Moving on — Stage Zero : The Great Pain

 
“ All things must come to an end.”
  

Maging mabuti pa ito o hindi . Maganda o masama. Lahat nakatakdang matapos. Sa yugtong ito ng buhay mo ang relasyon mo o kung ano man ang namamagitan sa inyo ang nakalinya sa kanyang katapusan. Ito yung moment pagkatapos mong malaman na hindi magwoworkout yung sa inyong dalawa kaya malamang sa malamang may winoworkout na din siyang iba. Oo isa siyang Gym Adik. Mahilig mag workout. At oo Bitter ako este ikaw.
 

“Maniwala sa gawa ; huwag sa salita.”
  

Masakit sa dibdib ang mga pangyayaring ito. Parang binigay mo sa kanya ang  puso mo tapos hindi niya inalagaan. Hindi pa nakuntento kumuha pa nang kutsilyo . Hiniwa. Pinadugo. Tinadtad. Hiniwa ulit. Kinuha ang mortar and pestle. Dinurog ng pinong pino. Presto!
 

Habang siya masaya na eto ka at naiwang “nganga” .  Patuloy na umaasa at kumakapit sa salita at pangakong binitiwan niya. Masyadong kang nabusog sa masasarap na salitang inihain niya. Matatamis na pangakong nagmistulang iyong Dessert pagkatapos ng one great meal. At Dahil busy ka sa pagnguya at pagnamnam ng mga katagang kanyang binitawan nakalimutan mong hindi pala dapat kinakain ang mga salita. Dapat pinapakinggan lang tapos yung iba ilalagay mo sa utak , yung iba sa puso at yung iba papasukin mo lang sa isang tenga at palabasin sa kabila. Proper waste disposal – Diyan ka nagkulang. Hindi mo nailagay sa tamang lugar ang mga salitang nabubulok at ang mga salitang hindi nabubulok. Hindi mo din napansin na ang mga pangako niyang ginamit sayo ay ang mga parehong pangakong ginamit niya din sa iba. Ni recycle niya lang. Ang galing niya no?
 

“Honor The Pain.”
  

Sabi nga ng uncle ko na si tito Boy Abunda “ What doesn’t kill you make you stronger.” Hayaan mong ang sakit ang magtulak sa iyo para mag Move On. Embrace the pain . Yakapin ito nang mahigpit hanggang sa masakal at kusang magpumiglas at umalis .

Napakagaling ng Diyos kasi  ginawa niya ang luha . Isipin mo kung wala nito saan mo ilalagay ang isang napakalaking emosyong hindi na kasya sa iyong puso at isip. Kung walang luha Siguro marami ng patay ngayon. Cause of death? Sumabog ang utak at puso . Kaya Umiyak ka kung kinakailangan . Umatungal kung hindi mapigil. Humikbi para mabawasan ang sakit. Lahat naman ng sugat naghihilom kahit wala kang gawin. Hintay hintay din. Apurado ka eh.
  
“ Maniwala ka – hindi ikaw ang nawalan.”
  

Tandaan mo na ang mga madaling ma inlove lang ang madaling makamove on at alam kong alam mo na hindi ka isa sa mga iyon. You value things , You value feelings , You value words , You value people . And that what makes you valuable sa susunod at tamang taong darating sa buhay mo. Rare Species ka na. Hindi lahat kaya magpakatanga magpahalaga gaya ng pagpapahalagang ginawa mo . Don’t Ever look down to yourself again.
  

Naniwala ka ba sa mga sinabi ko sayo na hindi ikaw ang nawalan?

Salita lang yan.

Ayan ka na naman eh. :p
  

“ And the real challenge begins……”
  

Moving on Stage 1 = Reminisce

Moving on Stage 2 = Depression

Moving on Stage 3 = Bitterness

Moving on Stage 4 = Exhaustion

Moving on Stage 5 = Letting go

Picture from myniceprofile.com

.Gear up! Mahaba-habang proseso ang pagmomove on . Handa ka na ba? Wala ka namang choice pala. Haha..

About these ads

124 thoughts on “Moving on — Stage Zero : The Great Pain

  1. ^_^ i like it kuya. Ang galing nung ‘proper waste disposal’. Salitang nabubulok at di-nabubulok? At meron pang ni-recycle? ^_^

  2. Oh, is this a reblog?

    Were you dumped or what? It seems like it, from the picture. Your heart is bleeding.

    Oh, well. It’s easy for guys to recover. You can approach another girl, at will. Girls cannot do that. It’s so much harder for women when they get dumped. It always cuts so much deeper.

