Quiz Whiz — D’ Inventors

Noong college days ko napili akong kalahok para sumali sa isang general knowledge quiz bee. Wala akong choice nun kasi isa ako sa mga nangunguna sa dean’s list (  ehem! Ehem! Ramdam mo ba ang bagyo?) Pero ang totoo hanggang ngayon pakiramdam ko alphabetically arranged lang ang pagkakaayos sa dean’s list noon kaya medyo nangunguna ang inyong abang lingkod. Balik tayo sa sinalihan kong tagisan ng utak. Siyempre dahil perstaym kong mapasali sa ganitong klaseng contest ako ay sobrang excited at nagsunog ng kilay para maging excited na lang lagi. Nanghiram ako ng 2 volumes ng encyclopedia sa aking tito at guess what? Hindi ko ito nabuklat. Sayang lang ang effort ng tito ko sa pag pagpag sa alikabok ng makapal na libro.

Nagresearch ako kung ano ang mga posibleng itanong at sa aking pagreresearch ay nalaman kong karamihan sa mga questions dito ay kung sino ang mga nakaimbento o nakadiskubre ng mga bagay-bagay. Hayaang mong i-share ko sa iyo ang ilan sa kanila:

Alam niyo ba? ( in kuya kim’s voice tone)

…….. na ang nakagawa ng unang website ay tatlong tao at lahat ng last name nila ay nagsisimula sa letter “W”. Sila ay sina Weasley , Webber , at Wong .

……. na ang nakadiskubre ng mouse na hawak mo ngayon ay  ang babaeng taga france na si Macey Mice.

…… na ang nakaimbento ng samsung cellphone ay nagngangalang Sammy Sang.

Ang galing no?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

lahat yan imbento ko lang…..

Nung una gusto kong magchampion pero habang naririnig ko ang tanong bumababa ang standards ko. Unang tanong. Ayos lang makakabawi pa ko. Pangalawa. Malas lang. Pangatlo.sige kahit second place na lang. pang-apat,panglima,panganim,pangpito at sunod sunod pa ang deadly questions….. Sana po Lord wala ako sa lowest 5.

At natapos na din ang patimpalak nagmamadali akong umalis ng room. Masaya ako sa result kasi dininig ang dasal ko. At Attentive talaga si Lord dahil ang pinakinggan niya ay ang latest kong hiling. Pang pito ako sa kulelat wala ako sa lowest 5 . YEY!

Natutunan ko na sa isang kompetisyon  hindi laging mahalaga kung anong klaseng medalya ang mabibitbit mo .Ang mahalaga ay yung mga bagay na na-experience at natutunan mo na mabibitbit mo habang nabubuhay ka, hindi man nakasabit sa leeg  nakaukit naman ito sa iyong pagkatao.

Napaka “loser” ng speech ko.wahahha… Pampalubagloob. :D

Walang kinalaman ang picture sa post pero sila ang pinakamamahal kong mga classmates noong college :)

About these ads

69 thoughts on “Quiz Whiz — D’ Inventors

  1. nakakarelate din ako sa post mo,, hahaha. At mas nakakainis lalo kung tama ang mga sagot mo pero wrong spelling. 3 puntos na nawala dahil sa Schizophrenia, Robert Fisher, at erogenous zone. Tsk,, Ako dapat ang nanalo, alam mo yun? (hindi maka move on?)
    Ayun, ganun talaga ang mga pakontes.. Naniniwala din akong pana-panahon yan. Ang mahalaga, nailalabas nito yung mga tinatago nating galing..
    gandang araw, bagotilyo..

    • ako din nadali jan sa wrong-spelling-wrong na yan . hahaha. . Di din ako makamove on . May isa naman akong sinalihan dapat kami nanalo “Group Quizbee” kaso di na kami nakaapila na tama yung compputation namin kasi na announce na yung winner and the decision is final na daw. Its ampeyr! hehhe ( Di din makamove on?)

      Tama sa contest tlaga may nanalo at natatalo.And we always gain whether we win or lose. (tama ba spelling ko ng whether baka ma wrong spelling wrong ulit ako.)

      Gandang araw din lipadlaya :)

  2. Ilang beses akong nagbura ng comment sir gusto kong sabihing ok lang na hindi ka nagwagi pero everybody loves a winner siguro ang importante na lang ay masaya ka. Pero masaya ka ba pag talo ka? Just some thoughts sir, siguro ang aral dito ay move on lang ng move on, kasi ang tunay na quiz ay ang tinatawag na buhay :)

  3. maygad! akala ko totoo yung sinabi mo. napapasali din ako sa mga ganon contest pero chox lang di manalo. kasi di sila mananalo kung wala ako na syang talo. lol

  4. natawa naman ako sa ginawa mong trivia hehehe kala ko un na talaga hehehe

    magandang experience din yan… naghihinayang nga ako kasi never ako sumali ng contest nung nag-aaral pa lamang ako…

  5. Relate na relate ako sa mga quiz bees na yan,been a representative of my school and city to diff. competitions, nevertheless ang importante is ung ginawa mo ung best mo. Malalaman mo na ginawa mo tlga ang pinakabest mo if wla kang regrets sa mga sagot mo, or sa mga ginawa during the competition. And besides, ang habol ko rin sa mga pakontest is to meet new faces.. oh ako na ang friendly at #kapalmoks mnsan :))

  6. You should start watching Jeopardy. lol there are actually so many books on numerous trivia.. And not Encyclopedia, hahaha.

    Anyways, it’s still g reat you were chosen. You should be proud. They considered you smart.

    Cheers !

  7. Oo nga naman, wag mong isipin ang resulta, ang mahalaga e kung pano mo ito ginawa at kung ano ang natutunan mo. Malapot pala utak mo pre, nung kolehiyo ako para lang akong salimpusa e. Hehe

    * Pareng Jay was here

  8. Relate na relate ako doon sa “pagbaba ng standards”. ‘Pag mga paunang round, target talaga ang mag-champion. Pero kapag obvious na obvious na talo na, ang ipinagdarasal na lang e ‘wag mangulpot. Hahahaha!

  9. manalo o matalo ka pa sa isang patimpalak, ang mahalaga dun ay ang mapupulot mo’ng aral ng buhay. hindi mahalaga na manalo, ang mahalaga, nagawa mo’ng lumaban. o ha! waley ako lol

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s