung tatawagan ka. Hindi ko rin sigurado kung active pa ang number mo. Pero dahil matigas ang ulo ko at malakas din ang loob nabuo ang kahibangan na tawagan ka at kahit saglit lang marinig ko ulit ang iyong tinig. Akmang ididial ko na ang iyong numero ng biglang naglikot si browny dahilan para mahulog ang aking cellphone . Tumungo ako upang hanapin ang lugar na binagsakan nito. Hindi nagtagal ay nakita ko din ang cellphone katabi ng mga puting rosas na ako mismo ang may dala, sa itaas nito nabasa ko ang iyong pangalang nakasulat sa malalaking letra at nakaukit sa lapida.

ang imahe ay kinuha lamang sa http://definitelyfilipino.com at hindi ko pagmamay-ari :p

About these ads

90 thoughts on “Broken Promises

  1. Pingback: Broken Promises | Official Jules

  2. magandang pasko po… a, a, wala pa ring bagong post dine, kainaman na… ;)

    oy, may balita ako sa yow – di pala masyadong masarap ang chippy na green (ngayon ko lang natikman, hehe). sa chippy na pula pa rin ang boto ko, hihi. saka sa Nova. ako na ang may nginangata, lol. musta, kapatid… :)

      • hindi nga, kaasar… ;) mas sabaw ang utak ko, kapatid, as in… anak ng tipaklong, sino nga ang nag-advise sa ‘kin na gumawa ng ibang sites? hahaha. pwede kaya nila akong ipagsulat ng posts, once a week lang, please? ;)

        btw, mauuna kang makapg-post sa ‘kin, feeling ko lang, hihihi. :)

  3. may pinaghuhugatan a.. hahahaha. Parang kelangan naming malaman kung bakit siya namatay. May sunod ba to na part o sinundang part? hahaha..
    Pero ganun naman talaga, parang may linya o eksena ka pa nga dun sa Biyaheng Langit..

    “Bumaba ang bata sa isang istasyong upang ipaalala sa iyo na may mga tao talagang dadaan lang sa buhay mo at magiiwan lang ng mga aral at alaala. Huwag kang matakot subukang makipaglaro sa tadhana lalo na’t ang nakataya dito ay ang iyong kaligayahan. Walang masama kung gagawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo basta’t wala kang inaapakang tao. Subukan mong lumingon, malay mo nakangiti na pala itong naghihintay sa iyo.”

    Sabi sa yo, may ganyan naman talaga.. Gandang araw…

  4. ei, manong, cute siguro ang tuta… ba’t pala tuta pa rin, noong anniv pa ibinigay ni labidude, a? in-inject mo ng pampa-bonsai, hano, para ma-preserve ang souvenir… ahaha, biro lang. asan na ang tuta, ano’ng name nya? ;)

    have a happy weekend, kapatid. :)

  5. aw! Sakt0ng sakt0 n s nangya2re skin eh ks0 ang ending n2 dead n xa un sken buhay n buhay pa.! Hahah.. Nsan n kya npunta ang mga pangak0ng un.. :’) like q t0h kua! Ü

  6. Kinilig pa naman ako.. tas sad ending.. tsk! sabagay lagi naman sad ending ng mga love story.. bitter pala e no? haha.. chos lang

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s