      • ahaha, wala. di ko afford love pains sa patas ng proble-problema, kapatid… pero-pero, andami ko nang nagawang sulatin from this series – manual ko ‘to, haha. ;)

        hoy, magsulat ka nga. bawal ang tamad. baka 70 ka na bago maka-publish, bro. hihi, kaway-kaway… ;)

        • wahahah di nama nako papaabot ng 70 bago mgsulat ulit. 69 siguro .lol

          nabasa ko pla ung blogpost mo about sa kaibigan nating c strawberry. ang sweet nun , parang tribute lang. :)

          kaway back :p

          • oo nga eh.. kakalungkot. :(

            So , pag ako nawala mageexpect din ako ng ganyan from you. hahah *knock on wood *

            Eto ok naman. nahinga pa din . minsan. hehehe..

            Kaw kamusta na ba ang buhay2? :)

          • lungkot, true. :)

            may gano’ng bilin? kainaman na. pag ako nauna, ikaw gawa ng ganyan sa ‘kin, hakhak (ibinalik?) ;)

            yun nga, paano ba gagawing mas makabuluhan ang paghinga?

            eto, marami pa ring takot, agam-agam at agiw sa utak, ahaha. ;)

    • imperness pang DJ ang boses at emosyon. :)))

      nakakatuwa palang marinig yung mga sinulat mo tapos naririnig mong sinasabi ng ibang tao. SOLOMOT po ng marami.

      made my day. ^^

  3. Ramdam ko dito sa Stage Zero na ito, ang the best way para makalimot eh ilabas lahat ng sama ng loob. Iiyak nyo yan, hindi bakla ang lalakeng umiiyak, ang tawag dun nagmamahal. Nice post, learn from experience para sa mga nakabasa netoh ^_^

  4. sakit nga nito sinama nya pati puso mo sa pag alis nya.. e binopis na nya yun.. joke lang ang hirap nga lumimot pag balot kapa ng sakit.

  5. Pingback: Moving On Series | Bagotilyo

  6. pain? whats that? haha.. nung nagbreak kami, nagpaospital ako, hello iv antibiotics, presto, tulog! seriously, we broke up while im on dextrose… naalala ko ngaun, what a way to break up. lol

  7. Hirap talaga mag move on. Sabi nga nila ang tunay na nasaktan di agad nakaka move on… kailangan ng enough time para makabawi… at darating ang right time para makalimot…

  8. mahirap mag move on, pero dapat subukan.
    dapat magsimula agad agad para matapos na lahat ng stages stages na yan! hihi! gooo!
    laban!!! rawrrrr!

    haha!
    hi po!
    napadaan lang…
    im a newbie here in wordpress :)

  9. Naku, mahirap talagang mag move on. Dati ko pang nakikita ito, at naisip ko ring gumawa ng parang sarili kong version pero ayaw ko na, ayaw ko ng maalala ang mga bagay bagay.

    Honor the Pain, yeah, kadalasan ganoon nalang ang gagawin mo. Bukod sa wala ka ng choice, wala ka din namang option. Redundant? Chos… Mahaba haba nga ang process ng moving on. Pero hindi lang importante na nagmove on ka na, ang mahalaga, natuto at nagmahal ka. :D

    Stay happy, Blogger of the Month! :D

  10. Buti na lang tapos na ko sa mga heartaches & moving on eklat na yan, pero totoo talaga ang sinabi ng Tito Boy mo ha hihi, tapos sama mo na rin yung kanta ni ate regine,you made me stronger by breaking my heart hihi di ko alam ang title :)

  11. “Tandaan mo na ang mga madaling ma inlove lang ang madaling makamove on at alam kong alam mo na hindi ka isa sa mga iyon..”

    SAPUL! XD
    Dami kong natutunan sa Moving On series mo pards!

  12. Wow ! !

    Hmmmm… @____@

    You’re a guy, huh, and guys get their hearts broken too ? Kala ko, girls lang iyak iyak. For some reason, it gives me hope there are men out there who are honest and true. Lucky is the girl who’ll have you in the future, You’re a rare breed.

  13. katakot naman yang babae sa portrait, wari snatcher ng nag-iisang puso. mabuti naiwan pa ring nakatayo ang lalaki, tikas ha. wari ko dalawa puso ng lalaki, kasi pansinin mo sa kanan siya nakahawak, malamang iyong right heart ang kinuha, at iyong left sadyang itinira. para siguro may tsansa pang bumangon at tumayo gaya ng pagsasalarawan. at makakuha pa ng pagkakataon magbalik gunita. wari ko lang ha.

  14. pag walang luha patay agad? puede bang mauutot muna sa sakit? lol. joke lang.

    masyado kasi mabigat sa puso itong isang to eh. wala naman masama sa pagiging bitter. kailangan maging bitter hanggang sa nakakatawa na lang yung pinagbibitter bitteran natin. and yun na, ok na uli. :)

    -Rogie

  15. mahirap magmove on lalo kung totoo ka. lagi mo sya naaalala sa una, sa tuwing popause sa ginagawa naaalala ulit sya at nakakalungkot.

  16. nakakatuwa naman to. tama si hoshi ang ganda ng choice of words mo. free flowing yung thoughts. anyway..mahirap magmove on alam na ng lahat yan pero its really nice na may mababasa kang ganito kasi karamihan sa atin ay hindi lahat pala alam naman kung paano magmove on pero di kayang gawin hanggat walang magpapaalala sa kanila tulad nito. thanks!

  17. ang ganda ng mga words na ginamit mo. gustong-gusto ko! hindi dahil sa naniniwala ako ha, gusto ko lang yung composition in general. (hahaha napaisip daw ako baka ma-misinterpet mo na compliment ba ito o ano? pero) Compliment talaga ‘yan.

    hmmm oo naman daratying yong point iiwan mo na rin hindi lang yung tao kundi yung damdamin na hindi mo na kailangan tagalan. nagpapakatanga ka na lang kung puede mo namang hilumin ayaw mo pa rin.

  18. gustung-gusto ko ang title. mapagpasya, matapang at mahapdi – hihi. ;) hello, bagotilyo!

    at ba’t pala di mo binasa at kinomentan ang wala kang binitawang pangako, kapatid? ;) ahahayyy… kaway po. ;)

  19. tama maniwala sa gawa, huwag sa salita…iba pa rin ang may pinapatunayan kaysa salita ng salita,hehe….. salamat sa paglagay mo sa blog ko sa blog list mo…nasa blog list na po kita…….

  20. Ummm…malungkot naman. Wala pa akong masabi. Kasi yung poste ko ay Nais kitang mahalin…umaasa pa…di pa naman siguro matatapos yung sa kwento ko.

    Sama akong lima dun sa sinabi mo….”di ka nawalan”. Kasi kung ibinigay mo ang tunay na pagmamahal…totoo yun siya ang nawalan. May katapat pa ang tunay na pagmamahal na iyan…baka nasa kabilang kanto lang.

    God Bless bagotilyo.

  21. hirap mag-isip… kasi anlakas ng tibok ng puso…. so ang gagawin, i-distract ang sarili? para maka move on? stage? di nakakaapak pa sa kahit anong stage… naka nga nga…naniniwala…anyare na….gulo ko ata

  22. hmmm….bakit nahuli ang stage zero?…nalito tuloy ako kung ang sunod ba sa stage 5 ay zero wahahaha..gulo ko lang..

    friends are great help sa pag-move on..tried and tested ko na yan.. ang layo lang ng comment ko sa topic hehehe…

    so kumusta ka naman?.. anung stage kana ba talaga?

  23. eh kelan ba matatapos etong moving on post mo, nadadala ako eh….

    isa lang ang pinaniniwalaan ko ngaun bro, “Life Must Go On” , sama ka sa eb sa linggo sa MOA, ahehe

  24. Aww.. tamang tama lahat ng sinabi mo. From experience ba to? Yun din mali ko dati e, naniwala ako sa words, na hindi na naman naback-upan ng action. At naniniwala ako na hindi ako ang nawalan, ganda ko e! charot! ambisyosang frog lang. Thanks nga pala sa pagdaan mo sa blog ko, yun lang naman.

  25. Haven’t read the above entry yet. nag comment lang ako just to tell you I already added your blog in my blog roll. Hope you can do the same. Will find time to browse your entries and put comments on it. Thanks for dropping by sa blog ko. Appreciate it. :) Kindly erase the previous comment. Thanks.

  26. Naka-move on na nga( un ang akala), bkit bigla mararamdaman na naman ung “Hiniwa. Pinadugo. Tinadtad. Hiniwa ulit”… Sinundan naman ung stages na yan. Siguro may nalagpasan… :( buti na lang nariyan ang luha na mag-aanod ng waste na hindi nagawan ng proper disposal.. ^_^

  27. tama. iiyak lng lahat. kc nkakagaan un. at pagtpos umiyak, icpn na everythngs happen 4 a reason at hindi sya para sa iyo so kailangang paghandaan ang totoong para sayo. at habang nag aantay ka, malaking maitutulong ng mga kaibigan para unti unting mawala ang sakit at makamove on. :)

  28. Tayong mga lalakeñ sa simula ng break-up, party-party. Pero habang nakakamove on ang babae, tayo naman ang tila nalulungkot at di makamove on. Malabo ang komento ko. Based on recent events kasi to.

Leave a comment using FaceBook , WordPress,BLogger , twitter , Email or whatever :p

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s